Naglalakad ako pauwi nang biglang may malakas na kumalabog sa kalsada. Agad nagsitakbohan ang mga taong chismosa. At dahil isa na ako roon ay lumapit na rin ako.Sobrang daming dugo ang dumanak mula sa aksidente. Mayroon isang tao ang duguan sa kalsada.
Teka...
Si...si Andy ito ah?
Si Andy ay ang best friend ko! Wahhhh! Nabunggo siya ng isang kotse.
Biglang nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pag-agos ng mga luha ko. Hindi...hindi...hindi ito maaari!
"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ko saka lumapit kay Andy. Sobrang labo na ng paningin ko dahil sa luha. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Ano ba?!" Singhal ko sa mga tao. "Tulong! Tulungan niyo siya! Tulooong!" Humagulgol na ako. Hindi na biro ang dugong nawawala kay Andy. "P-Please...t-tulungan .. niyo ako," nanghihinang sambit ko.
Tumingin akong muli sa mga tao. Yung iba ay walang ginawa kundi ang manood lang para may i-chismis sila sa kanto. Yung iba ay halatang natatakot.
Maya-maya lang ay narinig ko na ang sirena ng ambulance. Medyo nakahinga ako ng maluwang dahil may tumawag.
Agad na inilagay si Andy sa stretcher at itinakbo sa ospital. Habang naghihintay sa ER ay hindi mahinto ang panginginig ng mga kamay ko.
Andy...
Tumawag ako sa Mama niya upang ipaalam ang nangyari. "T-Tita...si A-Andy po. . Naaksidente."
Nagpanic si Tita at pumunta sa ospital na mayroon lamang suot na isang tsinelas at putol pa ang strap nito. Baliktad ang suot niyang blouse. Napataas ang isang kilay ko nang makitang gulo-gulo ang buhok niya. Pawis na pawis din siya at hinihingal.
Luh? Basta sugod lang ang peg?
"Sarah..." Huminga ng malalim si Tita saka ako nilapitan. "Sarah..."
Paulit-ulit? Sirang plaka? Unli?
"Sarah..."
-_-
Ako nga pala si Sarah...ang munting prinsesa...charot!
"Nasaan si Andy?" Tanong niya.
Speaking of Andy...kaano-ano niya nga ba si Handy Manny? Joke.
"Nasa langit na po," kinagat ko ang mga labi ko para hindi kumawala ang nakakalokong ngiti ko. Sira ulo.
"Ano?!" Gulat na tanong ni Tita at nanlaki ang mga mata niya. Chill, Tita. Baka lumabas na ang eyeballs niyo. Hmmp!
"Joke lang, Tita. Ginagamot na po nila," ngiti ko. "Kayo kase, LT kayo, eh," umiling-iling. Panira ng moment si Tita, eh. Umiiyak na ako kanina kaso basta-basta na lang siya sumusulpot. Hmmp! Wapakels sa itsura eh.
Dumaan ang ilang oras na paghihintay..tulala lang ako sa kawalan. Nagdadasal na sana ay mailigtas si Andy. Kung sakaling mabuhay siya...ay ako ang papatay. Charot!
Char lang!
Umuwi muna ako sa barangay namin. As expected, puro na naman chismis. And as expected, ulit, ang aksidente ni Andy ang usapan. Maraming nagtatanong kung ayos na ba ang lagay niya kaso ang sagot ko ay...
"Aba, malay ko? Ako ba doktor?"
Charot. Hindi iyan.
Hindi na lang ako nagsasalita. Sobra akong nalulungkot. Si Andy na kasi ang tumayong Kuya ko eh.
YOU ARE READING
Sarah And Salah Tandem by ItsDBD
RandomHere are my one shot stories of Sarah and Salah.