Author's note: Nakalulungkot man pong sabihin pero after this chapter, on hiatus na po muna ang HNC. Kahit po ako ay nahihirapan. Sa lahat ng nag-enjoy sa HNC, maraming maraming salamat sa inyo. Sa pagbabalik ng HNC, pangako ko na mas magaganda pa ang mga eksena na ipe-present ko sa inyo. To @happyeatingstars at @PrincessTaiga, the best kayo. Kayo ang dahilan kung bakit mahirap iwan ang HNC ng hindi tapos pero sana maunawaan niyo ang reason ko.
Ang last chapter ay dedicated sa isa sa mga bago kong kaibigan sa Wattpad, si @YURiMikA. Check her out! Marami siyang magagandang stories.
Ayun! Maraming-maraming salamat sa pagbabasa ng HNC! Hanggang sa muling pagbabalik ng HNC! ----@iamamazingrj
________________________________________
Nakakahiya mang ikwento sa mundo pero ito ang kwento ng aking "almost-first kiss" kay Aaron.
Nang magsimulang magkwento si Aaron, mga isang dipa ang layo ko sa kanya. Syempre galit pa ako sa kanya kaya distance kung distance. Pero habang tumatagal, unti-unti akong na-engage sa pagkukwento niya kaya unti-unti rin akong lumalapit sa kanya hanggang sa mga kalahating dipa na lang ang layo ko sa kanya. Hanggang sa bago siya matapos, magkatabi na kami. Nakadikit na ang tuhod niya sa tuhod ko na nangangalay na sa pagkaka-Indian sit.
Pagkatapos niyang magkwento, nagkatitigan lang kami. And there were those beautiful brown eyes, looking straight at me. Nire-reflect ng mga mata niya ang liwanag na nire-reflect ng tubig ng River Thames. At that moment, naintindihan ko kung bakit binabalik-balikan niya ang lugar na 'to. Napaka-calming ng paglalaro ng liwanag sa tubig ng ilog. Like it's hypnotising you to make you feel better. Ito marahil ang epekto ng tanawin kay Aaron. At ganoon naman ang epekto ng mga mata niya sa'kin. It has this hypnotising effect on me that made me kiss him.
I slowly leaned towards Aaron. Tila naman pareho kami ng iniisip kasi dahan-dahan din siyang lumalapit sa'kin. At that moment, I shut myself out for the rest of the world. Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla kong kinailangan 'yung kiss na 'yon.
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko kasi naduduling na ang mga mata ko. Ramdam kong malapit nang magtama ang mga lips namin dahil nagtama na ang mga ilong namin. But my first kiss with Aaron was postponed when we heard a clearance of someone's throat.
"Ehem," pang-aabala ni Graham. "Did I interrupt you at a bad time?"
No, Graham. It's not a bad time. It's a very bad time.
"No, Graham. It's fine," tugon ni Aaron. Pansin mo sa kanya na nanghihinayang rin siya sa pagkakaudlot ng kiss namin. "Are you gonna say something?" dagdag niyang tanong.
"Uh, yeah. I'm afraid your fifteen minutes is up," tugon ng epal na si Graham.
And I think you're time in the world is also up, Graham!
"Actually, we're done here, Graham," sabi ni Aaron habang patayo. Nang makatayo na siya, iniabot niya ang kamay niya sa'kin para alalayan niya akong tumayo. I gently grabbed it and slowly stood up. We gave each other sheepish smiles when our eyes met. Simula noon, hindi na binitawan ni Aaron ang kamay ko. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan niya. Pero walang nagsasalita sa'min na mas ayos sa'kin. And every time we would look at each other, we would just smile.
Nag-drive si Aaron patungong Shacklewell. Tahimik ang biyahe namin. Walang nagsasalita o kahit anong tumutugtog na music. Kung nung kaninang naglalakad kami, ayos sa'kin na walang nagsasalita pero nung bumabyahe na kami, I found the silence to be awkward. "Uhm, can I turn up some music?" tanong ko kay Aaron.
"Go ahead," sagot niya.
So nagpatugtog ako. When I'm feeling good, iisang artist langang pinagbabalingan ko ng good mood. In times like this, I always turn to Katy Perry to keep up the good mood. And I know a good song to keep my spirit high and also to convey a message to Aaron. Pinili ko ang 'Firework'.
BINABASA MO ANG
Hot N' Cold (Ongoing)
FanficNagpunta si Regina sa London upang mag-practicum na requirement sa kanyang graduation at upang makasama ang kanyang ama na matagal na niyang hindi nakikita. Isinumpa niyang all business and no pleasure lang sa London. Wala ang love sa kanyang priori...