Chapter 3

7 0 0
                                    

PAUWI na siya pagkatapos niyang kumain nang may madaanan siyang nag aaway sa tabi ng kalsada na kanyang tinatahak.

Hindi niya na sana ito papansinin pero nakita niya ang isang lalaki na may hawak na patalim at mukhang isasaksak niya ito sa taong nakatalikod sa kanya.

Akmang gagalaw ang lalaki nang paulit ulit siyang nag busina. Dahilan para sila'y mapatingin sa kanya.

Hindi heavily tinted ang kanyang sasakyan kaya kitang kita siya ng mga ito.

Sa sobrang sama ng tingin sa kanya hindi na niya namalayan na nakasakay na yung isang lalaki sa kanyang sasakyan. Hindi niya pala nalock ang kanyang kotse. May kaugalian kasi siyang ganoon.

"Miss. Magmaneho ka na! " biglang sabi ng lalaki sa kanya .

"Teka teka! Sino ka Ba?!" Sigaw niya dito.

"Wala na tayong oras miss! Dalian mo kung gusto mo pang mabuhay! " nakakatakot na paliwanag into sa kanya.

Dahil sa narinig ay bigla siyang kinabahan, hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa lamig ng boses into.

Nanginginig ang kamay niyang nag mamaheno. Kaya paulit ulit siyang napapabuntong hininga.

"Saan kita ihahatid? At sino ka Ba? Bakit ka pinag tutulungan nung dalawang tao na yun? " sunod sunod niyang tanong sa lalaki.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay Hindi ito nag salita.

Tumingin siya dito pero nakatulog na ito.

'Pambihira naman oh! Sana pala di ko nalang ginawa yung kanina! " usap niya sa sarili.

Tinigil niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Malapit na siya sa kanyang tinitirhang condominium.

"Hoy! Gising! Saan kita ihahatid?!"

Niyogyog niya nang mabuti ang lalaki. Maya maya pa ay tuluyan na itong nagising.

"Saan kita ihahatid? " tanong niya sa lalaki

Hindi siya nito pinansin at lumabas nalang bigla sa kanyang kotse.

"Wala man lang thank you! Pambihira! " sigaw niya

Hindi niya nalang ito pinansin at dumeretcho na siya sa kanyang condo.

*********

☀️ SUNNY'S ☀️

MAAGA akong nagising dahil ngayon araw ang pag bisita ng bagong may ari ng Soleil. Dapat hindi kami malate dahil malilintikan kaming lahat sa aming suprvisor.

7:30 palang nasa opisina na aki. Sinalubong naman ako ni Rainee.

"Sunnnyyy! Good Morning!"

"Good morning too Rainee!"

"Thank you pala kahapon girl. Hihi. Ang gwapo nung kliyente koo!"

"Ayy naku! ayan ka nanaman! puro ka gwapo. Wala ka namang boyfriend! haha!"

"DUH! Naniniwala ako sa kasabihang, the right one will come to you in the right time!" sabi ni Rainee sa kaibigan

"Saan mo naman nakuha yang kasabihan na yan? "- tanong ko

"Diyan sa tabi tabi! Haha! "

"Kung anu ano ang sinasabi mo. Tara na nga. Malate pa tayo sa pag punta sa Conference hall! "- sabi ko sa kanya

Pagkadating namin sa Hall halos kumpleto na kami. Nandun na din ang aming supervisor.

May designated chairs para sa lahat. Umupo na kami sa tabi ng aming supervisor.

D A R K 1: HELLION DAVE (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon