05

7 6 0
                                    



"MISS ANDRADA!" napamulat ako sa gulat dahil sa lakas ng boses nya.

"SIR!?" gulat na untag ko, anak ng! Hinde ba panaginip yung kanina? Totoo? Arghhhh!

Sinamaan nya ko ng tingin, titig na titig sakin ang malalalim at magaganda nyang mata na halos ipinakilala sakin ang hari ng mga rainbow ang ganda na sana kasyang potek narinig nya ba mga sinabi ko?  Ultra turn off wala na makikipag hiwalay na sya kasi may kabet sya yung babae tas ako mababaliw kasi hinde maka move on.

"Anong ginagawa mo dito? Anong ginawa mo sakin, dadalhin kita sa simbahan!" sigaw ko sakanya pero isang nakakamatay at titig na naman sagot nya favorite nya sigurong pumatay sa titig.

Natahimik na naman kame at mukhang nag huhukay na sya sa isip nya ng paglilibingan ko.

"U-uhm hhehehe Sir, kasi po ano ih hehehehe" nag day off din ata bigla yung tapang ko.

"Buntis kaba Andrada?" Walang preno nyang sabi na nag paawang sa bibig ko

WAIT!?

WHAT!?

What the?

"Bakit Sir ginalaw mo naba ako?" napa takip ako sa dibdib ko, "Kelan pa? Bat ako buntis?" kung nakakamatay siguro ang titig baka pede ko na mameet si Lord mamaya.
"Joke lang Sir hehehe" awkward kong sabi.

Nasapo nya ang ulo nya at umaktong hinihilot ang sintindo.

Problemado ba sya kasi akala nya buntis ako? Di ba nya alam na dun sa mga sinulat ko planado na kung kelan kame mag kaanak at kung anong pangalan tas ngayon tsk tsk.

Nag hari ang katahimikan samin parang onti nalang maririnig ko na mga tsismisan ng mga langgam. Nakakaboreddddddd
Tinignan ko nalang sya at deadma kung mailang sya.

"Uhm Kim.... "

Kim? Hinde Miss Andrada? Asan ba ang mga kapitbahay ko? Mag papakain ako!

"Kung hinde ka buntis" simula nya, "May sakit kaba Kim?"

Parang tumigil ang pag hinga ko at tanging kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko.

"Never mind, you need to have some check up Andrada" sabi nya nalang at aakmang lalabas pero tumigil sya at nag abot ng panyo.

San ko naman gagamitin tong panyo nya?

Gusto nya bang pikutin ko na sya? Abay game na game ako!

"You're having a nose bleed, wipe that I won't do it for you" at lumabas na sya ng tuluyan.

Nang lumabas si Sir sa clinic ay agad akong nakahinga ng maluwag, jusmiyo mahabagin sisihin nya ba kong may kabet kasi tingin nya buntis ako? eh sya nga yung may pahalik halik pa panget naman ni ate gurl.

Agad kong pinunasan ang mga dugong natulo galing sa ilong ko, oo may sakit ako pero di ko inakalang ganto pala yun. Sabi kasi ni Mama magiging ok din daw ako basta alagaan ko sarili ko.

Bilang malanding nilalang ay hinde ko ginamit ang tissue na binigay nya syempre tatago ko yun at kung pwede ipapamana sa mga apo namin hihihihi, agad ko naman kinuha ang tissue sa side table ng hospital bed at agad isinaksak sa maarte kong ilong. Bukod sa hilo at saya wala naman nako ibang nararamdaman, oa lang talaga yang asawa ko para isipin na nakabuo na kame samantalang ni hinde nya pako nahahawakan, akala ko mas advance ako mag isip pero tinatalo nya ata ako -,-

Nang matapos na ang pag iinarte ng ilong ko ay inayos ko na ang sarili ko, gutom nako at miss ko na yung lalaking iniwan ako dito sa clinic mag isa, ganan ba talaga kayong mga lalaki? Mang iiwan? Jokijoki ay lab ser Ian, kay Ian lang kakalampag HAHAHAHAH buset ka talaga self pag narinig na naman yan ng asawa mo ultra turn off ka na naman dun.

"Miss pwede ba kung ok kana lumabas kana sa clinic sa lahat ng dinala dito ikaw lang yung parang baliw na ngiti ng ngiti" sabi ng nurse na kanina pa pala ako pinag mamasdan sa gilid
Ang kj naman nito, wala sigurong jowa at puro siguro paracetamol o kaya panturok lang kasama sa buhay.

Nang makalabas sa clinic ay agad akong niyakap ng mainit na sinag ng araw, kung bampira lang ako abo na siguro ako sa init sa PINAS. Agad kong hinanap si Sir pero sa kasamaang palad iba ang nakita ko or I must say nakakita sakin.

"BESPRENNNNNNN!!!!" sigaw ni Cathy ng makita ako at tumakbo na papalapit sakin, "Anong nang yare sayo? Ok kalang ba?" tanong nya tsaka tinignan bawat parte ko, "May masakit ba sayo? Uminom kanaba ng gamot?"

Ang OA!

"Nahihilo kapaba? Ano! Ano! Mag salita ka anak ka talaga ng nanay mo!" sigaw nya sakin at patuloy parin akong hinaharass.

"Pwede ba Cathy buhay ako Ok! Kayang kaya pa nga kitang ihatid sa impyerno kung gugustuhin ko" sagot ko sa mga tanong nya kanina. "Sobrang init lang tsaka atake siguro nung sakit ko"

"Ayan kasi pinababayaan mo sarili mo kinabahan tuloy ako pati yung mga reader akala nila papatayin ka sa story na 'to" sabi ni Cathy na may pairap irap pa, mukhang gaya gaya na sakin ang isang to.

"Ulcer lang to, sabi ni Mama alagaan ko lang katawan ko tas ok na" pag eexplain ko sakanya.

"Sobra mo kasing iniisip yang jowajowaan mong may kasaama namang iba!" medyo inis nyang sabi sakin.

Pero wait?

The fugde!

May kasama!???????

"Anong sabi mo CATHERINE!?" pinanliitan ko pa sya ng mata bago titigan ng matagal.
"Alam mo Kim kung nakakamatay ang titig baka mameet ko na si Satanas ngayon din, at oo may kasama nasa may parking lot"

Nagulat ako sa narinig ko, buset naiinis na naman ako. ANG AKIN AY AKIN.
ANG KAY KIM AY SI SIR IAN LANG.
Kahit medyo badtrip at nasakit ang tyan ay dali dali kong tinungo ang parking lot.
At dun nakita ko sila.

College nako pero di ko pa nararanasan mag mahal, ngayon palang. Pero siguro nga bawal maging kame, baka nga ako lang yung naasa na baka pwede, na baka merong something kahit wala naman talaga.

Nakita ko yung babaeng humalik sa kanya noon pero ngayon hinde na halik ang binibigay nya, yakap na. Nakatingin lang sa malayo si Sir Ian habang nakasubsob sa balikat nya yung babae, oh diba ang ganda ng pwesto ko para maidetalye sainyo nya ang lagay nila.

Sa hinde ko malamang dahilan nasasaktan ako, oa na kung oa pero pakiramdam ko may napiga sa puso ko.

Pag nag mamahal ba dapat masaktan agad? Hinde ba pwedeng puro pag mamahal muna? Kilig? Saya?



FINALLY FOUND YOU is originally titled PATAY NA from my facebook acc, I wrote it with 6 parts but this FFY will have different plot and ending.

Don't forget to vote and leave some comments or recommendations

Do follow me @nyew here in wattpad
Fb @EL Bien
I also compiled my one shots here, and will published my PAPATAYIN AKO NI PAPA  a mystery thriller short story from my fb acc.




Finally found you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon