Bellé's POV
"Bellé,anak gumising ka na dyan at baka ma late ka pa sa klase niyo",dinig kong sabi ni nanay Lucy.
Kinapkap ko ang cp ko habang nakapikit pa ang dalawang mata ko at tuluyan ko ng minulat ang mga ito ng hawak ko na ang cp ko.
August 3,2020
6:30amMay isang oras pa naman pala akoOoo!!!
August 3???Limang buwan na din pala ng-
"Tulog ka pa ha iha?",napa upo ako sa gulat nandyan pa pala si nanay Lucy.
"Lalabas na po",sagot ko.
Pagkatapos kong mag tootbrush ay bumaba na ako upang kumain.
"Umuwi po ba si na mama kagabe?",tanong ko kay nanay Lucy.
"Umuwi sila kagabe iha pero umalis din sila ng papa mo kaninang madaling araw",sagot ni nanay Lucy habang nilalapag ang mga pagkain.
Si nanay Lucy ang tagapag alaga dito sa bahay namen mula ng maliit palang ako.Matanda na den siya pero malakas pa den ang kaniyang pangangatawan.
Madalas na naiiwan dito sa bahay ay siya at ang pitong taong gulang kong kapatid na si Ayen.Dalawa lang kameng magkapatid at pareho pang babae.Ako naman minsan ay gabi na kung umuwi.
*****
Makalipas ng ilang minuto ay nasa school na 'ko hindi naman kase ganon kalayo ang bahay namin sa skwela na pinapasukan ko.
Ng pagkapasok ko sa room ay madami na rin ang mga nandon.
Makalipas ng ilang minto ay nag twitter muna ako habang di pa nag sstart ang klase at wala pa den ang kaibigan ko.
"Hoy!Kanina ka pa ba??",tanong sa akin ng kaibigan ko na si Mosh.
Bago pa ako makasagot sa kaniya ay dumating na ang Advicer namen.
"Guerra,Chryz H."
"Present ma'am"
"Hellar,Amiska C."
"Present ma'am"
"Henlee,Moshiema I."
"Present ma'am"
"Ichyma,Ysabellé C."
"Present ma'am"
************
"Understood?"
"Yes ma'am"
Tska na ito lumabas
Yes ma'am daw pero di naman naintindihan ng halos at syempre isa na ako don hehe lutang na naman isip ko eh.Pagkatapos ng isa pang subject ay recess time na.
"Lokong-loko na utak ko jusko katapos ng English ay Science tapos naman Math diko alam kung sumpa ba 'to",Mosh.
"Oh meron ka na niyan assignment sa math?",ako
"Tange,meron ba!?"
"Kaya nga nagtatanong ako kung meron kana diba?hahahahaaha"
"Hala ka bat dimo sinabe sakenn???"
"Malay ko ba sayo hahahaha"
"Ang daya naman bat dimo sinabe buset tapos tatawa tawa ka pa"tumayo ito."Wait lang ha kunin ko lang yung nb ko tska ballpen dyan ka muna"