Zambales

135 3 2
                                    

Pa-Note ni Author: OHA! May pa-narrative si owtor! Hindi maalis sa utak ko tong scene na to at hindi keri sa messages kaya narrative na. Sabay Sabay na tayo mag-delulu. Yosh! 


"SAN ka?" Napahinto sa pag-aayos ng gamit si Elle when she received that message from Ynno. Agad naman niya itong nireplyan. "Room. Nag-aayos ng gamit. Uwi na kami bukas."
"Bakit?"

"Anong bakit ka jan?"

"Bakit uuwi na kayo?"

"Tapos nang kunan mga scenes ko po. Kaya uwi na kami. Miss ko na din mga kapatid ko." Yes. Scenes. Sa Series? Nope. Sa movie. Nakuha siya na isa sa casts ng movie ni Ynno. Di naman talaga malaki yung role. Kakaunti lang din yung scenes nya. Pero maganda yung role kaya nya tinggap. Ayon nga at tapos nang kunan lahat ng scenes nya kaya uuwi na sila bukas. Sa Zambales kasi ginawa ang location ng movie.

"Labas ka muna. May jamming dito sa beach area. May bonfire din."

"Ano naman gagawin ko jan?"

"Wala. Gagawin lang kitang pang display."

"Sira ulo!"

"Aalis ka naman na pala bukas. Makibonding ka muna dito. Please?"

"Alright. 10 minutes."

Nagpalit lang sya ng damit at nag ayos nang bahagya. Nagulat pa siya nang pagbukas niya ng pinto ay nandoon si Ynno sa labas at naghihintay.

"Ginagawa mo jan?"

"Hinihintay ka malamang. Tara na?" tumango lang sya rito at nagsimulang maglakad. "Kumain ka na?"

"Oo. Pero nagugutom ako ulit."

"May bulate ka yata sa tyan eh. Papurga ka na!" anito na sinabayan pa ng tawa.

"Sira ulo mo!" at sinuntok nya pa ito sa braso.

"Ano gusto mong kainin?"

"Kahit ano."

"Walang kahit ano sa menu."

"Calamares at fries."

"Drinks?"

"Beer?" Pinanlakihan sya ng mata nito at umasta na kukutusan siya.

"Balik sa kwarto!"

"Joke lang. OA nito. Water lang Koya."

"Bakit Koya na naman?" Binelatan lang niya ito. Kinurot naman nito ang pisngi nya. "Dun ka na nga. Kukuha ang ako ng food mo".

Pumunta naman siya sa pwestong itinuro nito at umupo sa katawan ng puno na nakatumba. Nakapaikot ang mga tao sa bonfire sa beach. Nakapahalukipkip pa sya ng maramdaman ang lamig ng hangin. Natanaw siya ni Lisa at nilapitan sya. "Nasan si Ynno? Sabi nya susunduin ka nya."

"Kumuha ng food. Hintayin ko na lang daw sya dito."

"Naks! Sana lahat di ginugutom."

"Hoy ginugutom ba kita?" sabi ni Roi. Ito at si Lisa ang bida sa movie, na real-life couple naman talaga. Habang second lead naman si Ynno.

"Joke lang beh." Bawi naman ni Lisa na yumakap pa sa baywang ng Roi. "Natutuwa lang ako kay Ynno. Lakas ng manok naten eh."

"Sana lang eh magamit nya yung mga tips na binigay ko sa kanya. Effective naman ba, Elle?"

"Ha?"

Natawa lang ang dalawa sa kawalan niya ng ideya sa pinag uusapan ng mga ito.

Binalingan naman siya ni Lisa. "Ang cute ng eksena nyo ni Ynno kanina. Ang natural eh."

AwkwardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon