Masarap magmahal at mahalin. May mag aalala sayo kapag may sakit ka, lalambingin ka kapag nagtatampo ka, magseselos kapag may kausap kang ibang lalaki na hindi nya kilala, may mga bagay na ginagawa nya para sayo na kelan man hindi na akalaing gagawin nya para lang sa isang babaeng espesyal sa kanya.
Pano kung ang lalaking gumagawa sayo nito ay ang taong hindi mo inaasahan? Yung taong kinaiinisan mo simula't sapul, yung kahit na inis na inis ka sa kanya ayaw mo pa ding mawala sya sa piling mo? Ironic diba?
Pero paano kung may dumating ulit na lalaki na pinapasaya ka din katulad ng pagpapasaya ng taong kinaiinisan mo pero sa pagkakataong ito, itong lalaking to naman ay yung taong matagal mo ng hinahanap at hinihintay.
Anong gagawin mo? Ako? HINDI KO ALAM.
BINABASA MO ANG
My Own Story
Teen FictionPaano kung ang "Ideal Man" mo hanggang idea na lang talaga? Paano kung ang taong mahal mo ay kabaliktaran ng Ideal Man mo? Mamahalin mo pa ba ang taong yun o hihintayin mo at magbabakasakaling dumating pa rin ang Ideal Man mo?