ONE SHOT: Nawawala si DIARY Ko!

15 0 0
                                    

Everyone have a CRUSH.

Hindi naman natin yan mapipigilan.

Sabi nga nila 'Ang CRUSH ay isa lang PAGHANGA lamang sa isang tao, at wala ng iba'

Oo, tama ito. Pero hindi ba nila naisip na ang CRUSH ay pwedeng mapunta sa salitang LOVE.

CRUSH turn into LOVE, cool isn't?

Pero sabi din ng iba, 'Mawawala din ang crush na yan, dahil ang crush ay 1 week lang na madadama at mawawala na din'

Kaya ang ginawa ko ay isinulat ko nalang sa aking munting DIARY ang tungkol lahat sa aking crush.

Hindi dahil sa takot aking i.share sa mga kaibigan ko, pero dahil sa ayaw ko lang mapakinggan kung ano man ang sasabihin nila tungkol sa crush thingy na yan.

Kasi ang CRUSH ay isa ng malaking salita at damdamin para sakin, kasi kahit crush mo lang sya pwede ka na ring masaktan, kayo ng puso mo.

----------
Kaye Nicole POV

I'm Kaye Nicole Eumague. 14 years old, junior student/3rd year high school.

Nandito ako ngayon sa cafeteria sa school namin, kumakain ng cake.

Nagsusulat ako ngayon sa aking diary, tungkol sa crush ko.

-----
Dear diary,

Hayyy... Ang pogi nya talaga, nakita ko na naman sya. Kaso, hindi nya ako pinansin pero tiningnan nya lang ako with his cold expression as usual. Pero ayos na yun, basta tingnan lang ako ni crush, buo na ang araw ko. Gusto nyo ba malaman kung sino sya? Wag na muna. Sige, bye diary.
------

Isinara ko na ang diary ko at ipanasok sa loob ng aking bag.

"bakit kaya ang pogi nya?" bulong na tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa taas na parang nakikita sya dun na nakangiti. Daydream =_=

Inubos ko na ang aking cake at lumabas na sa cafeteria.

Hayss... Magke-kwento muna ako tungkol sa crush ko. Si crush kasi ay ang Heartthrob dito sa campus, may pagkabad boy din sya, moody. Pero sobrang gwapo nya. Hindi ko pa nga sya nakikitang ngumiti, siguro mas po-pogi sya pag nag-smile sya ^____^

Ewan ko ba, pero crush at classmate ko na sya since lumipat ako dito ng first year.

Naglakad-lakad nalang ako hanggang sa napapunta ako sa old library dito sa campus. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko, siguro dahil tahimik dito at wala masyadong stidyante ang pumumunta dito. Dun kasi sila pumupunta sa New library namin eh.

Umupo na ako sa pinakahuli na lamesa na nakita ko. May mga student naman na nandito, I think 7 students lang. Pero isa ang nakuha ng pansin ko, at ito ay yung isang lalaki na nakaupo sa may unahan ng table na kinauupuan ko, pero hindi sya nakahawak ng libro kundi natutulog. Pero kahit nakaub-ob sya same lamesa at hindi makita ang mukha nya, alam kong siya yun. Si ULTIMATE CRUSH ^/////^

Nawawala si DIARY Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon