NINE

22 1 2
                                    

Its been 2 months since nanliligaw si Bright sa akin and everyday niya akong hinahatid at sinusundo sa school, minsan naman sabay kaming kumakain ng lunch or dinner if ever wala namang requirements sa school.

"Thank God! Tapos na ang Final Examination! SEMBREAAAAK NAAA!" Nicole said, and got her Gucci bag from the drafting table.

"San kayo this Sembreak?" tanong naman ni Charisse while fixing her mascara.

"Uwi ako sa amin," sagot naman ni Maureen na kanina pa busy sa phone niya.

Then the 4 of them looked at me parang nagaabang sa sasabihin ko. I looked at them at ginantihan ng nagtatakang tingin. I mouthed 'what' at them.

"Ikaw, Gwen? Saan ka this sembreak or saan kayo this sembreak, rather?" placing her mascara back in her bag, Cha gave me a teasing look.

"Sa bahay lang ako noh. Manonood ng Kdrama", sabi ko while putting my liptint sa bag ko.

"Owwws? Sure ka?" giving me another teasing look.

I rolled my eyes, "Oo nga. At tsaka busy yon, I think?" I scoffed. "Eh ikaw Nicole? San ka ngayong sembreak?" tanong ko naman.

"Well, pupunta kami Siargao with the fam. Ikaw Jeph?" sagot naman ni Nicole.

"May plano ang WHOLE family namin pumunta ng Camiguin ngayong break." while sheepishly smiling at me.

-

naega dangsin-eul wihae byeol-eul ssolkkayo?

Nasa sala ako ngayon nanonood ng Kings Eternal Monarch. Ang gwapooo talaga nitong si Lee Min Ho!!! Habang nanonood ay nagring bigla ang phone ko.

Nicole: Hello Siargaooo!!

At nag send ng picture na nasa Cloud 9 ang background.

Jephcyl: Sanaol. Eto nageempake pa ako. Camiguin here we cooome!

Ahh. Baka busy din yung si Bright ngayon sa pageempake.

Maureen: Hello, Bukidnon! Magtretrek kami ngayon kasama hs friends ko!

Ashley: SANAOL TALAGA! Ba't ang productive ng sembreak niyoo?

I took a snap of our tv and sent it in our groupchat.

Me: Hello Kdrama!

Nagpatuloy na ako sa panonood ng Kdrama ng biglang tinawag ako ni Mama.

"Oh Gwen may bisita ka," tinignan ko siya at tinaas ang isang kilay ko.

Sino naman kaya ang bisita ko eh lahat ng kaibigan ko busy at kung si Ashley naman eh kapal ng mukha nuon kaya papasok lang yun ng walang paalam.

I got up at pumunta sa labas. Laking gulat ko ng nasa labas si Bright naka white shirt and kaki pants. Nakasandal siya sa kanyang sasakyan habang suot ang sunglasses niya.

Ang yummy!

I snapped out of my thoughts when I realized— Why on earth is he here?!

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko while opening the gate.

"Nothing. Gusto lang kitang makita" sagot niya while removing he's glasses.

I gave him a confused look.

"Akala ko ba pupunta kayong Camiguin?"  tanong ko ulit

"How?— Nevermind." he said shyly looking away.

May tatanong pa sana ako ng tinawag kami ni Mama. Oh shit! First time niya palang makapasok at ma meet parents ko!

Pinakilala ko si Bright sa kanila ni Mama at Papa, siyempre pinakilala ko siyang manliligaw ko. Enebeee eh sa maganda ako HEHE

"Anong kurso ba ang kinukuha mo ngayon ijo? tanong ni Papa

"Civil Engineering po," sagot naman ni Bright.

"AY! Architect at Civil Engineer! Perfect, Popoy at Basha langg?" dagdag naman ni Mama

"Mahal," saway naman ni Papa kay Mama

I laughed at how my mom gave a peace sign to my dad.

"Basta malalaki na kayo alam niyo na ang tama at mali? At mukhang okay ka naman hijo" sabi naman ni Papa.

Duon na naglunch si Bright. Pagkatapos ay niyaya ko siya maglakad sa may park.

"Oh, anuna? Ba't ka nga nandito? Di mo pa sinasagot tanong ko?" sabi ko while sitting on the swing.

Nasa harap ko lang siya at nakatingin sakin.

"Nothing. I just missed you"

Oh. Tameme ka ngayon Gwendolyn. Yan kasi!

I coughed and scratched the back of my head and gave an awkward laughed.

"Anyway, what were you doing? Wala ka bang gagawin this sembreak?" he asked.

Umupo narin siya sa swing katabi ng sa akin.

"Nanonood ng Kdrama. Panira ka talaga ng moment namin ni Lee Min Ho,"

He glanced at me and creased his forehead.

"At tsaka wala akong gagawin ngayong break. Siguro sa bahay lang ako , makikipagdate sa baby kong si Lee Min Ho" I said while smiling at the thought of Min Ho.

I was shocked nang biglang tumayo si Bright at tumingin sa akin habang nasa bewang ang dalawang kamay. Still wearing the same look kanina.

Tinignan ko naman siya from head to foot. Anong problema nito?

"Gwen," he said while calming himself.

Is he mad?

"Oh? Ina-ano kita jan?" I asked.

"Do you want to go with me?" He asked.

"Saan?"

He held my hand and looked at me.

"Come with me to Camiguin with my family."



A/N: sorry for the long wait huhu ill try my best to update hihi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear, BrightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon