Chapter 2: Today Was A Fairytale (start of flashback)

23 2 0
                                    

Chapter 2: Today Was A Fairytale

(Start of Flashback)

Masquerade party?
tanong ni Julie kay Celine paglingon niya dito.

Masquerade ball slash costume party.”
Napakunot-noo si Julie at naguluhan.

“I know, ako din nalilito eh, basta ganun.
And here’s the best part, ang tema…hulaan mo.”

Horror?”

Ano ka ba?”

“Eh bakit ba? Malapit na Halloween diba?”

Fantasy! Fairytale!”

Oh?”

Anong oh?
Wala na bang mas exciting pa diyan sa reaction mo?”

Tumawa si Julie at humarap kay Celine.
Eh bakit ko ba kailangang ma-excite?”


Dahil ikaw ang a-attend imbes na ako.”

Ano?! Teka, teka…bakit ako?!”

“Cause it’s your thing.”

Huh?!”

You love fairytales.
And sa party na iyon, magdadamit prinsesa ka, may makikilala kang prince charming, sasayaw kayo under the moonlight and boom! True love kiss’ turn!”

Celine.”

Bumuntong-hininga si Celine at seryosong humarap kay Julie.
Okay, ganito kasi iyon.
Sa mismong gabi ng party na iyon…
plano naming magtanan ni Harry.”

Anoo?!”
bulalas ni Julie.

Sssh! Jul, kalma lang! baka marinig tayo nina papa.”

“Cel, nasisiraan ka na ba?”

We have no choice, jul.
iyon na lang yung naiisip naming paraan ni Harry and of all people,
ikaw ang pinakanakakalam kung gaano naming kamahal ang isa’t isa.”

“Pero-“

Alam ko, mali ang gagawin namin. Pero Jul,” ngumiti si Celine.
Ayoko nang mahiwalay kay Harry.
One day I know patatawarin di kami ni papa and mama. I’m willing to take a risk with him.
That’s how we’re planning to start our own fairytale Jul, we’re going to find our own happy ending together.”

Tinitigan ni Julie ang kaibigan niya’t saka siya ngumiti.
Fine. Wala akong balak maging kontrabida sa kuwento niyo.”

Thank you bestfriend! The best ka talaga!”

Mag-iingat kayo ha.
At huwag na huwag mong kakalimutang tawagan ako.”

julielmo fairy tale by julielmolovinWhere stories live. Discover now