The Painfull History (COMPLETE)

28 5 1
                                    

Nate POV.

Bata pa lamang ay namulat na ako sa mundong mapanakit.

Mundo na magulo at parang walang kaayusan.

Ikikwento ko ang pinakamasakit na karanasan ng aking buhay.

[Flashback]

Mahirap lang kami at walang gaanong kita si mama sa kanyang pinagtratrabahuhan.

Pero... kahit na ganon, nagmamahalan kami at matiwasay ang aming pamumuhay.

Iniwan na kami ni papa bago pa ako isilang.

Pero, di ako pinabayaan ni mama kahit wala na si papa

Inaalagaan, minamahal, at inaaruga,

Yan ang ginagawa ni mama araw-araw sa akin.

Masaya pa ang buhay namin nung mga araw na yon... pero, lahat yon nagbago at napalitan ng sakit ng dumating ang pinakamasakit na part sa aking buhay.

6:00 ng umaga, tahimik at wala pang masyadong tao.

Kami palang ni mama ang gising.

"Ma!, mag-almusal na tayo!", aya ko kay mama.

"Oo sige anak, tinatapos ko lang tong ginagawa ko.", sagot nya sa akin.

"Hayst, makakain na nga, gutom na ako.", pag-iisip ko.

"Ah sige po mama!", saad ko.

"Ikaw na muna ang kumain dyan anak ah!", sagot nya.

"Opo!", sabi ko.

Natapos na akong kumain pero wala parin si mama.

"Ma!", sigaw ko.

Ngunit wala akong narinig na sagot nya.

"Ma!", dugtong ko pa, ngunit wala talaga syang sagot.

Agad akong pumunta sa lugar kung saan sya naroroon.

Naabutan ko syang nagbabanlaw ng mga damit na nilalaban nya.

"Ma!, kumain ka muna.", pilit ko

"Ah oo, tinatapos ko lang to.", sagot nya.

Makalipas ang ilang saglit...

"Oh yan, tapos na ko! lika na!", aya nya.

Kasabay ng pagtayo nya ang pagdating ng pulang motor.

Napatingin kami sa motor na yon at may dalawang tao.

May parang bumubunot ng kung ano sa kanyang bag.

Nabunot nya na at laking gulat ko na baril ito.

Tinutukan nya si mama.

Tatakbo na si mama ng biglang...

"Boom!"

Pinutok nya ang baril at wala man lang itong tunog o anumang ingay.

Di ako nakagalaw at nasaksihan ko ang pagbagsak ni mama buhat ng barilin sya sa ulo.

Mga ilang sandali...

Nagsalita ang angkas ng motor.

"Ano, ligpitin na rin ba yung batang yan?!"

"Wag na, sabi ni boss, yung babae lang daw.", sagot ng bumaril.

"Ah sige, tara umalis na tayo at baka may makakita pa sa atin na pumatay.", aya nya.

"Tara!", sagot nya.

Umarangkada na ang motor papalayo.

Nakagalaw na ako ng umalis na ang motor.

Tinignan ko si mama at nakita kong wala na itong buhay.

Naliligo sa sarling dugo at bukas ang mata sa labis na tama ng baril sa kanyang ulo.

Di ko na napigilan ang aking iyak.

Umupo ako sa tabi ng madugo kong ina at humagulgol.

"Mama! patawad! wala akong nagawa para mailigtas at matulungan ka! mama-a!!!"

Di ako tumigil sa pag-iyak ng mga panahong iyon.

Labis kong dinamdam ang pangyayaring iyon.

Humingi ako ng tulong at dinala sya sa ospital...pero, wala na, huli na, wala na si ina.

Simula noon, dala-dala ko na ang karanasang iyon.

Hanggang sa paglaki ko, hindi ko malimutan ang masakit na sinapit ng aking ina.

Hanggang ngayon, sinisini ko parin ang sarili ko dahil wala akong nagawa upang isalba sya.

Ngayon, 15 na ako at bakas parin sa aking ala-ala ang pangyayari.

Lalo akong naghinagpis, nung nalaman ang katotohanang...

Ama ko pa pala ang nagpapatay kay ina.

The End

Thank you for reading!




The Painfull History (One Shot)Where stories live. Discover now