First day of class(1)

4 0 0
                                    

*KRRRRIIIIIINNNGGG*

P-panaginip? ganun nanaman, palagi ko nalang napapanaginipan, walang pinagbago mula ng--

" Melle? "

" M-ma? "


tumayo ako at binuksan ang pinto

" Anak? bakit? a-anong nangyari? "

napatingin ako kay mama, nangilid ang mga luha ko, niyakap nya ko bigla.

"M-ma,  napanaginipan ko nanaman, ma, a-ayoko na, paulit ulit nalang."

humigpit ang yakap ni mama.

"Shhh, tahan na, wala kang kasalanan melle, w-wag kanang umiyak"

hinawakan nya ang balikat ko at pinaharap ako sa kanya

" wala kang kasalanan melle, tandaan mo yan "

pinunasan ni mama ang mga luha ko

" sige na, maligo kana, baka malate kapa, unang araw ng klase ngayun, kunting tiis nalang nak, 4th year kana, at pag naka graduate ka, aalis na tayo dito, ibabaon na natin sa limot lahat, lahat lahat "

lalo akong napaiyak sa sinabi ni mama

" tahan na, nandito lang ako, hindi na mauulit ang nangyari noon, cge na, maligo kana, nangangamoy suka kana o "

kahit umiiyak ako eh napangiti ako sa sinabi ni mama, alam kong pinapagaan nya lang ang loob ko, sana lang, makayanan ko, huling taon nalang, aalis na kami dito,sana mabaon na sa limot ang lahat, sawa nakong araw araw napapanaginipan yun, kunting tiis nalang melle, dalawang taon nga nakaya mong tiisin ngayun pa kayang isang taon nalang.

Paalis nako ng bahay ng tinawag ako ni mama

" Melle "

napalingon ako

" relo mo, nakalimutan mo nanaman "

lumapit ako kay mama at kinuha ang relo ko

" salamat ma "

" palagi mo nalang nakakalimutan "

" ahh, kasi hinuhubad ko bago maligo ma eh, nakakalimutan ko tuloy isout ulit "

"tsk, ikaw talaga, nga pala, talaga bang maglalakad kalang nak? malayo ang school nyo "

"M-ma, alam nyo naman po diba? "

"haays, ang anak ko, o sya, mag lalakad na kung mag lalakad, basta mag iingat ka "

ngumiti ako 

" opo ma, mula ngayun, mag iingat nako "

ngumiti si mama at hinalikan ako sa pisngi, hinintay ko munang makapasok sya bago ako naglakad ulit papuntang school, malayo ou, pero mas gugustohin ko pang maglakad kesa mag jeep, titiisin ko kahit nakakapagod, medyo nasanay narin ako.

Ang tahimik, malamig ang hangin, alas 6 pa ng umaga, ewan ko ba, uulan ata, ang lamig kasi ng hangin at di pa sumisikat ang araw at medyo makulimlim. Nakahawak ako sa magkabilang gilid ng bag ko at medyo nakayuko, pasukan nanaman, unang araw ng klase, madaming tao, maingay, siksikan, eto ang pinaka ayaw ko.

maya maya'y hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa school, 6:30 na, 30 minutes pala akong naglakad, medyo napagod ako, dahil siguro ngayun lang ulit ako nakapaglakad ng ganito kalayo mula nung bakasyon, papasok na sana ako ng-

" miss, pakibukas lang po ng bag nyo "

napahinto ako, napayuko, melle, inhale, exhale, wag mong intindihin, kaya mo yan, binuksan ko ang bag ko at chineck na ng guard, nanginginig ang mga kamay ko, melle wag, kaya mo yan.

" sige po, pasok na po "

nakahinga ako ng maluwag, kinaya ko, buti nakayanan ko, pag pasok ko, di ko napansin na may parang hagdan kaya nadapa ako.

"Miss ok ka- "

" WAG!! "

napahinto ang mga tao sa paligid, nakuha ko ang atensyon nila dahil sa pag sigaw ko, nanginginig nanaman ako.

" tulungan na ki-"

" SABI KONG WAG!! LUMAYO KA! WAG MO KONG LALAPITAN!! "

naka upo ako mula sa pagka dapa, nanginginig ako, nangingilid ang mga luha ko, narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid.

" P-pero mi- "

" pakiusap, w-wag nyo kong lalapitan, w-wag na wag nyo kong lalapitan " 


kinuha ko ang bag ko, tumayo ako at tumakbo, ewan kung saan ako pupunta, basta ang alam ko, sa ngayun gusto ko munang mapag-isa, nung oras na yun, di ko napigilang umiyak, wag na wag nyo kong l-lalapitan, dahil kahit kailan, h-hinding hindi ko na hahayaang may makalapit pang lalaki sakin, ayoko ng maulit ang nangyari noon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AMAXOPHOBIA ANDROPHOBIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon