"Alyssa? Are you listening?"No answer.
I held her hand but she still remained unconscious.
Ipinikit ko nalang ang aking mata at ibinaon ko ang sarili kong mukha sa kama kung saan ito nakahiga, pinipigilang tumulo ang mga luha tila hindi maubos ubos.
It's been what? 5 years since she's been in a coma? Ang tagal na panahon na rin ang lumipas, marami nang nangyari, marami nang nagbago.
Habang tumatagal ay mas bumibilis ang pag-ikot ng mundo, marami na ang nakalimot, marami na ang sumuko.
Ngunit narito parin ako.
Dahil alam kong narito parin siya.
Patuloy lang ako sa pag-iyak nang may biglang kumatok sa pinto kaya napatingala ako at agad na nagpunas ng luha.
"Kief, hijo naman," sabi ni Tito Ruel at tinapik ang braso ko habang marahang tumawa.
Pareho kaming nakatingin kay Alyssa na nakapikit lang ang mata at walang kamalay malay habang napakaraming tubo ang nakakabit sakanya.
"Sorry, Tito. I just can't help it. I miss your daughter so much," I said sincerely.
"I know, anak. We all do," he said and smiled at me.
Nanatili muna kami roon sandali hanggang sa pumasok na rin si Tita Lita at inimbitahan kami para kumain ng lunch.
"It's good to see you, Hijo. Buti napadalaw ka, kailan ka pa bumalik?" tanong ni Tita habang sabay sabay kaming kumakain sa hapag nila.
"Last night lang po, Tita. Sorry po ngayon lang ulit, marami lang po talagang inaasikaso para sa kompanya," sabi ko naman.
"Ano ka ba, Hijo! We really understand, nakapagpahinga ka ba ng maayos? Maaga ka daw dumating dito kanina sabi ni Manang?" nag-aalalang sabi ni Tita.
"Yes po, Tita. I really just had to see Alyssa." sabi ko at binigyan naman nila ako ng matamis na ngiti.
Ilang minuto pa ang nakalipas bago ulit magsalita si Tito.
"So, when's the wedding?" he asked me, smiling.
Ngumiti naman ako rito bago nagsalita. "Wala pa po kaming date na napag-uusapan ni Belle, Tito. Busy parin po kasi siya sa Fashion Week, as of now." I said.
"Well, make it fast, Hijo. You're not getting any younger! I'm so excited to meet my apo! I'm pretty sure you'll both make beautiful babies," sabi nito.
Binigyan ko nalang siya ng isang matamis na tango bilang tugon.
Halos gabi na rin nang umalis ako sa mansyon nila Alyssa. Napasarap din kasi ang kwentuhan namin nila Kuya Nicko at Tito.
Nakipagbonding rin ako kila Yuan at Mavi, ang panganay at bunso ni Kuya Nicko. Si Yuan ay halos binata na dahil kakatungtong lang nito ng highschool sa Ateneo habang si Mavi naman ay pre-school palang.
Bago ako umalis, dumaan muna ulit ako sa kwarto kung nasaan si Alyssa at pinagmasdan ang heart rate monitor sa kwarto nito.
Inayos ko ang kumot niya at hinalikan siya sa noo.
I'm not gonna get married yet because I want you to be there on my special day.
—
Happy First of August! 💙