IATBFHH # 1

950 20 0
                                    

IATBFHH # 1 :

    Kanina ko pa gustong sapakin 'tong katabi ko . Pigilan niyo 'ko matatamaan na talaga saken ito .

" Please Shin , tulungan mo naman ako oh ? please ! " tumigil ako sa paglalakad at napansin kong ganun din siya . Humugot ako ng malalim na hininga bago tinignan siya sa kanyang mukha . Nakikita ko sa mga mata niya na nagmamakaawa siya saken . Pumikit ako't nagbuntong hinga .

" Fine ! pero--- " hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bigla niya akong yakapin .

" Thank you Shin , ang bait talaga ng best friend ko " at kumawala na ito " Promise ! Hinding hindi ko lolokohin ang pinsan mo Shin  " nakangiti nitong sabi

" I know Jayd , pero nag-aalala ako sa'yo " kumunot naman ang noo nito " Ikaw alam kong hindi mo lolokohin ang pinsan ko , pero ang pinsan ko hindi ko alam " paliwanag ko sa kanya . Tumagilid naman siya at inakbayan ako .

" Hindi yun Shin ! Ako bahala " iniangatan ko siya ng tingin . Nakatingin din pala saken ito at tinaas-taasan pa ako ng kilay .

" Bahala ka , pero kapag nasaktan--- " hindi ko nanaman naituloy ang sasabihin ko ng bigla niyang takpan ang bibig ko gamot ang pointer finger niya .

" Hindi na ako masasaktan okay ? . Ramdam ko , ramdam na ramdam ko na kami na talaga ng pinsan mo " confident na sabi nito at nagpatuloy na kami sa paglalakad " Ayaw mo non ? magpinsan na rin tayo kapag nangyare yon " tumango nalang ako't hindi na sumagot .

Napahinto kaming muli ng makarating na ako sa tapat ng bahay ko " Paano ba yan soon-to-be pinsan , nandito kana " mabilis na binatukan ko siya .

" Nililigawan mo pa nga lang pinsan ko kung maka soon-to-be-pinsan ka naman diyan akala mo kayo na ? sinagot ka na ? " napanguso naman siya ng dahil doon " Panget mo talaga ! Good luck nalang sa'yo " sabay lakad ko papasok ng gate .

" Yung promise mo Shin ah ? aasahan ko yan " sigaw nito

" Oo na , hindi mo na kailangan isigaw , hindi ako bingi "

" Salamat talaga Shin "

" Oo na , umuwi ka na "

" Sige , I love you talaga bff " napatigil ako sandali sa sinabi niyang iyon ngunit agad din akong nakagalaw upang buksan ang pintuan ng bahay .

-

Kinaumagahan ay kasama kong tumungo ng bahay nila Shanon si Jayd . Ito kasi ang unang gagawin ko ang ipakilala ang isa't isa sa kanilang dalawa . Nung una kasi silang nagkita hindi ko napakilala si Jayd dahil sa naging itsura niya .

Bagong lipat sila Shanon dito sa Village namen , kaya paniguradong nag-aayos pa yung mga yun . Tutulong nalang rin siguro kami .

" Hi Insan " bati ko ng m akarating kami sa tapat ng bahay nila Insan . Natigil naman ito sa pagwawalis ng makita kami .

" Insan " mabilis na binitawan niy kung saan ang hawak nitong walis ting-ting at mabilis na tumakbo palabas ng gat nila at sinalubong ako ng yakap " Buti nakadalaw ka , hinahanap ka rin ni Mommy e " masayang sabi nito at kumawala na sa pagkakayakap niya . Sasagot na sana ako ng mapansin kong nakatingin ito kay Jayd . Ito na siguro ang pagkakataon na ipakilala sila sa isa't isa .

" Ay insan , si Jayden Lee pala best friend ko " humarap naman ako kay Jayd na ngayon ay natulala nanaman -_- " Jayd ! " tawag ko sa attention niya ngunit hindi ako nito nilingon . Bahala kang mapahiya sa crush mo . Hinila ko pababa ang buhok nito malapit sa kanyang tenga na ikinaaray niya . Edi nakuha ko rin atensiyon mo . Sinaaman niya ako ng tingin pero nawala yun ng marinig niyng tumawa si Shanon " Jayden , siya naman ang Pinsan ko si Shanon " mabilis namang inilahad ni Jayd ang kamay niya sa harapan ni Shanon na ikinairap ko paitaas .

" Nice to meet you Jayden "

" You too Shanon " sabay halik sa kamay ni insan .

" Hoy Jayd ! 20 1st century na ngayon , uso paba ang pag galang ng ganyan ? "

" Oo naman " sagot nito ng hindi inaalis ang tingin sa pinsan ko 

" O sha ! Papasok muna ako sa loob ha ? " humakbang naman ako papalapit kay Insan at inilapit ang bibig ko sa tenga niya at bumulong " Ingat ka diyan Insan , nangangain yan " sabay naman  kaming napatawa ng dahil doon " Joke lang , mabait pala yan " tinapik ko siya sa kanang braso bago tuluyang naglakad papasok ng bahay .

Masayang pinagmamasdan ko sa itaas ng bintana sina Jayd at Shanon na ngayon ay nakaupo sa benches at masayang nagkwe-kwentuhan . Unang pagkakakilala nila mukhang nagkasundo na sila . Wala e , mabait kasi si Shanon lalo na si Jayd .

Sana nga kayo na Shanon , para hindi ko na makita ang best friend ko na umiyak lalong lalo na kapag ....

" Bukas kami naman ang dadalaw sa bahay niyo Shin " naalis lang ang tingin ko sa dalawa ng biglang magsalita si Tita Myrna , ang Mommy ni Shanon .

" Sige po Tita , matutuwa po si Mommy non " ngumiti lang ito saken at ganun din ito . Muli akong sumilip sa bintana . Nakita ko na sabay silang kumaway saken kaya ganun din ang ginawa ko .

-

VoMment pwease *0*

Bridge for his Happiness-Completed√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon