Bahay ni Ynno
"Una na kami Ynno." Paalam ni Dad samin ni Ynno. Di na sila bumaba ng car dahil kailangan nilang umalis agad.
"Ingat po. Ako na po ang maghahatid sa kanya later pauwi."
"Ingat po! I'll text kapag pauwi na po ako."
"Alright. Enjoy!"
"Let's go." pumuhit na papasok ng bahay si Ynno, pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Kinakabahan ako, Ynno."
"Ano ka ba? Bahay lang naman namin yan. Walang nakakatakot jan." Inilagay pa niya ng kamay sa likod ko para igaya ako papasok ng bahay. "Lana!"
Agad ko namang nakita ang nakababatang kapatid ni Ynno na si Lana.
"Hi Lana!"
"Hi Ate Elle!" sabay kiss sa pisngi ko.
Inakay niya si Lana pasunod kay Ynno na papunta sa sala. "Mom, nandito na po si Elle."
"Good Afternoon po!" Ang ganda talaga ng mom ni Ynno. Parang di sya tumatanda.
"Hi Elle!" lumapit sya sa akin at bumeso. "Nasan parents mo? Di ba sila ang naghatid sayo?"
"Umalis po sila agad at may hinahabol silang meeting. Pasensya na po."
"It's okay. Next time then. I also have to go. May meeting din ako. Kayo na din bahala kay Lana." bumaling siya kay Ynno "She's craving for carbona, son."
"Got it Mom. Ako na bahala. Ingat. Love you!" hinatid muna ng magkapatid ang mommy nila at saka ako binalikan.
"Is it okay if I cook first?"
Tumago lang ako sa kanya. "Pwede manood?"
"Oo naman."
"Lana! come here sa kitchen." san ba nagsusot to? katabi ko lang to kanina ah.
"You're gonna cook carbonara, Kuya Ynno?"
"Yup."
"Yey! Do you also cook Ate Elle?" Aba, may interview portion pa yata ah. Si Ynno naman ay nahagilap na ang mga ingredients para sa lulutuin. Linguine, Bacon, Egg, Parmesan Cheese, Parsley, Salt and Pepper.
"Minsan, pero wala talagang kumakain ng mga niluluto ko. Sabi pa ng mga kapatid ko, pwede na daw sa gutom." Tumawa lang ang dalawa.
"Ano ba mga niluluto mo, B?" nagstart na syang mag prito ng bacon.

BINABASA MO ANG
Awkward
FanficA DonBelle Chat Series. Ynno and Elle was selected as the main casts of a series adaption of a best selling book. Now let's see what happens behind the scenes.