CHAPTER 1 - HISSS

20 1 0
                                        


July 13, 2020 - Monday

Bawat araw na lumilipas ay padagdag ng padagdag ang mga peculiar shits na nangyayari dito sa world. I still can't move on sa mga pang-yayari kanina while I was on my way here sa school. Ang weird lang talaga ng batang babaeng iyon, di ko rin na gegets kung ano ang gusto niyang ipahiwatig dun sa kanyang sinabi bago ako tuluyang mawalan ng malay. 


"You smell different when you're awake."


Tuwing naaalala ko ang mala Pennywise niyang mukha ay naninindig ang aking mga balahibo. Tapos yung uuod na lumabas sa butas ng kanyang paa, Ginger Mother Fucker  ano yun? Bakit may paa at kamay? Yung parang sa tao. 

Holy bloody titties! 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Holy bloody titties! 

Okay I need to stop overthinking, wala na yun. I am sure di ko na makikita pa yung batang iyon, mag taxi nalang ako papuntang school bahala na. Pero kung mag taxi mas lalaki yung gastos ko at papatayin talaga ako ni mama, buti sana kung rich kid. Hayst. 

Napahinga ako ng malalim, I am trying my best to forget what happened early this morning. Nasa Biology class ako ngayon, di ako makapag concentrate sa itinuturo ng aming guro. Our professor even asked me na mag pahinga nalang muna sa clinic, na appreciate ko rin yung blockmates ko dahil grabeh yung pagaalala nila sa akin. 


"Red" 


May bumulong sa aking pangalan sabay sundot sa aking likuran, napatingin naman ako rito. 


"Sabay tayo mag lunch later, libre kita." Pabulong na pag-aanyaya nito.


Tumango ako bilang pagapruba, sabay ngiti. Swerte ako na may kaibigan akong kagaya ni Angel, super sweet at mahilig manglibre lalo na pagdating sa kainan. Natitipid ko ang aking allowance dahil sa kanya, nakakatuwa lang kasi may kaibigan akong burgis. Hindi naman sa user friendly ako but siya kasi lagi yung nag iinsist, gusto kasi ni Angel na lagi kaming mag kasama. Naaalala ko nung nasa second year college palang kami, patay na patay siya sa akin. I still remember the time when she confessed her feelings to me during our Christmas party. Oo, nabasted ko siya. Grabeh yung iyak niya habang nilalapa ang hawak niyang fried chicken, pero kahit may ganun kaming past mas naging strong yung friendship namin now. Di ko akalain na siya yung magiging best friend ko dito sa Cebu.  

Nabaling ang tingin ko sa bintana sa aking gilid, napapalibutan kasi ng mga bintana ang aming classroom. Pinagmasdan ko ang kulay dugo na kalangitan, napansin ko na simula nung nagkaganito ang bansa ay wala na akong nakikitang lumilipad na ibon o kahit insekto. It all started here sa Cebu, then after a week sumunod ang mga karatig na lugar tulad ng Bohol, Bacolod, Samar at Leyte. Makalipas ang isang buwan ay buong bansa na, other countries like China and Indonesia are preparing for the worst possibilities na baka one day bansa na nila ang sumunod. Actually, wala namang disaster o catastrophe na nangyari, but medyo naapektuhan yung tourism sa bansa since foreigners are scared na baka cause ng isang toxic chemical yung pag pula ng kalangitan. Para naman sa ilan ay bad omen raw ito na nag papahiwatig na dapat mag handa sa paparating na delubyo. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAILOR'S DELIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon