Chapter 2

88 15 3
                                    

ZYNDRA

NAPATINGIN ako sa aking phone nang mag-vibrate ito kaya chineck ko ang mensaheng natanggap ko. From my friend, Aeris. Sinabi niyang makipagkita ako sa kaniya sa kapehan sa tapat ng school namin. Manlilibre 'to, s'yempre!

Iniba ko ang daan kong tinatahak na dapat ay sa cafeteria. Binilisan ko ang paglalakad dahil baka abutin ako ng siyam-siyam bago makapunta sa kapehan. Baka sabihin din ni Aeris, pinaghihintay ko siya. Duh! Dapat hindi pinaghihintay ang manlilibre, ‘no!

Papunta na sana ako sa guard house para iabot ang ID ko at tuluyan na makalabas nang harangin ako ng isang lalaki. Hindi siya pamilyar sa akin. He has dark brown hair, deep eyes, light brown skin and manly posture. He was wearing our male's uniform kaya estudyante rin siya ng aming eskwelahan.

“Hello!” he greeted then smiled. Nakita ko ang pangil niyang medyo patulis. He extended his hand for hand shake. “I’m Dwyrigh Lycant.”

Hindi talaga ako nakikipag-usap sa mga hindi ko kakilala pero dahil ayokong masabihang hindi friendly at masungit, nakipagkamay ako at nagpakilala.

“I'm Zyndra. Zyn for short.” I shook his hand. “Sorry if I can't entertain you now, ah. I'm on my way to my friend.”

“Oh. Gano'n ba? I just want to invite you sa party namin later. Friend mo si Bonnie, ‘di ba?” tanong niya.

“Yup. Bakit?”

“Kasama siya mamaya. Kaya kung okay lang, sumama ka,” pilit niya.

Ayoko sa mga party talaga. Pero dahil kasama si Bonnie, wala namang problema.

“Sure. I will—”

“Dwyrigh!”

Napalingon kami sa lalaking sumigaw sa gawi namin. I saw Ark and Bonnie running towards me. Nang makalapit sila sa akin, hinila ako ni Bonnie at ipinunta sa likuran niya. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya alam kong seryoso ito.

Dahil kanino?

Nakita kong hinarap ni Ark si Dwyrigh. Dalawang hakbang lang ang agwat nilang dalawa at may namumuo pang tensyon sa pagitan nila.

“Hello, Ark! Kumusta?” bati ni Dwyrigh at ngumiti ito nang nakaaasar.

“What do you want?” tanong ni Ark na may paghahamon sa tono.

“Wala lang. I'm just inviting Zyndra to a party,” rason ni Dwyrigh.

“Werewolf party?” Ark let out a chuckle. “Wala na kayo mahanap sa daan, 'no?”

Werewolf party? 'Di ba laro 'yon? Niyaya ako ni Dwyrigh sa isang laro?

Dwyrigh smiled widely. Nakita ko lalo ang kaniyang pangil na kakaiba talaga, hindi tulad sa normal na pangil ng tao.

“Come on, Arkansas. It's just a party. Let it slide for now,” kumbinsi ni Dwyrigh at napatingin siya sa akin.

Parang nangilabot ako sa ngiti at titig niya sa akin. Nagsisitayuan ang balahibo ko sa kaniya. Bakit ganito?

“No.” Umigting ng panga si Ark. Pogi. “Get the hell out here before something will happen now,” utos niya.

For the last time, Dwyrigh looked at me then he smiled and left. Lumabas siya ng school gate. Lumingon naman si Ark sa akin. Halos magsalubong na ang kilay niya dahil sa konprontasyon kanina.

“A-Ano—”

“Stay away with Dwyrigh, Zyn,” Bonnie said then he turned to me. Tinanggal niya na rin ang pagkakahawak sa kamay ko.

Her Vampire DelusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon