Chapter 1

314 20 7
                                    

Disclaimer!

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales is entirely coincidental.

Don't you ever copy my story. Plagiarism is punishable by law.

---

ZYNDRA

“BABY ARK!” tili ko saka niyakap agad ang braso niya.

“It’s so early, Zyndra. Stop being clingy,” reklamo ni Ark saka pilit na kinukuha ang braso niya pero mahigpit ko pa itong niyakap.

Ganito naman ako sa kaniya lagi, eh. Bakit hindi pa siya nasasanay? Naku! Kapag ito tinigilan ko, hahanap-hanapin niya ako.

“Tinataboy mo na ako, baby?” tanong ko saka nagpaawa effect pa ako. I pouted and showed to him my puppy eyes.

Wala kaming relationship. Gusto ko siya. I think, mahal na nga yata, eh. Kaso itong si Ark! Pakipot pa! Ako na nga ang lumalapit, eh!

He sighed. “What now, Azulana?”

I looked at his friend who was laughing at us. Inismaran ko siya kaya tumigil siya at nag-iwas ng tingin.

“Kailan mo ‘ko sasagutin?” tanong ko na may halong paawang tono.

“I don’t like a clingy girl or even just girl,” he replied coldly.

He’s my classmate-slash-lover, Arkansas von Damme. My crush! My lover! My everything! But I think, for him, I’m just a mushroom na lumilitaw kung saan-saan at dumidikit sa kaniya. Pero alam kong may crush din siya sa akin, ‘no!

Meron ba?

“Ano nga, Azulana?” malumanay niyang tanong.

“Pakopya ako sa assignment,” pagdiretso ko saka ngumiti nang malawak sa kaniya.

“There.” Kinotongan niya ako kaya napahimas ako sa ulo kong kinotongan niya. Sakit, ah!

Umiwas lang siya ng tingin. Ang g’wapo ng side profile niya. Mas matangkad siya sa akin at hanggang balikat niya lang ako. He has pale, clear skin. Agaw-pansin sa kaniya ang ash gray niyang buhok, chestnut brown eyes, perfect jaw line, nose, and lips! Doon ako sa lips natulala lalo kasi ang pinkish!

Sarap halikan.

“Ito, oh, Zyn.” Napalingon ako sa harap ko na si Bonnie na may hawak na papel at iniaabot sa akin. “Assignment ko ‘yan. P’wede mong kopyahin.”

Napabitiw ako sa braso ni Ark at kinuha ang papel ni Bonnie. Inalisa ko muna ito at mukhang tama naman. “Salamat, Bon!”

“As always,” Bonnie said then smiled.

He’s Bonnie Hellsing. May kaparehas siya ng surname kaso nakalimutan ko. Narinig ko ‘yon sa movie, eh. He has rectangular spectacles. Agaw-pansin sa kaniya ang lime green na kulay ng kaniyang buhok. Maputi rin ito at may suot na puting glove sa kanang kamay. No’ng tinanong ko sa kaniya kung bakit siya may gano'n, ang sagot niya, “nothing's serious with it.” Bonnie combed his hair upward using his fingers. Pogi rin siya pero mas pogi si Ark! Bestfriend ni Ark si Bonnie at bestfriend ko rin si Bonnie.

Pumunta na ako sa silya ko at umupo. Kinuha ko sa loob ng bag ko ang assignment paper ko na walang sagot. Minadali kong kopyahin ang mga sagot ni Bonnie dahil baka dumating na ang prof namin. Saktong naibalik ko na ang papel ni Bonnie nang dumating ang prof namin. Nagkaroon na ng discussion at pilit kong pinapasok ang discussion namin sa utak ko kaso wala, eh. Wala akong maintindihan.

Her Vampire DelusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon