EPILOGUE

1K 26 2
                                    

EPILOGUE

Jayden's POV

Nakatitig ako ngayon sa puting papel na bigay ni Tita Celine saken . Sa puting papel na raw na ito , ay doon ko malalaman at mababasa kung ano raw ang totoo na gustong sabihin saken ni Shin .

Umupo ako sa monoblock chair na hindi tinatanggal ang tingin sa puting sobre . Nasa tapat parin ako ngayon ng puntod ni Shin .

Nanginginig na kamay na binuksan ko iyon .

Tumulo nanaman ang luha ko ng mabasa ko iyon .

Dear Jayden Lee , ( My Bff )

       Hi sa'yo ^_^ ( alam kong parang baliw ako na lagyan ang isang liham ng emoticon pero lampake dudes hehe ) Hi Bff , alam mo ba kung ano ang pinaka masayang pangyayare sa buhay ko  ang hindi ko makakalimutan buong buhay ko ? yun ay yung nakilala kita Jayd . Masayang masaya ako dahil nakakilala ako ng isang katulad mo ^_^ . Isang taong matulungin , isang taong malambing lalo na ang sweet , isang taong may takot sa diyos , isang taong hindi marunong madala sa heartbreaks at lalong lalo na ang isang taong mapagmahal . Ikaw ang lahat ng iyon Jayd :) at alam mo ba kung ano ang pinakamemorable para saken ? yun ay yung maging mag bff tayo at mapalapit tayo para sa isa't isa .

     Sorry kung itinago ko sa'yo ang tunay na kalagayan ko . Ayokong-ayoko kasi na nakikita kang umiiyak ng dahil saken . Okay lang yung sa ibang tao  e , pero pag dating na saken , ayoko Jayd . Ayokong ayoko ! Hate na hate ko yun kung alam mo lang kaya hindi ko sinabi sa'yo . I'm sorry Jayd . Sorry for lying to you .

   At sorry din dahil ... MINAHAL ka ng BFF mo .

Natigil ako sa pagbabasa ng dahil sa nabasa ko . M-mahal niya ako ? " Bakit ngayon mo lang sinabi Shin ? Bakit ? ! Mahal naman kita noon pa naman e , pero hindi ko lang pinansin iyon dahil ayokong masira ang pagkakaibigan naten . Bakit Shin ? bakit ? " Itinuloy ko ang pagbabasa ko na kahit gustong-gusto ko ng tigilan dahil baka hindi ko lang magustuhan ang mga mabasa ko at pagsisihan ko lang ito .

    Oo Jayd , Minahal kita . Mahal na mahal kita . Ngunit hindi naman maari dahil ... may taning na ang buhay ko . Na kahit gusto kong maranasan na maging Gf mo at hindi lang Bff ay hindi ko na ginawa . Iniisip ko palang na gawin iyon pumapasok na agad sa isip ko ang maaring mangyare kapag dumating na ang araw na kukunin na ako ng Diyos .

 Gusto ko lagi ka lang nakangiti Jayd , na kahit anong paraan ay gagawin ko upang mapangiti ka lang lagi . Kaya nung time na dumating si Insan at nagpatulong ka saken para ligawan mo siya ay hindi na ako nagdalawang isip pa kahit na masakit para sakin yon . Okay lang , kasi nakikita ko naman sa'yo na sumasaya ka .

Sana ngayong kayo na ni Insan wag mo na siyang papakawalan pa , I know my insan . Hinding-hindi ka na pakakawalan niyan , adik na sa'yo yan e , wala ng ibang bukang bibig kundi ikaw . Atsaka may tiwala na ako sa kanya kaya pumayag na akong maging tulay niyo . At kung hindi naman , ay ganun parin  ang gagawin ko para sa'yo . Para sa'yo ay handa akong maging tulay mo para maging masaya ka lang . Ganun kita ka mahal Jayden Lee , ganun ka kamanahal ng Bff mo . Kaya wag na wag mo akong kakalimutan ha ? wag na wag mong kakalimutan ang isang Shin Mendoza na naging Bff mo na mahal na mahal ka . Dahil ako ... hinding hindi kita makakalimutan Jayden Lee lalong lalo na ng puso ko .

Hanggang dito nalang Jayd . Sana ingatan mo ang pinsan ko lalong lalo na ang sarili mo . Mahal na  mahal ko kayo , lalong lalo na ikaw :)

P.S : Wag kang iiyak , panget si Jayden Lee kapag umiiyak e . Kaya smile lang okay ? Like this ^__________________________________________________^ .....

                                                                                                           -Shin

Napatawa ako ng dahil sa huling nabasa ko . Ito talaga kahit nasa kabilang buhay na nakukuha parin akong tawaging panget kapag umiiyak , e gwapo naman kaya ako kapag umiiyak .

" Babe " itinupi ko na ang puting papel bago lumingon sa tumawag saken . Nag-aalalang napatingin saken ito ng makita sigurong basa ang mukha ko dahil sa luhang tumulo sa mga mata ko . Tumakbo siya papalapit saken at sinunggaban ako ng yakap . Yumakap rin ako sa kanya .

Wag kang mag-alala Shin . Mamahalin ko ng buong-buo si Shanon at hinding hindi ko na pakakawalan . Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para samen Shin . Utang ko lahat ng sa'yo . Maraming salamat . Hinding hindi kita makakalimutan . Mag bff parin tayo kahit nasaan ka man ngayon .

                                                                        ~THE END~

---

The End .. Hope you guys enjoy it :) hehe , umiyak ba kayo T^T ako kasi .... oo ? hahahaXD Thank ya :)

Mhixia_A

Bridge for his Happiness-Completed√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon