"Naku!!! Napaka walang modo talaga ng Mr. Nam na iyon. Ang kapal!" .. talak ng baklang manager ni Roseanne
Wala naman siyang pakialam sa sitwasyon. Ang gusto lang niya ay matapos na ang gabing iyon upang makauwi na siya sa condo niya. She wants to lie in her bed and sleep the whole week off.
Sa sobrang dami kase ng modelling engagement niya hindi na alam ng manager niya kung sino ang tatanguan o tatanggihan.
Si Mr. Nam ang isa sa mga "sponsor" na hindi nila pwede basta tanggihan.
In this kind of business a good sponsor is needed. And Mr. Nam is way too good lalo na sa mga natitipuhan nitong modelo.So far hindi pa naman siya na ha harass nito. Dates lang ang hiling nito sa mga oras na gusto nitong may kasama sa pag ce celebrate. And the company he owns launch the product she is now endorsing as the main model.
Marami na siyang natutuhan bukod sa magaling at mapagkakatiwalaang manager si Demitri she in her own learn the in and outs of modelling.
She doesnt want to be one of those models who just do stints just for the sake of fame.
For her modelling is just her bread and butter pero hindi iyon ang pag katao niya.
But so far she really enjoys it. The limelight and the prestige that comes with it.
Although modelling is no joke. Its full of hardwork and late play.
Also one needs to stay in shape kung gusto manatili sa ganitong uri ng trabaho. Which is very much tedious work.
"Errr.... Rose okay ka lang ba?"... untag ni Demitri sa kanyang harapan.
"Im just tired. Lets get this show on the move D." bale walang sabi niya.
"Eh, paano yung date na hini hingi ni Mr. Nam? Or gusto mo i demanda naten Rose?" seryosong turan nito.
Ito ang gusto niya kay Demitri.
Hindi bugaw ang manager na nakuha niya.
Parang kapamilya na ang turing sa kanya."Set the date D " nakangiting sabi niya
"But make sure the stakes are more than high."Umikot muna siya sa salamin. At nang masigurong okay na ang lapat ng gown sa katawan ay nauna nang tinungo ang pinto palabas ng dressing room.
"You bet i will babe!".
Napa pangising sumunod ito sa kanya.********
"Gentlemen I say its all good and ready to rock in the market. Pwede na kayo mag sipag uwi sa mga misis ninyo and take your much needed family time." Nakangiting baling sa developement team niya."Yes!.. mapapakain ko na ang alaga kong pagong!".
"Yes!.. pwede na makipag date!".
"Yes!... 2 days leave na ito!".
Ibat iba pa ang narinig niyang palatak ng mga empleyado niya. Natatawang nilisan niya ang conference room nila.
Dinig pa niya ang tudyo ng isa sa kanila.
"Boss Erick, sino ang ka date ninyo?!...
May i rereto ako!" ang marketing manager niya.
Napapailing nalang siyang tinungo ang sariling opisina.
Erickson was about to close the door to his office ng tumunog ang telepono sa mesa niya. Napapailing na bumalik upang masagot niya iyon. Umuwi na ang assistant niya. At sa ganitong oras hindi na niya ina asahan pa na may tatawag na kliyente.
"Erickson Distributor... hello?" the caller wasnt registered at hindi pamilyar ang numero.
"Hi!...Its me.
Nasa Manila Hotel ako. Gusto ko nang matulog. " dire diretso at tila walang pakialam na sabi ng nasa kabilang linya."And so ano ang gus- " hindi niya natapos ang gustong sabihin ng maka rinig ng mahinang click sa kabilang linya.
Napahagod siya sa batok ng wala sa oras. Marahang ibinalik sa cradle ang telepono at napapailing na tinungo ang pinto.
Nang makarating siya sa parking lot ng gusali ay ilang segundo muna siyang natulala sa harap ng manibela bago nag desisyong paandarin iyon.
******
Roseanne walked proudly heading to the main lobby area of the Manila Hotel. Hindi niya gusto mag check in pa sa naturang hotel kahit pa napa reserve na siya ni Mr. Nam ng silid. One of the best pero sa gigil na nadarama niya ngayon malabo siyang makatulog duon. Dalangin niya nasa lobby na ang sundo niya.
Please be here!
I beg you!Hindi maiwasang hindi siya makakuha ng atensyon mula sa mga taong naruruon ng mga oras ding iyon.
She was wearing a red halter gown. Bakat ang magandang katawan pero naruon parin ang pagiging elegante.
Kaya naman mas lalo pa niya pinag igi ang pag scan sa mga taong naruruon.
Pilit hinahanap sa mga iyon ang nawa ay sumundo sa kanya.Hindi niya mapigilang mapapiksi ng may humawak sa likod ng braso niya.
Pilit ang ngiting nilingon ang nasa likod .
Kasabay ng pagkawala ng pilit na ngiti ay ang pag gaan ng kanyang paghinga.
"Kumain ka na ba?" pormal na tanong ni Erickson sa dalaga. Sabay giya patungo sa naghihintay niyang sasakyan.
"I'm tired but let's eat."... nakangiting tingala niya rito.
At six feet he was a good three inch taller than she.
"And by the way....
How are you husband?...."This time her smile was genuine.
**:)))))
Stay Safe until next Update!!! 😘🙏
YOU ARE READING
The One Who choose to Stay
RomanceRoseanne's body physique is to die for. And having a more than just a pretty face.. hindi na naka pag tatakang sa modelling world ang napili niyang karera. But being a supermodel does have its drawbacks. Hindi niya malaman kung ang intensyon ba ng...