『𝐓𝐕ཞ 𝟎𝟎𝟖』

248 20 3
                                    

"Maraming Salamat!" Naiiyak na sabi ng Nanay ng batang lalaki na naligaw.

"Ah! Walang anuman!" Ngiting saad ko sabay talikod upang pumunta sa destinasyon na aki'ng ninanais.

'Mapapatagal pa ata ako nito sapagkat hindi ko alam kung saan makakabili ng baril. Mukhang hindi maasahan si Jairuss at walang tiwala sakin. Mas mabuti pa kung magsasanay na lang ako sa aki'ng sarili.' Napabuntong hininga ako sabay kamot sa aki'ng buhok.

"Ah! Valora!" Ngiting sabi ng Nanay ni Raven. Oo, ang pangalan ng bata nang nakabangga ko ay si Raven.

"Ah, ano po iyon? May kailangan pa po ba kayo?" Tanong ko.

"Maaari mo bang sabihin ang huli mong pangalan?" Nagniningning ang mata ng nanay ni Raven ngunit nagbigay ako ng isang pilit na ngiti.

Karapat dapat ba na ipagmalaki ko ang pangalan na kailan man ay hindi nababagay saakin?

•◦✦────•◦ᘡ ۝ ᘞ•◦────✦◦•

VALORA - HARD MODE
Erin1224's CHOICE

A. "I'm a Daughter of Patrilorque."
B. "I'm sorry, I don't have a last name."
C. "I'm a noble! You should pay me for bringing that brat in here!"

•◦✦────•◦ᘡ ۝ ᘞ•◦────✦◦•

"Wala po akong huling pangalan. Patawad." Sana tama ang pagpipili ko ng pagpapasya.

Kung ako ang totoong Valora, ako yung tipo ng tao na lahat ng tulong may kapalit at walang libre sa lahat ng aki'ng ginagawa. Bilang lang ang bukal sa puso ang paggawa pero hindi ko alam kung saan.

"Ah, ganoon ba?" Malungkot na saad nito.

"Pero gusto ko magpahayag ng utang na loob sa'yo! Kahit ano ang hingin mo!" Sabi nito.

Kung sa edad na 11 na taong gulang ko malamang umalis na ako papalayo dahil sa kakaibang inaakto ng ina ni Raven. Pero maamo ang mukha niya, pero hindi pa din ako magpapadala sa itsura.

•◦✦────•◦ᘡ ۝ ᘞ•◦────✦◦•

VALORA - HARD MODE
Erin1224's CHOICE

A. Go with her.
B. Cry
C. Come back till tomorrow.

•◦✦────•◦ᘡ ۝ ᘞ•◦────✦◦•

Bakit ganito ang lumabas sa laro?! Hindi ko naaalala na may babae na katulad niya ay lumabas sa laro.

Huwag mong sabihin na... Sa original na storya, nauto si Valora ng babaeng ito?

Pero bakit ganon? Hindi naman ako ninenerbyos o nakakaramdam ng takot sa kanya.

"G-Gusto ko? Pero kung sasabihin ko sa'yo ay baka hindi mo tanggapin ang alok ko." Sabi ko.

"Sasama ako sa'yo... Kung papayag ka sa nais kong bilhin."

"Laruan ba? Pagkain? Damit? Sapatos o Alahas ba? Sabihin mo sakin! Ang pagtulong mo sa anak ko ay hindi maikukumpara sa ibibigay kong kagamitan." Kinuha niya ang kamay ko.

Walang normal na tao ang may buhok na ginto na gagala sa bayan. Maaari isa siya'ng asawa ng Duke o isang babae na kasama sa mayamang pamilya.

"May ibubulong po ako." Itinaas ko ang kaliwa kong kamay at sumenyas na lumapit siya sakin at yumuko.

Ginawa naman niya iyon at bumulong ako sa tenga niya sabay sabing - "Kailangan ko ng totoong baril." Mahinang saad ko.

Nagulat na lang ako dahil natawa siya sa sinabi ko.

Bakit? Ano naman ang masama doon?

"P-Palabiro kang bata ka. AHAHAHA!" Nagsitinginan na ang mga tao sa loob ng estasyon pero nang malaman niya na hindi ako tumatawa ay bigla siya'ng natigil.

"S-Seryoso?" Nanlaki ang mata nito.

"May... May pinagdadaanan akong pagsubok na nanaisin kong makaraos." Itinaas ko ng kaunti ang bestida ko saka niya nakita ang mga pasakit na natamo ko mula kay ama.

"M-Masakit ba-"

"Hindi na po, maayos na ang kalagayan ko ngayon. Salamat sa pag aalala pero kailangan ko nang umalis kung hindi mo po ako matutulungan." Yumuko ako saka tumalikod na.

"Pwede ko'ng gawin ang nais mo, pero sasama ka sakin." Nakangising sabi nito na ikinatuwa ko.

Umalis kaming tatlo at nag usap kami ni Raven upang maaliw siya kahit papaano.

━────┥❣┝────━

"Hindi ko na nanaisin na mapalayo sa bayan. Ang pakay ko lang ay isang bagay." Mukhang iba ang naisip ng nanay ni Raven. Balak niya ba ako ampunin?

Lagi na lang ako'ng pangalawa. Pangalawa sa pamilya at sa lahat! Nangunguna ako sa mata ng iba bilang masama!

"Bakit mo nanaisin na bumalik pa sa pamilya mo kung nagdudusa ka? Hindi ako normal na babae na maikukumpara mo sa iba. Kahit paano ay may kaya ako sa buhay."

"Pamilya ko pa din sila. Hindi ko nanaisin na mapasakamay pa ng iba. Sana po ay bigyan niyo ng respeto ang desisyon ko bilang isang anak." Gusto ko masuka sa binanggit kong 'Pamilya.'

"Saul!" Malakas na tawag nito at may dumating na lalaki na naka armas. Wala siya'ng spada pero nakita ko sa kanyang bulsa mula sa pambaba ay mayroo'ng baril na nakatago. Medyo may edad na ito pero mukhang malakas dahil sa pangangatawan nito.

"Akin na ang baril mo."

"Patawad pero paki ulit po?" Tanong nito sa nanay ni Raven.

"Ang Baril mo." May diing sabi nito sabay na inabot ang baril sa palad niya sabay pasa saakin.

Mabigat!

"Senyo-"

"Tumahimik ka!" Sigaw nito. "Itikom mo iya'ng bibig mo. May dahilan ang bata na ito kung bakit niya kailangan ng ganyang bagay." Tumingin siya saakin.

"Masyadong malaki ang baril. Hindi mo pa maitatago ng maayos dahil walang bulsa ang bestida."

"Bakit? Bakit ang bilis mong maniwala?" Tanong ko sa kanya.

Dapat ay nag tengang kawali na lang siya sa sinasabi ko dahil bata ako. Pero bakit ganoon?

"Hindi halatang 11 na taong gulang ka palang. Mas pinaniniwalaan ko ang aki'ng nararamdaman kumpara sa nakikita ng aki'ng mata."

Hindi kita maintindihan. Ano ang ibig mong sabihin?

Tumingin ako ng diretso sa mata niya'ng asul pero nagtungo iyon pababa sa mapula niya'ng labi. Ang bulong niya na walang boses ay nagbigay kilabot sa katawan ko.

'Patay ka na diba?' Ngisi nito.

Nahulog ko sa gulat ang baril na hawak ko at napanganga ng wala sa oras.

The Villain's Route.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon