Chapter One

7 0 0
                                    


"SID, PAAKYAT NA DYAN SI JOSHUA! Huwag ka munang bumaba at siguraduhin mong makapag tatago ka!"

   Hindi na nya nagawang makapag paalam sa kanyang kaibigan na si Pepper dahil basta nya nalang ini-off ang kanyang cellphone. Dalidali nyang nilikom ang kanyang mga gamit na kasalukuyang nakakalat sa lamesa at mabilisang nagtatakbo patungo sa dulong pasilyo kung saan matatagpuan ang lumang classroom sa palapag ng library ng unibersidad na kaniyang pinapasukan..
 
  Bahagyang naka bukas ang pintuan ng silid.
Ngunit nang akma na syang papasok sa silid ay biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran.

  "What are you doing here?"

  Tuluyan na syang napahinto ng marinig niya ang matigas at maawtoridad na boses na nagmumula sa kanyang likuran.Agad syang napapihit paharap sa taong yun at hindi nya napigilang mapasinghap..

  Nasa kanyang harapan lang naman si Rumoss San Ives, A very popular guy sa kanilang campus. He was a certified heartthrob, He got a very dark eyes na syang mas kapansin-pansin sa physical nitong aspeto, A high-bridged nose that he inherit from his Canadian Father and a thin sensual lips na nung mga oras na yun ay kasalukuyang namumula.

  Halos lahat ng kababaihan sa campus ay nag su-swoon dito, pero gladly hindi sya kasama sa mga kababaihang yun.

  Di nya kase tipo ang tipo nito na sobrang tahimik, suplado at kung makapag kunot noo ay aakalain mong pasan-pasan ang lahat ng problema sa mundo.Kaya tuloy wala syang pakialam dito at mas pinagtutuunan ng pansin ay ang mga lalaking madaling i-please.

  Pero ngayon bakit tila ba biglang nagbago ang kanyang pananaw. Rumoss was depicted as a handsome and undisputably good-looking.
At mas nakaka akit pala sya kung tititigan mo sya ng matagal.

  Bago pa sya makaimik ay natanawan nya ang grupo ni Joshua na patungo na sa knilang banda kaya naman dali-dali syang tumalikod at hinila ang braso ng binata at pumasok na nga sila sa bakanteng silid.

  Bahagya nya lang ipininid ang pintuan upang makasilip parin sya sa labas at mapakinggan parin ang usapan ng grupo ni Joshua sa pasilyong yun.

 

Dare To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon