Salah's POV
Maaga akong nagising ngayong araw dahil may pasok ako.
"Salah! Gising na, bruha ka," ayan na ang mala-mega phone na bunganga ni Ate Sarah. "Bilisan mo't late ka na!"
"Heto na!" Sigaw ko pabalik. "Atat ka? Atat?" Umirap ako.
Palabas na sana ako nang mapasulyap ako sa higaan. Pinag-isipan ko muna sandali kung aayusin ko ba iyon o ano. Kaso...in the end ay lumabas na ako nang tuluyan.
Magugulo rin naman mamayang gabi, ba't pa aayusin? Duh?!
Habang pababa ng hagdan ay nahagip ng paningin ko ang...sirang frame ng diploma ko.
Tch. Ang bobo kasi ng nagbato! Di nag-iisip! Sa bagay, wala nga pala siyang isip. Hihi.
Pagkababa ko ay naabutan ko ang walang kwenta kong kapatid na nag-aalmusal. Aba't bihis na!
Napataas ang kilay ko nang makitang kumakain siya ng ice cream. "Yan ang almusal?" Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis dahil baka hindi ako bigyan.
Ngumisi siya. "Hindi. Mamayang hapon ka na kumain nito. Pagkauwi mo galing school."
Napasimangot ako saka naupo sa tapat niya.
Isaksak ko sa kanya 'tong tinidor na hawak ko, eh!
Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na.
"Hmm!"
Napangiwi ako nang pinapatakam niya sa akin yung ice cream. Umuungol pa ang ulol.
Binato ko nga ng kutsara para matahimik. "Mukha ka lang tanga!" Inirapan ko siya.
Sinamaan niya ako ng tingin. Ibabato niya na sana sa akin iyong kutsara na tumama sa noo niya nang dumating si Tatay.
Napangisi ako saka nagpatuloy sa pagkain.
Tss. Yan. Ungas ka ah..
At dahil pagong siya ay nauna na akong pumasok. Bihis na siya kanina kaso kung ano-ano pang churva-churva ek-ek siyang nalalaman kaya nauna ako.
Nung break time ay may nakita akong ice cream sa cafeteria. Kaso hindi ako bumili dahil naalala kong may ice cream pala sa bahay.
Habang nagkaklase ay puro ice cream lang ang laman ng utak ko. Pati tuloy sa quiz ay bagsak ako.
Malay ko ba na gagawing sabaw nung ice cream ang utak ko?
Habang pauwi ay may nakita akong ice cream vendor. Pero hindi ko na pinansin iyon at ini-snob ko na lang.
Napairap ako nang maging ice cream sa paningin ko ang mga tao sa kalye! Argh!
Pagkarating sa bahay ay tumakbo na ako papunta sa kusina.
"Hep! Magpalit ka muna ng damit," sambit ni Nanay nang akma kong bubuksan sa freezer.
"Oh, andyan ka na pala," sumalubong sa akin ang bruha kong kapatid. "Magbihis ka na."
Kumunot ang noo ko. "Ate, taong hubad lang ang nabibihis- aray ko!"
Binatukan ako! Bwisit to ah.
"Juice mother ka!" Inirapan niya ako saka dumiretso sa sala.
Binilisan ko na ang pagpapalit ng damit dahil baka lantakan na ang ice cream.
Ngiting tagumpay ako nang makita ang isang gallon ng ice cream sa freezer. Mabigat-bigat pa. Malamang ay marami pa itong laman.
Kumuha ako ng kutsara saka umakyat sa kwarto ko kasama ang ice cream.
"Hoy! Salah! Akin na nga 'yan!" Sigaw ni Nanay.
Aba, ayaw niyang matikman ko?
Hindi ko pinansin si Nanay at binuksan ang ice cream.
Or so I thought.
Pagkabukas ko ay saka ko lang napagtantong...
"GALUNGGONG?!!!"
YOU ARE READING
Sarah And Salah Tandem by ItsDBD
אקראיHere are my one shot stories of Sarah and Salah.