Chapter 2

4 0 0
                                    

"Nice to meet you Sam. Sorry nga pala kanina hehehe." Ani nito sabay kamot sa kaniyang batok at ngumite.

Ngumisi si Sam sa sinabi ni Wave. "Okay lang 'yon, hindi naman po ako nasaktan o ano eh." Sagot ni Sam.

"Oh, okay na kayo?" Sarkastikong tanong ni Brenda.

Ngumisi lamang ang dalawa sa tanong ni Brenda.

Simula no'n ay naging matalik na magkaibigan silang tatlo. Palagi na silang magkakasama. Tumagal ang pagkakaibigan nila ng ilang buwan hanggang sa kinailangang umalis ng bansa ni Brenda.

"Sam, Wave..." Tawag ni Brenda sa kaniyang mga kaibigan.

"What is it? Tanong ni Sam.

"Is there a problem?" Tanong naman ni Wave.

"Ah eh... Ano kasi..." Naiilang na sabi ni Brenda.

"Come on, sabihin mo na." Pangungumbinse ni Sam.

"I'm going to London. Isasama ako ni daddy sa business trip nila and we will stay there for years. Hindi ako sure when kami babalik eh." Malungkot na ani ni Brenda.

"Ah gan'on ba? Okay lang we can wait naman eh. And besides may video chat naman. We can talk there." Sam answered at tinapik ng marahan ang balikat ni Brenda.

"Yup and besides it's your father. It's your time na mag bond kayo together. Wala namang masama do'n and tama si Wave. We can talk naman through video chat." Dagdag naman ni Sam at sabay ngite.

"Uhmm.. Wave?" Sambit ni Brenda.

"Yeah? What is it? Wave asked.

"Can you take care of Sam for me habang wala ako?" Tanong ni Brenda na sabay ngite na para bang nagmamakaaway ito.

Wave chuckles. "Ano ka ba.... Kahit hindi mo sabihin gagawin at gagawin ko 'yan syempre bestfriend natin si Sam. Of course aalagaan ko siya." Wave confidently answered.

Napangite na lamang si Sam sa sinabi ni Wave at hindi na nagsalita pa.

"Tara kain tayo. My treat, syempre ako naman ang manlilibre hahaha." Paanyaya ni Wave sa kanilang dalawa.

"Sige ba, sabi mo yan ah." Paniniguro ni Sam.

"What are we waiting for, tara kain na tayo." Ani ni Brenda na halatang excited na excited.

----------------

1 week has passed at araw na ng pag alis ni Brenda ng bansa. Bago pumunta si Brenda ng Airport ay nag bond sila for the last time.

"For the last time na lalabas tayo with Brenda. Ipagsoshopping ko kayo. Wag kayo mag-alala ako magbabayad." Ani ni Wave at nginitian ang dalawa.

"Ayon. Kaya nga lab ka namin pre." Pabirong sabi ni Sam na bahagyang nakatawa.

"Arat na mga sis hahaha." Sabi naman ni Brenda sabay hila sa dalawa.

Pagkatapos no'n ay inihatid na nila si Brenda sa Airport at exactly 5:00pm.

"Mamimiss ka namin." Mangiyak ngiyak na sabi ni Sam sabay yakap kay Brenda.

"Magiingat ka do'n palagi. We will miss you." Ani ni Wave.

"Hoy ikaw lalaki alagaan mo 'tong si Sam habang wala ako. Okay?" Bilin ni Brenda.

Tumango lamang si Wave bilang pagsagot sa bilin ni Brenda.

"Group hug tayo." Sam requested.

Nag group sila at pagkatapos ay umalis na si Brenda.

-----------------

Ilang buwan na din ang nakalipas mula no'ng umalis si Brenda sa bansa.

*ring *ring *ring

Sam answered the video chat.

"Oy Brenda namiss kita sobra." Nagagalak na sabi ni Sam.

"I miss you too Sam." Sagot ni Brenda na may malaki at nagagalak na ngite sa kaniyang mga labi.

"By the way. Where is Wave?" Brenda asked.

"Siguro busy." Tanging sagot ni Sam na hindi sigurado.

*Wave joined the video chat.

"Oh! Ayan na ang kupal." Sabi ni Brenda.

"Sorry ngayon lang ako nag open ng phone ko and napansin kong on call kayo kaya nag join na ako." Pagpapaliwanag ni Wave.

"Oh okay na 'yon. Kamusta ka na dyan?" Tanong ni Brenda kay Sam.

"Ito okay lang namimiss ka." Nakangiteng sagot ni Sam.

"Oh, ikaw Wave? Kamusta ka? Inaalagaan mo ba si Sam?" Tanong ni Brenda kay Wave.

"Ay oo naman syempre ako pa." Sagot ni Wave kay Brenda sabay ngite.

"Oh siya sige matutulog na kami Wave at Brenda. Next time na lang ulit." Pamamaalam ni Sam sa dalawa.

"Oo nga medyo late na din eh. Goodnight." Pag sangayon naman ni Wave sabay exit sa video chat.

"Huh? Umaga pa naman ah." Naguguluhang tanong ni Brenda.

"Hay Brenda. Nakalimutan mo? Nasa London ka, malamang umaga dyan sa inyo sa amin gabi." Pagpapaliwanag ni Sam.

"Ay oo nga pala hehehe sige goodnight na, next time ulit." Sabi ni Brenda na naliwanagan na.

"Oh siya sige goodnight sis. Bye." Sam answered and ended the call.

At dahil wala si Brenda ay sina Sam at Wave ang palaging magkausap at magkasama.

-------------------

Hindi mawala wala sa isip ni Wave ang kaibigan na si Sam.

"Why? Ba't ko siya iniisip?" Tanong ni Wave sa kaniyang sarili habang nakahiga sa kaniyang higaan.

"Damn baliw na ba ako? No! I can't... We're just friends." Gulong-gulong usal ni Wave sa kaniyang sarili.

-To be continued.

—Ano kaya ang nangyayari kay Wave?
—Ano kaya ang iniisip niya?

RICH GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon