Awake

0 0 0
                                    

"We're done here." aniko kay Ms. Grama. The event organiser for the whole event. Today is the anniversary celebration of our company. And minutes nalang, darating na ang guests. Tapos na ang lahat ng preparations kaya naman nagkaniya-kaniya na kami ng pwesto.

Dinumog ng prominenteng mga tao ang party. As expected. Naghanda na ako para sa pagpapakilala ng department heads. "Our Human Resource Department Manager, Miss Santiara Mendes." nagpalakpakan ang mga tao lalo na ang mga under ko. I smiled and waved at them. "Hello, everyone! Hope you're enjoying the party!" I simply said. Nagbiro pa ang emcee na baka pagkagulugan na ako ng mga bachelor investors and partners next days. I just laughed.

I was about to straight back to our table nang mamataan ko ang isang lalaki sa Presidential table. It is where our boss sits. The founders and owners. The Landers. Naroon ang President/Chairman/Owner na Mr. Wilson Lander. Ang Mistress nilang si Soniya Lander. Mistress kasi iyon ang nakasanayan nilang itawag sakaniya sa England. Pero legal wife naman siya. Naroin din ang bunso nilang babae na may asawa't anak na.

What made me suspended is the sharp look given to me by Mr. Winston Lander. Matagal bago ako nagbawi ng tingin. Kunwari pa akong umubo tsaka bumalik na sa table namin. May mga calling cards na nakalapag sa mismong inuupuan ko. Biniro pa ako ng mga kasama ko na heto na ang mga palay at lumalapit na. Pinilit ko nalang maki-join sa biruan dahil alam nilang natural akong palakibigan kahit juniors ko sila. Nang matapos na ang program at puros usapan at sayawan na, hindi ko na napigilan. Nagpaalam akong magbabanyo muna.

Pero lumabas ako. Nasa isa kaming sikat na hotel nagparty. Sa garden ako dumiretso. This is just the usual. Strobe lights and benches. This is the bck garden pala. May isa pa kasing garden na mas maganda rito. But this will do, i think. I just need fresh air. Naupo ako sa isang bench at huminga nang malalim tsaka pumikit.

Tsaka ko lang naramdaman ang lamig. Siguro it's ten in the evening na. I rubbed my shoulders to apply friction. My fitted maroon asymetric gown is not helping. Tinakpan takpan ko pa ang slit nito na halos makita na ang seamless underwear ko. I rubbed my arms.

I looked at the big strobe lights and reminisced what happened four years ago.

That night, I really slept. But what happened in the road. It was just in my head. Hindi ko alam. Sabi ni Detty-- roommate ko-- natulog nga ako ng gabing iyon. But I didn't woke up. Isinugod nila ako sa ospital. I was in coma for two weeks. Tsaka ko inalala ang nangyari sa 'panaginip' ko. Nang marealize namin ni Winston na nabalik kami sa kalsadang iyon, natahimik nalang kami. Ilang beses siya nagdrive. Pero everytime na bumababa kami sa sasakyan, nababalik kami sa kalsada. Tulala kaming sumuko. Naiyak ako that time because of hopelessness and fear. Hindi ko malaman ang gagawin. I remember him, hugging me and kissing my head to hush me. Paggising ko, nasa ospital na ako at hayun nga, sinabing dalawang lingho akong walang malay.

Suminghap ako at muling hinagod ang mga braso ko. Pagkagising ko, agad kong pinuntahan si Winston. But he was nowhere.

Okay, I like him. For three years simula nang magising ako, I was stalking him. Nalaman kong hinandle niya ang Land TeleCom branch sa England. He never stoop in Philippine soil.

Napa-igtad ako nang biglang may naglagay ng coat sa akin!

Winston!

Tahimik siyang lumapit at umupo sa tabi ko. Natulala naman ako sakaniya. I... I don't know what to say. Bakit siya nandito? Does he know me? Does he remember?

Base kasi sa kalkulasyon, maaaring wala siyang naalala. Well it was just few days. Pwede din kasing likha lang iyon ng utak ko. Kasi before that dream, hindi ko naman siya kilala eh. That thought hurt me back then. Iniyakan ko iyon. Ng super sobra. Ako lang pala kasi ang may memory na ganoon. If it can be called a memory.

"Hi." tahimik niyang sabi. "G-Good evening po Mr. Winston." magalang kong sambit. Mabilis na akong tumayo at tinanggal ang coat. Inilapag ko iyon sa lap niya.

"Santiara Mendes. Graduated as Cum Laude in PNU under AB Psychology. Are you right in the head?"

Akma akong babalik na sa venue nang sabihin niya iyon. Awtomatiko akong napatigil. Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ara..."

Ever since that dream, I never let anyone calls me Ara. It's Santiara, or Santi. Why... How?

"D-Do you..." Hindi ko maituloy- tuloy ang sasabihin ko.

Pero mukhang hindi ko na kailangang ituloy.

"Yes. I dreamt of you too."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Santiara's DreamWhere stories live. Discover now