tres

0 0 0
                                    

“So, ginanun ka ng Lee na yun? Aba! Wala siyang karapatan! Hindi niya alam ang mga pinagdaanan mo! Hindi niya alam na na--” Bago pa man maituloy ni Weng ang kanyang speech, eh pinutol ko na agad-agad.

“Di naman talaga niya alam eh.”

“Kasi nga hindi mo sinabi!! Akala ko ba aamin ka sakanya? Akala ko ba hindi mo na sasayangin 'tong chance mo na 'to?” Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy lang ako sa paggawa ng mga coffee and blends.

“Max, hatid mo na ito sa table #10” utos ko sa staff ko na waiter. Pagkatapos si Weng na ang binalingan ko na nakaupo sa may counter.

“Hindi ko naman sasayangin eh. I tried telling him last night pero naunahan ako ng galit niya at the same time natakot na ko. At isa pa, umalis ka nga jan sa counter! Abala ka sa mga staff at customer eh! Dun tayo sa office.”

“Okay, chill! Hot ka masyado.” Sumunod naman sakin si Weng at pumunta na kami sa may office namin kung saan tambayan namin ni Weng.

“So ano nang plano mo ngayon?” pagtatanong niya. “Siguro naman by the end of the 5-day prize ko nasabi ko na sakanya lahat lahat. Haaay. Wish me luck talaga. Kaya ikaw muna bahala dito habang wala ako ha? Naku. Umayos ka Weng! Mahirap ang pinagdaanan natin para mapundar 'tong Twisted Hangout.”

“OO! Ano ba. Kahit ganito ako, may professionalism naman ako sa katawan. Tss. Goodluck talaga beb! Sana magtagumpay ka jan sa 'operation-ibalik-sakin-si-Brye-ko'” Natawa naman ako sakanya dahil sa sinabi niya. Haay. Sana nga wag na siya magalit sakin. Dahil hindi ko kaya.

“Beb! Si Brye mo oh nasa news!”

Lumingon naman ako sa kakabukas niya lang na tv, at tama si Seth my love so sweet nasa tv, I mean, iniinterview.

Reporter: Mr. Lee, Ano po plano niyo sa papunta dito sa Pilipinas?

Seth: Well, I will have my concert here but for the meantime, i'll have accepted offers to make TVC's and some TV series. But I'm concentrating for my huge upcoming concert.

Reporter: Wow. That's a lot of projects. Hindi po ba kayo napapagod?

Seth: Hindi naman. Pero minsan oo. Kaya nga, I'll take this chance para makapagpahinga naman ng konti.

Reporter: I heard na your agency held a contest. A raffle promo, and babae daw po ang nanalo na obviously hindi naman nakakapagtaka. Hehe. So, ano naman po tingin nyo sa contest na ito?

Seth: Hindi naman big deal, ayos lang.

Reporter: Na-meet niyo na po ba yung winner? Siguro po masaya kayo, dahil hindi biro ang requirement para makasali sa contest. Kasi nakita ko na dapat big big big as in super big fan mo dapat ito. Para manalo.

Seth:....... Bakit ang tagal sumagot ni Brye? Ganoon ba talaga ka-big deal ang pagkapanalo ko? Nakita ko na ang pagbabago sa ekspresyon niya simula nang mabanggit ang winner. I saw, anger in his eyes. >.<

Reporter: Uhm, Mr. Brye? Natauhan naman ata si Brye kaya nakasagot na siya.

Seth: Ah yes. Na meet ko na siya.

Reporter: So, how was she? Pero hindi na sumagot si Brye dahil umepal si Dino

Dino: I'm sorry, Brye has to go now. We have some other appointments. Pinatay ko na ang tv. Wala nanaman si Brye eh. Pero bakit ganito? Para akong sasabog dahil pinipigilan ko sarili ko na umiyak. Bakit ganoon siya? Di ba dapat sanay na ko? Di ba sinanay mo na sarili mo Sam? Di ba nga prinipare mo na sarili mo sa mga possibilities na mangyari tulad nito? Pero bakit ganito? Parang sobra naman ata?!~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your Number #1 fanWhere stories live. Discover now