Sa propesyon namin mahirap mabuhay. Agaw buhay, kamatayan ang kalaban. Pero kahit na gano'n pusok ako sa ganitong propesyon para sa isang bagay. Ang laki ng pangarap ko at hindi lang bastang pangarap ang gusto ko..
Dahil isang importanteng pangarap.
Kahapon lang ay napasabak kami sa isang mission pero baliwala parin 'yon, it was a simple mission. Mas importante ang ngayon, kailangan namin makuha ang impormasyon bago namin ipakalat sa media ang tungkol sa sindikato. Kung wala kaming sapat na ebidensya baka mabulilyaso ang plano.
"Ingat ka, may tauhan sa magkabilang pinto."
"Sigurado ka?" Bulong ko sa earpiece ko. Ayokong nagda dalawang isip na sumugod, basta alam ko kung paano ang diskarte ko.
I'm wearing my eveday clothes kapag nasa mission ako. I wore my black fitted high weisted pants at fitted long sleeve na kulay black. Dinala ko narin ang bag na dala dala ko sa likod ko, maliit lang 'yon sapat na para mailagay ang flash drive o kahit na anong impormasyon.
Agad na sumugod ako sa dalawang tauhan, they saw me but I immedietely grab their both hands at ipinabagsak. Agad na binaril ko sila ng pampatulog.
"Ang galing talaga ng partner ko."
Narinig kong pumalakpak pa si Clint sa kabilang linya.
"Focus on your job kung gusto mong mag bakasyon." Inis na sabi ko.
"Sorry naman.."
"May tao sa main room?" I asked.
"Nanduon ang iilang tauhan, pero mukhang kaya mo na 'yon."
"Sige, papasukan ko sila. I check mo ang mga tauhan sa baba baka pumasok mahirap na."
"Copy."
Nasa isang party kami sa China, ginanap dito ang malaking celebration para sa kaarawan ng senator. Pero lingid sa ka alaman nila isang pinuno ng sindikato ang senator Villiam na 'yon.
Isang flash drive lang naman ang kailangan at kapag nakuha na namin 'yon pwedi na namin maikalat sa social media ang baho niya. Pero sa ngayon sobrang hirap dahil maraming nakabantay.
"Shoot! Wala ng tao."
Agad akong tumakbo, pero chineck ko muna ang mga tao sa loob.
Clean..
Agad na pumasok ako sa main room, malaki at maraming mga cabinet. Agad na inalis ko ang itim na gloves ko at hinanap sa drawer 'yon. Hindi rin kami pweding makilala o dahil maging mapanganip ang buhay ko bilang isang individual. Hindi na 'yon parte sa pag aalala ng boss ko.
Agad na nahanap ko ang halos nasa sampong flash drive na nasa maliit na bag. Walang pag aalinlangan na kinuha ko 'yon at nilagay sa bag ko.
Nakarinig ako ng kaluskos at maaraming pweding may pumasok. O dikaya papasok ang senador? Agad na nag tago ako sa ilalim ng kama pero bago ko 'yon nagawa i anayos ko lahat ng nagulo ko sa drawer niya.
"Hindi ba kwarto 'to ng daddy mo?" I heard the familiar voice.
And what he is doing here? Fuck!
Mukhang napansin ng lalaki na may tao sa loob kaya tumahimik siya.
Putek! Papatayin ko talaga 'to pag nabulilyaso ang plano namin.
"I think we should get out of here."
Kilalang kilala ko ang boses na 'yon. Apat na bwan din ng hindi ko siya naka usap dahil sa pangungulit niya.
Naramdaman kong lumabas sila at napatingin pa ako sa pintuan na nilabasan nila. Agad na nilabas ko ang tali at bumaba sa malaking mansyon sa likod.
Nasa baba si Clint hinihintay ako. Nang makababa ako ay agad na sumakay ako sa kotse at wala akong ibang naririnig kundi pang pupuri.
...
"Ayon sa nakalap naming balita sa mga oras na 'to hindi parin nagsasabi ng totoo si senator William tungkol sa pag bebenta ng droga at sa pag bubugaw ng mga bata--"
One month simula nong ninakaw namin ang flash drive. Nung una hinahanap pa niya ang sino man ang kumuha ng mga importanteng bagay na 'yon at bibigyan niya daw ng pabuya.
Pero in the end unti unti na namin pinalabas ang baho niya, nailigtas na rin namin ang mga bata sa kamay niya. Higit sa lahat, wala ng pabentahan ng droga sa bansa. Malaking sindikato sila at kailangan din silang mahuli at magbayad sa batas.
Wala akong naririnig kundi pang pupuri sa boss ko, he's happy and kahit na hindi niya sabihin mukhang may gusto siya sa akin. Sorry to say boss, wala akong balak sa pag ibig na 'yan. Gusto ko maghiganti.
Binigyan ako ng dalawang bwan na bakasyon sa pilipinas, at dahil may HQ naman kami duon hindi narin mahirap para sa' akin na mag report kung sakali.
"Hey, I miss you. Kailan tayo magkikita best?"
Denelete ko ang message niya after ko siya replyan.
"We're not best of friends."
Gusto ko magpakipot para habulin niya ako, may malaki akong plano para sa isang 'to. Pero mukhang wala siyang silbi, pag iisipan ko pa.
"You're one of them.."
Kumuyom ang kamao ko at sumandal sa upuan ko habang ready to take off ang plane.
...
Ilang oras dumating narin ako, na miss ko ang simoy ng hangin dito sa pilipinas. Noong nakaraan pa na una si clint kaya nag pasundo ako.
"Ang tagal mo." Inalis ko ang earphone ko.
"Nag date ako storbo ka talaga kahit kailangan eh."
"Istorbohin ko pagmumukha mo?" Tinignan ko siya ng masama.
"Char lang! Heto naman di na mabiro."
Nag simula siyang mag drive, ilang minuto ay nagsalita siya sa kasagsagan pa naman ng pag da drive niya.
"Nga pala nag text si best baka bisitahin niya tayo."
Nilingon ko siya, yong sobrang sama ng tingin ang binigay ko.
"Hindi natin siya best, Clint."
"Hindi na natin siya best? Akala ko ba best na natin siya?"
Aakmang bubunutin ko ang aking baril sa bag pero nagsalita na naman siya agad.
"Ex best na pala natin siya.. oo nga naman tayo lang ang mg best."
Hindi na ako nag salita at hinatid na niya ako sa condo unit kung saan siya narin ang mag ayos. He ordered me some foor para sa dinner ko. Bagsak na sinaraduhan ko siya at humiga sa kama..
May dumating na txt message sa'akin at akala ko si Clint.
"Hi best, naka uwi ka na pala sa pilipinas?"
"Lathus stop messaging me; can you?"
Tapos tinapon ko sa tabi ko ang cellphone ko, ilang buwan narin nong kinaibigan ko siya pero mukhang wala ako mapapala sa kanya.
He was smiling face at mukhang walang problema sa mundo. Ang isip bata pa niya kaya nag pasya akong iba nalang ang kakaibiganin ko, hindi na siya..
Wala siyang silbi sa mga plano ko, isa lang siyang walang kwenta..
BINABASA MO ANG
That man 7: Lathus Bateman Cyr [COMPLETED SPG]
RomanceMay has a plan to ruin and kill the member of assassins. She's a secret agent who wants justice. Naniwala siyang ang myembro ng pinaka malaking organisasyon sa bansa ang pumatay sa pamilya niya. May set her plan to kill and to seek her revenge. Nani...