Prologue

24 1 0
                                    


February 5, 2020 - Saturday at exactly 3:00 AM

Time when most people are asleep, pero para sa ilan ito'y oras ng mga demonyo. This is the time when witches, demons and ghosts are thought to appear and to be at their most powerful. 

Dito rin nag simulang mag bago ang lahat, ang dating normal na madaling araw ay nabalot ng pangamba, hiwaga, takot at kung ano-ano pa. Nagsimulang maging kulay dugo ang kalangitan, ni mga experto ay di maipaliwanag kung ano ang sanhi at dahilan nito. Ayon naman sa simbahan hudyat na raw ito ng pagbaba ni Hesukristo sa kalangitan, para naman sa iba katapusan na ng mundo. 

Tumagal ito ng halos anim na buwan, muling naging normal ang pamumuhay ng mga tao sa aming siyudad, ika nga "life must go on". Totoo nga talaga na human body readily responds to changing environmental stresses in a variety of biological and cultural ways. Kahit anong klaseng phenomenon ata o weird events na mang-yari sa atin ay makaka-adapt tayo, that's the beauty of being a human. 


"Kuya pogi, barya lang po." 


Nagulat ako sa biglang pag sulpot ng isang batang babae sa aking harapan, di ko siya namalayan since masyadong naka focus ako sa pakikinig ng music, naka activate kasi yung noise cancellation nitong AirPods Pro na napanalunan ko kahapon sa pa-raffle ng aming land lady sa dorm. 


"Di pa po ako nakakakain mula pa kahapon." Dagdag nito habang mangiyakngiyak.


"Ah-eh, wait lang, check ko muna kung may barya ako sa bag." 


Dali dali akong nag halungkat sa aking bulsa at bag, bigla akong pinag pawisan na parang natataranta at di ko alam bakit  ako naprepressure. Siguro socially awkward lang talaga ako, hay nako! Ilang minuto nalang ay mararating ko na ang university na pinapasukan ko, naglalakad lang kasi ako araw-araw papuntang school since malapit lang naman yung dorm na tinutuluyan ko. 


"Kuyyaaaa." 


Grabeh naman tong batang ito di makapag hintay.


"W-wait lang ha, wala kasi akong mahanap." Natataranta kong tugon sa bata. 


Dahil sa panic ay natapon ang laman ng bag ko. Ito na yata yung kinakatakutan ko sa lahat, shet. Dali dali kong pinulot isa-isa ang aking mga gamit, buti nalang ay walang dumadaan na mga tao. Bigla kong napansin ang dalawang paa ng batang babae, biglang nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. 


Inuuod at nangangamoy na ang parehong mga paa ng bata, kulay lila narin ang mga ito na waring nabubulok na. Biglang may lumabas na kulay pulang uuod sa isang malaking butas sa kanyang kanang paa, mas ikinagulat ko ng makita kong may mga paa at kamay ang uuod. Not a usual worm na makikita natin sa paligid, also this is the first time na naka encounter ako ng ganitong invertebrate phyla. WTF.


Nanginginig na ang aking mga kamay habang hawak-hawak ang notebook at sharpener na nakalapag sa kalsada. Bumilis ang tibok ng aking puso, di ko narin ma explain yung na fefeel ko. Di ko alam kung sisigaw ba ako, tatakbo o susuka. Dahan dahan kong itinaas ang aking ulo sa pagkakatango para makita ang mukha ng batang babae.


"B-bata..." Potang ina.


Nag kasalubong ang aming mga mata, mas naging weird pa yung situation ng mapansin kong abot tenga ang ngiti ng bata habang nanlilisik ang mga mata nito.



 "You smell different when you're awake."


SAILOR'S DELIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon