Chapter 1- All About Her

8 0 0
                                    




Han yeojaga meorojoga namjaneun

norae bureujiman nunmuri

naneungeol ibyeoriran~~

Hmm.. Ito talaga yung isa sa mga nakakapagparelax saking kanta. Andito ako sa bahay dahil Saturday ngayon at walang pasok. At wala rin naman akong magawa kundi magsound trip.

Ay! Bago pala ang lahat, magpapakilala muna ako. I'm Sapphira Franchez Alonzo, 16 years old, 4th year highschool. Nag iisang anak ni Mama Emy at Papa Joe. Oo, one and only daughter pero di porket unica hija ako spoiled brat na ako, medyo lang pero di masyado hehe~ Medyo boring ang buhay katulad ng gantong walang pasok kasi wala akong kausap, walang magawa kundi magfacebook, twitter, instagram, sound trip at higit sa lahat... Spazz! Yeah. K popper ako, solid YG Stan- VIP, BLACKJACK, INCLES at IKON STAN ako haha! Wala eh, ganyan talaga.

I hate this love song

I hate this love song

I hate this love song

I hate this love song

I hate this love so-

Hindi ko na natapos yung kanta ng dahil sa isang sigaw. "Hoy! Binibining Alonzo! Nakakahiya naman sayo, baka gusto mo ng bumaba jan at kumain ng tanghalian!" sabi ni Mama. Talagang may exclamation point kasi pasigaw na yang sinabi sakin, ganayan talaga si Mama eh hindi nagsasalita ng hindi pasigaw kaya minsan nabubwisit din si Papa jan minsan. Anyway, 11am na pala kakain na kami.

Habang kumakain kami nagsalita si Papa, "Mamaya pala pupunta dito sina Tita Vicky mo, ipapacheck up ata yung Tito mo." "Kasama po si Cathy?", tanong ko sa kanya. "Siguro, wala namang kasama si Cathy dun kung di sya sasama", sagot ni Papa. "Yaassss!!" , di ko napigilang maexcite sa wakas may makakakwentuhan na ako. "Kumakain!", sabi naman ni Mama. "Sorry po. Hehe." sagot ko naman.

After naming kumain, pumunta ulit ako sa kwarto at balik sa business ko, ano pa nga ba at ang mag internet ng mag internet.

BLAG!

"Ateeeeeee!!!" Nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto ng pagkalakas lakas at may sumigaw na akala mo may sunog.

" Cathy! Potek! Grabe ka naman kung makabalibag ng pinto. Parang natrap ako dito sa kwarto ng 17376464728291 years at ngayon lang nabuksan." sabi ko sa kanya. "Hehe. Sorry ate. Namiss lang kita." sabi nya sabay yakap sakin ng mahigpit.

Cathy Amistoso, 15 years old, pinsan ko sa father side, ang Mama nya at Papa ko ang magkapatid. Petite, morena, at maganda. Matalino at mabait din yan kapag tulog nga lang, medyo pasaway kasi at madaldal.

"Kanina pa ba kayo? Asan sina Tita? Anong sakit ni Tito at ipapacheck up nyo sya? Ok lang ba sya? Tsaka kumain na ba kayo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Wow ah! Grabe yung tanong mo, lakas makaTito Boy lang. Haha! Well.. Medyo kakadating dating lang namin, andun sa hospital sina Mama, super sakit lang ng ulo ni Papa, at dahil nataranta si Mama, ayun pinaospital na si Papa at feel ko Ok naman si Papa, pahinga lang siguro kelangan nya di na kasi sumama sa hospital eh tsaka pupunta naman sila dito mamaya kaya malalaman din natin yung result ng check up ni Papa at para sa huling tanong mo Ate, yup! We ate already, early lunch before kaming umalis ng bahay." walang putol na sagot nya sa mga tanong ko.

Ganun ba talaga kadami yung tanong ko at parang super haba ng sagot nya? Pero infairness, natandaan nya lahat ng tanong ko sa kanya. "Ahh. Ok." sagot ko sa kanya.

TING! May biglang umilaw na bumbilya sa ulo ko. Great idea!

"Ano na naman yang tingin na yan Ate?" walang ganang tanong nya sakin habang nakangiti ako sa kanya ng pagkaganda ganda, yung labas lahat ng ngipin, kasama gums with puppy eyes. "As you can see bhe, super bored na bored na ako dito, gala naman tayo oh." sabi ko sa kanya. "Wala akong pera Ate tsaka baka pagalitan ako nina Mama, sabi nila dito lang daw ako." nakasimangot na sagot nya. "Banamanyan!! Libre ko naman eh tsaka ako ng bahala kina Tita na magpaalam. Sige na kasi. Sige na. Sige na. Sige naaaaaaa!!" pangungulit ko sa kanya. "Aish! Oo na Ate. Nakakahiya naman sayo kung di ako papayag diba?" no choice nyang sabi. "Haha! Gravity ah! Kunwari ka pa eh gusto mo din naman."

My Own StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon