05

15 1 0
                                    

"Argh!" sigaw ko nang maramdaman ang malakas na hampas na likod ko. Ito pala 'yung purpose ng costume na suot ko. Literal na nararamdaman ko ang sakit na nangyayari sa akin sa loob ng game. Ilang beses na rin akong nasaktan pero wala akong nagawa kundi tapusin ang laro.

Hinang-hina na lumabas ako ng cubicle, sinalubong naman agad ako ni Acee.

"You almost got killed," he said. Tinignan ko siya ng masama. Hindi naman niya sinabi sa akin na ganoon kalala ang laro na 'yun.

"Sabi ko, hanapin si Chloe. Wala naman si Chloe sa loob ng game na 'yun!" I just rolled my eyes and started to walk out of the arena.

"Don't you find it cool? Ganoon ang tournament na sasalihan ko next month!" kwento niya and as if I care. Hindi ko na siya pinansin at muling inilibot ang paningin ko sa paligid. Nag simula muli kaming lumibot sa buong lugar.

"Huwag kang mag tanong dun, robot 'yun," saad ni Acee nang akmang lalapit ako sa isang babae na nakatayo sa tapat ng isang convience store. Kunot ang noong nilingon ko si Acee.

"Paano ba malalaman kung robot o tao?" tanong ko.

"Malalaman mo naman e," saad niya at muling tinignan ang robot. "Tignan mo 'yung balat niya, scripted."

Napatingin naman ako sa balat nung robot habang iniisip kung paanong naging scripted 'yun. Masamang tinignan ko si Acee dahil pakiramdam ko e niloloko lang niya ako.

"Bahala ka riyan!" saad ko at muli siyang tinalikuran ngunit mabilis rin niya akong hinila. Inis na tinignan ko siya pero maging ako ay natigilan nang makita ang isang aircraft sa kalangitan. Literal na napanganga ako sa laki nito.

"A-ano 'yan?" wala sa sariling tanong ko habang hindi pa rin maalis sa paningin ki ang aircraft na 'yun.

Nakita ko kung paanong nag panic ang mga tao, kaniya-kaniya silang takbuhan lalo na nang tumigil ang aircraft sa mismong lugar kung nasaan kami.

"Coristine, bilis!" dinig kong saad ni Acee pero tulala pa rin ako sa bagay na 'yon. Naramdaman ko nalang ang pag hatak sa akin ni Acee palayo sa lugar na 'yon habang ang mga mata ko ay nasa aircraft pa rin.

Nakita ko mismo kung paanong umangat lahat ng basura at mga dumi, mula sa lupa pataas sa aircraft na para bang na-ma-magnet ito.

Humarap ako kay Acee nang naramdaman na tumigil na siya sa pag hila sa akin. Nakita ko naman ang pagka-pikon sa mukha niya habang tinitignan ang relo siya.

"Hindi man lang nag announce, tch," bulong niya sa sarili at napakamot ng ulo.

"A-ano 'yun?" tanong ko.

"Their way of cleaning a certain part of the city," he answered. Literal na napa-nganga ako sa sinabi niya. Grabe, sobrang astig, nakakamtay! "Buti nakalayo tayo agad, kung hindi, patay tayo."

Wala sa sariling napa-iling nalang ako habang sinisikap na ipasok sa isipan ko lahat ng sinabi niya, maging ang mga nangyari kanina.

"A-ano pa b-ba'ng 'di ko alam sa m-mundong 'to? Sabihin mo na l-lahat, ayokong mamatay nalang d-dahil sa pagiging ignorante ko!" balisang saad ko. I kept bubbling about things, I couldn't even understand what I was talking about... I just let my mouth say whatever it wanted to say.

Natigilan nalang ako nang tumama ang mata ko sa mata ni Acee na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Napa-isip tuloy ako agad kung may nasabi ba akong mali.

"W-what?" naguguluhang tanong ko. Nasyado kasing makahulugan ang mga tingin niya na para bang may nasabi ako na hindi ka-aya-aya sa pandinig niya.

"Saang mental hospital ka tumakas?" tanong niya dahilan para nag usok ang tenga at ilong ko sa inis. Sobrang bastos talaga niya kausap.

Tinalikuran ko na lang siya at nag hanap nalang ng lugar kung saan puwedeng nag pahinga. Marami namang coffee shop dito. Baka sa pag lilibot ko ay mahanap ko rin si Chloe. Kainis na aso na 'yon. Journey ko sa 22nd century e ang hanapin lang siya?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

22nd Century Lover (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon