CHAPTER 3

4 1 0
                                    

"No! Wala lang to." Usal ni Wave sa sarili.

Hindi na pinansin ni Wave ang kaniyang iniisip sa pagaakalang wala lang ito.
Pagkatapos no'n ay natulog na siya.

---------------

Kinabukasan ay nag aya si Sam kay Wave na lumabas dahil nabobored na siya sa bahay nila.

"Wave... Labas tayo ngayon. Boring kasi masyado dito sa bahay eh." Sam texted.

It took a few minutes at wala pa ding reply si Wave.

"Hoy Wave.. Labas tayo!" Sam texted again at iritang irita na ito kaya naisipan niyang tawagan si Wave.

*ring *ring *ring

"Wave sagutin mo dali... " bulong ni Sam sa sarili.

"Hello Sam? Napatawag ka?" Tanong ni Wave na halatang bagong gising pa dahil sa kaniyang boses.

"Gala tayo, kain tayo sa labas." Paanyaya ni Sam sa kaniya.

"Sige, susunduin kita dyan sa inyo. Maliligo muna ako tsaka magbibihis, okay?" Sagot ni Wave bago ibinaba ang call.

Pagkatapos no'n ay sinundo na ni Wave si Sam sa bahay nila at ipinagpaalam ito sa mga magulang niya.

"Magandang araw po tita, tito. Lalabas po sana kami ni Sam. Wag po kayo mag-alala, hindi po kami magpapagabi at ako na po ang maghahatid sa kaniya pauwi." Pagpapaalam ni Wave sa mga magulang ni Sam.

"Sige, asahan ko yan iho. Sige take care and enjoy." Bilin ng mommy ni Sam tsaka sila umalis.

Buong araw silang gumala kung saan saan at kumain sa mga restaurants. Habang kumakain sila ay hindi mapigilan ni Wave na titigan si Sam.

"Wave? Oh, ba't ganiyan ma makatitig? May dumi ba sa mukha ko?" Pagtatakang tanong ni Sam sabay haplos sa kaniyang mukha sinisiguradong may dumi ba o wala.

"Ah.. W-wala....s-s..sige kain na tayo.." Nauutal ni usal ni Wave at ngumite na para bang nahihiya.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta sila sa isang park kung saan matatanaw ang paglubog ng araw.

Umupo sila sa isang bench at napagusapan ang nangyari sa gala nila.

Lumingon si Wave kay Sam at tinawag ito ng mahina na tono. "Sam... Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Wave kay Sam habang nakatingin pa din sa kaibigan niya.

Lumingon naman si Sam kay Wave at ngumite. "Oo naman, sobrang nag enjoy ako." Sagot nito kay Wave.

"Ang ganda ng sunset noh, kasing ganda mo." Sabi ni Wave at tumawa.

"Sows may kasama pang bola eh noh... Hahaha" Sagot naman ni sam.

Nagpatuloy ang dalawa sa pagtanaw sa napakagandang sunset at pagkatapos no'n ay umuwi na silang dalawa.

No'ng makauwi na sila ay nag video call na naman silang tatlo at gaya pa din ng dati nagkamustahan at chika chika.

"Oh kamusta araw mo ngayon Sam?" Tanong ni Brenda dito.

"Okay lang naman, gumala lang kami ni Wave." Sagot nito.

"Ah mabuti yan. Asan na pala si Wave ba't hindi siya sumali sa video chat natin?" Tanong ni Brenda.

"Baka tulog na" Tanging sagot ni Sam.

Napahaba usapan nila hanggang sa may naikuwento si Sam kay Brenda.

"Brenda may chika ako." Nakangiting usal ni Sam.

"Ano 'yon?" Tanong ni Brenda.

"May crush na naman ako hahaha" Sabi niya.

"Lah sino naman yan? Si Wave ba?" Panunuksong tanong ni Brenda.

"Hoy hindi, si Carlos." Sagot ni Sam.

"Sino' yan?" Nagtatakang tanong ni Brenda.

"Yung classmate natin last school year." Paglilinaw ni Sam.

"Ah 'yon? Hala kailan pa?" Naliwanagang tanong ni Brenda.

"Eh basta crush ko siya at sabi niya liligawan niya daw ako.. Oh diba kakakilig..." Tuwang tuwa na sabi ni Sam sa kaibigan at di mapigilang kiligin sa sinasabi.

"Support ako sayo basta' wag kang sasaktan ng lalaking 'yan." Bilin nito kay Sam.

"Opo, at tsaka mabait kaya si Carlos" Umirap ito at ngumite.

"Oh siya sige matulog ka na dyan at gabi na masyado." Usal naman ni Brenda.

"Okay sige goodnight. Kukuwentuhan ko na lang si Wave nito bukas" Sagot naman ni Sam tsaka pinatay ang call.

~To be continued


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RICH GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon