MY GIRL IS A MANNEQUIN Chapter 31 Part 2

2.6K 91 57
                                    

Dedicated kay tgwcbm. Always kong nakikita ang comment niya. Nagpost pa siya sa profile ko. Nakakatuwa :'> Sabi ko sa inyo pag natutuwa ako sa mga readers nag-de-dedicate ako. Isa pa kapag palagi kong nakikita. Lalo na kapag sinusugod din ako sa FB. Mahal ko kayo eh <3 kileeegss

Chapter 31 Part 2

"Then the two bastards were just standing beside us and saying nonsense things. And suddenly Kent grabbed my foot and put some bandage on it. Seeee? I think Kent starting to have feelings for me. Owwww. He's so sweet." hinawakan ni Misha yung dalawang pisngi niya at ngumiti siya sa hangin ng matamis.

Andito kami ngayon sa cafeteria. Nagkwento siya tungkol sa mga nangyari sa kanila ni Kent sa may clinic kanina.

"Haha." ayun na lang nasagot ko sa kaniya.

Hmm. Ewan ko ba. Bakit nagkakaganito ako. Dapat nga masaya ako kasi ang kaibigan kong si Misha ay masaya.

"Hm! I almost forgot. Xarmeyn you're my friend right?"

"Ahm. Ano. Oo" nagulat naman ako sa kaniya. Bigla bigla kasi nagtatanong.

"Also you're Kent's sister right?"

"Ah. Oo. Bakit mo naman natanong?"

"Then you told me na. You're going to help me to get close with Kent, am I right?"

Eh?

"Kelan? Kelan ko sinabi? Talaga?" hindi ko talaga matandaan.

Biglang napataas yung isang kilay niya.

"Don't tell me. Youre not going to help me na?"

"Ah! Hindi naman sa ganun. Pero hindi ko matandaan kung may nasabi ba kong tutulungan kita."

"Hmp! I hate you na!" tatayo na sana siya.

"Ui. Ui. Oo. Tutulungan kita." bigla ko siyang hinila sa kamay niya. Buti naman umupo na uli siya.

"Hmp. Du musst es tun oder sonst" (You have to do it or else)

"Eh? Anong sabi mo? Nabulol ka ata."

Hindi naman English o Tagalog yon. Baka pang-alien yun. According kasi sa mga batang nakakausap ko. Kapag daw hindi maintindihan yung sinasabi nung tao ibig sabihin daw nun alien yun hahaha. Baliw ata yung mga batang iyon.

"Nothing. Just be sure youre gonna help me with Kent huh?"

"Yes. Im sure!" He-he. Bahala na.

"So here's what you're going to do"

*******

"Yes po. Po? San po? Ah sige po. Ngayon na po ba? Sige po. Bye."

Tumawag bigla si Ate Kim-shee. Pinauuwi niya ako.

"Ahmm ma'am."

"Yes?" bigla siyang napahinto sa pagtuturo. Bale lumabas ako para sagutin yung tawag ni Ate Kim-shee. Nakakahiya lahat sila nakatingin sa akin. Kaya ibubulong ko na lang kay maam hehe.

"Ahm ano po. Emergency lang po. Pwede po ba ako mag-excuse sabi po kasi ni Ate Kim-shee--"

"Emergency? Ok you can go." Eh? Di pa nga ako tapos magpaliwanag sabagay si Ate Kim-shee naman nagpautos malamang papayag na si ma'am. hihihi.

So ayun nga kinuha ko na yung bag ko tapos nagpaalam na kong aalis na ko. Sabi ni Ate Kim-shee susunduin daw ako ni Manong Roy kaya hintayin ko daw siya sa gate wag daw ako aalis dun hanggat hindi pa daw dumadating si Manong. 

Wala din si Kent ngayong araw. Di kaya pupuntahan namin si Kent? Sana nga. Gusto ko siya makausap eh. Kahit isang beses lang. Kahit saglit lang. Pero pinalalayo na ko ni Ate Kim-shee sa kaniya kaya imposible namang kay Kent kami pupunta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY GIRL IS A MANNEQUIN Chapter 15 and so on (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon