•••
08-28-19
•Gwyneth•
"Nakaiinis!" Pinapagpagan ko ang sapatos at ang medyas ko gamit ang dala kong extrang panyo. Agad akong tumayo at inis kong hinanap kung meron na ba kaming sariling table. Tho, meron naman... wala nga lang chairs.
Bigla kong napansin ang pagtayo ni Kyle dahil sa matangkad ito at malapit lapit lang naman ang table ng Pantaleon High sa amin.
"Gwyn! We're sharing tables again , nandito name ng school niyo." He said while he's raising his hand holding a paper.
Wow! Pag sinusuwerte ka nga naman!
Naglakad nalang ako papalapit sa table na 'yon. At nandoon nanaman yung softdrinks panigurado.
Ganoon pa rin ang arrangement ng seats. Pero buti nalang dalawa ang bakanteng chair kaya dito na lang ako sa tabi ng coach nila kaysa matabihan ko si Raven.
Agad naman akong napalingon ng biglang may kumalabit sa akin.
"Ay nak, puwede po bang pahingi ng isang chair?" tanong sa akin ng isang teacher patungkol dito sa chair na uupuan ko na sana. I think she's a teacher coach from Louisville University.
Siyempre alangang mag damot ako at ibinigay ko na lang chair na uupuan ko sana.
"Thank you." Sabay kuha niya nung chair.
Umupo na lang ako dito sa tabi ni softdrinks. Wala e, kung hindi ko lang talaga kailangang mag seminar e.
Umusog naman ng kaunti ang isang coach nila Raven para ma-fill ang empty space sa tabi ko since nasa round table kami.
Palinga-linga ako dito sa hall dahil parang may inihahanda silang malawak na space sa gitna with different stations. Maybe about writing?
"Ma'am, ano pong mayroon dun?" rinig kong tanong ni Gabriel sa coach nila.
"May pa-activity yata for all student journalist. So be ready," sagot ng coach nila.
What kind of activity naman kaya iyon? Wala pa naman dito si Sir Ryan.
BINABASA MO ANG
My Rival and Me
Teen FictionWhat if that rival of yours starts clashing into your life? Gwyneth and Raven were rivals. As they conquer their own path to success, something was about to begin. Will they remain as rivals in the end? My Rival and Me is the first installment for C...