Sout ko parin naman ang gray na sando ko at peach na pajama. Last time I remember, nakaupo ako sa makipot kong kama sa bedspace ko at nagpapa-antok. Pag-gising ko nasa isa na akong kubo.
At ngayon, nasa isang deserted road ako. Gubat ang magkabilang tawiran ng kalsadang ito. Walang dumadaan na sasakyan. Ang langit ay maulap at nagbabadya ng ulan. I'm starting to get scared. Nang marinig ko ang tunog na iyon. Napalingon ako sa likod ko. Isang blue na sports car ang mabilis na tumatakbo papunta sakin! Pero hindi naman para sagasaan ako. Sadyang mabilis ang takbo nito.
Masaya kong iwinagayway ang kamay ko upang larahin ito. Mas natuwa pa ako nang tumigil ito. Yumuko ako upang tingnan ang nasa loob. Dahan-dahan namang bumaba ang bintana nito.
Wow...
Ang gwapo naman. Blonde ang bujok niya at maputing maputi siya. Normally, mas gusto ko ng moreno, dahil mas lalaki tingnan. But this guy is an exception. Even in his paper white complexion, his facial muscles are sharp. At ang blue niyang mata. Na mas deep sa kulay ng sasakyan niya. I can say he's a foreigner.
"Miss?" aniya. Wala naman siyang accent. "Kuya kasi, pwede bang makisuyo? Pramis hindi ako masamang tao!" agad kong sabi tsaka taas ng kanang kamay. Biglang nag-ring ang cellphine niya na nasa backseat.
"Get in! Get in!" taranta niyang sabi kaya taranta din akong pumasok. Kakaiba din ang pag-angat ng pintuan ng sasakyan niya! Mabilis niyang minaneho ang sasakyan. Mukhang nasa liblib kaming lugar at malayo sa kabihasnan. Medyo inaantok ako kaya halos bumabagsak na ang talukap ko.
Halos papikit na talaga ako nang...
"HOLY SHIT!"
Agad akong napadiretso ng tayo at napahawak sa seatbelt. Tumingin ako sa paligid. "Sino?! Sinong nasagasaan? Sinong namatay?" Natataranta na ko! Bigla niya kasing itinigil ang sasakyan at halos sigawan ako. No. Sinigawan niya ako. Nang makita kong clear naman ang paligid, idinapo ko ang mga mata sakaniya. Nakatingin siya sakin at tila gulat... takot...?
Bakit naman siya natatakot?
"Anong problem?" tanong ko. Kinusot kusot niya ang mga mata niya at ipinikit iyon nang matagal. Nang dumilat siya ay diretso ang tingin niya sakin. His breathing ragged. Nang kumalma siya ay mahigpit niyang hinawakan ang steering wheel. "I'm sorry. I was just so tired I'm seeing things. You look luminiscent earlier.".
Tumataas baba ang dibdib ko kanina sa tensyon pero ayos na ako. Nang mag-drive siya ay mas steady na at hindi na tila nagmamdali. Nawala na ang antok ko kaya napatingin nalang ako sa labas. Ilang saglit ay nakalampas na kami sa mapunong lugar. We're waiting in the tollgate nang magsalita siya.
"It will be really cool if you tell me who you are." aniya. Oh. Right.
"Yes. Ako nga pala si Santiara Mendes. Pero Ara nalang. Nakatira ako sa Mandaluyong in a tight bedspace that I rent. Nagtatrabaho ako sa Land TeleCom bilang HR Assistant Head. Ikaw?" tumango tango naman siya. "Winston. Winston Lander." Napa-'o' ako sa sinabi niya. Mga Lander ang may-ari ng LTC!
"Yup. You got it. My father owns Land TeleCom Philippines."
Nakanganga parin ako sakaniya. "Don't look at me like that." then smirked. Ghad! Kaya pala! Ang mga Lander ay pure British. Pero Filipina ang Mistress. Siguro kaya fluent siya. Mukha siyang mabait. "Anyway, nanggaling ako sa resthouse ko sa Bagiuo. My Mom wants me to go to the hospital. Manganganak na ata ang kapatid kong babae."
That explains why he looks so in a hurry earlier. "Ikaw?" tanong niya. Bigla akong natahamik at napaisip. Inaalala ang mga nangyari. Nabalik ako sa kasalukuyan nang abutan niya ako ng jacket? Suit? Basta ito iyong sinusuot ng mga racer na pantaas. At, oo nga pala. Naka-sando parin ako pajama. Napatingin ako sa paa kong walang sapin.
"Hindi ko rin alam." I'm lost.
"Kanina, nasa Mandaluyong ako, preparing for sleep. Not a while later, nagising ako doon sa loob ng kubo sa gubat. I-I don't know... what happened..."
Tila foon ko lang naramdaman ang pagkalito. Kaba. Takot. Bakit? Bakit napunta ako doon?
"Are you right in the head?"
Bayolente ko siyang nilingon. "I'm not crazy! I graduated in Philippine Normal University! Cum Laude sa course na AB Psychology! I am 23 and I support myself because I don't have anyone! In that twenty-three years of solitude, hindi ako kailanman nabaliw!" gagad ko.
Hindi na siya sumagot.
"Me too."
Nasa siyudad na kami nang magsalita siya. Ano? Biglang nagkaroon ng iba't-ibang reaksiyon ang mata niya.
"Fuck! Nasa racing ground ako kanina! Tapos naghihintay ako sa bleacher. Paggising ko, nasa rest house na ako. And my Mom called... What the fuck is happening?!"
Bigla niyang inihinto ang sasakyan. Mabilis ang aming paghinga. Parehas na kaming nakanganga at lito na sa nangyayari. Nakatingin kaming parehas sa labas.
Anong nangyayari?
Bigla niyang kinalas ang seatbelt niya at binuksan ang pinto. Pati pinto sa side ko ay bumukas! Nagat nalang ako nang lumabas siya. Eksato kasing paglabas niya, naglaho siya! Naglaho siyang parang bula. Nanlalaki ang mga mata ko at dahan-dahan na inalis ang seatbelt. And as soon as I stepped on the concrete road, bigla akong nabalik sa kalsada na puros puno ang paligid. What?!
Tumalikod ako at nakita ko si Winston na gulat ding nakatingin sakin.
What the fuck?!
Bakit kami bumalik dito?!
YOU ARE READING
Santiara's Dream
Mystery / ThrillerSomething unusual, eerie, and fantastic happened. But it's all in her dream... While she was asleep.