Kabanata 8
"Uulitin ko paba ang tanong ko Kezrah?" nakakaloko nyang tanong, marahas akong umiling sakanya
"Nagpaturo lang sya sakin ng lesson na di nya nagets" sabi ko habang sa baba nakatingin hindi talaga ako maka tingin nang diretso sakanya. Hindi padin ako makapaniwala sa ginawa niya first kiss ko yunnn!!
"Look at me Kezrah" hindi ako tumingin sakanya kasi feel ko parang kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula. Ginamit niya ang kamay niya para makasalubong kami ng tingin.
"Don't you ever dare to let any other guy kiss you understand?!" ma autoridad niyang sabi sakin habang naka smirk
"Mr. Brent lasing lang po kayo" tama kaya nya nagagawa ito kasi lasing lang siya wala na iba pang dahilan
"Drunk or not I will still kiss you like this" hinalikan nanaman nya ako ulit at parang hindi na ako makahinga sa ginagawa nya, bigla nalang lumipad ang kamay ko sa pisnge nya napatulala naman sya sa ginawa ko at parang hindi sya makapaniwala sa ginawa nya, I take the opportunity para tumakbo paakyat sa kwarto ko at nilock ko nadin ang pinto saka tumakbo na ako papunta sa kama at nagtalukbong ng kumot...Kezrah kumalma ka lasing lang yong tao asa kanaman kong hahalikan ka non, lasing lang sya lasing. Pero paano nya nalaman na kasama ko si Dil kanina nandon ba sya sa mall hindi ko naman sya nakita bat ko ba sya iniisip pake ko don, it was just a kiss pero first kiss ko yonnn!!! Huhuhuhu giatay na lalaking iyon makatulog nangalang.
Kanina pa ako papalit palit ng pwesto pero hindi padin ako makatulog tiningnan ko ang orasan 2:20am na, iinom nalang ako ng tubig sa baba pero paano kong nandon pa si Drake baka tulog na siguro yon nauuhaw na talaga ako pagkabukas ko ng pinto tsakto din ng pagkabukas ng pinto ng kwarto ni Drake nagkatitigan pa kami bigla nalang akong pumasok sa loob ng kwarto at nilock na ang pinto hindi nalang ako iinom ng tubig matutulog nalang ako bahala na. Nag iinit padin ang pisnge ko pagkakita ko sakanya mas lalo pang uminit ang pisnge ko kasi naka boxer lang sya emeged ang ganda ng katawan nya...........
Kinaumagahan feel ko sabog na sabog talaga ako kasi anong oras na ako nakatulog kaninang madaling araw, hindi parin kasi mawala sa alaala ko ang nangyari kaninang madaling araw. At nararamdaman ko parin ang init ng hininga ni Drake at ang amoy ng hininga niya na parang menthol na may halong alcohol kasi naka inom siya kagabi.
"Kezrah! Tulala ka gurl, kanina pakita kinakausap." Nakabili na pala si Florence ng lunch namin, hindi ko yata namalayan
"May sinasabi ka ba?" tanong ko sakaniya pero wala sakaniya ang attention ko nasa mga lalaking pumasok sa canteen.
"Wala naman akong sinasabi maliban sa bakit parang kulang ka ata sa tulog, kanina ko pa napapansi-
Natigil sa pagsasalita si Florence dahil merong naglapag ng tray sa gitna naming dalawa, at ang naglapag ng tray wala lang namang iba kundi si Drake.
"Excuse me Mr. Brent may kailangan po ba kayo?" ano ba kasing ginagawa niya dito sa table namin pinagtitinginan na kasi kami ng ibang estudyante.
"Bakit bawal na ba akong umupo sa isa sa mga upuan ko dito sa paaralan ko?" ma awtoridad niyang tanong sabay upo sa gitna namin ni Florence.
Hindi nagtagal dumating nadin ang mga kasama ni Drake at umupo sila sa table namin, naiilang tuloy ako maliban sa dikit na dikit sakin si Drake ihh mas naiilang ako sa tingin samin ng mga estudyante..
Binilisan ko nalang kumain para makaalis na kami kaagad, habang kumakain ako napapansin ko na panay ang dikit sakin ni Drake kaunti nalang ang natirang space ko dito malalaglag na talaga ko sa sobrang inis ko kahit hindi pa ako tapos kumain tumayo na ako at binitbit ang bag ko.
At dahil vacant namin ngayon nandito kami ni Florence sa library at nag babasa kami ng mga novel dahil wala naman kaming mga quiz or exam.
Habang nag babasa kami dito ni Florence naramdaman ko na biglang nag vibrate ang aking cellphone, una hindi ko pinansin pero sunod sunod na iyon dahil sa inis kinuha ko ang phone ko at si Drake pala ang tumatawag sakin.
"Hello sino to?" biro ko dahil hindi naman niya alam na sinave ko ang number niya
"Anong sino to, nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap samahan mo ako sa NBS punta ka sa parking lot now!" wow ha magpapasama na ngalang siya pa yong galit ha. Teka NBS daw!
"Oyy wait, may klase pa ako mamaya hindi ko pweding umabsent scholar ako" sabi ko sakabilang linya, I'm doing my best na hinaan ang boses ko para hindi ako marinig ng librarian.
"Walang klase mamaya may meeting yong mga teacher's tungkol sa foundation week na gaganapin next month, you better come here in 5 or else I will drag you there" sabi niya at binabaan ako ng telepono walang hiya talaga.
"Kezrah wala daw tayong pasok na, kasi may meeting daw lahat ng teacher so uwian na" sabi ni Florence, iba talaga si Drake palaging una sa balita ano panaman anak ng may ari ihh.
Magkasama kami ni Florence na pumunta sa parking lot at nakita ko agad si Drake na prenteng nakatayo sa hood ng kaniyang kotse at masama na ang tingin sakin
"What took you so long" sabi niya sakin na parang naiinis na wait take note hindi PARANG naiinis na talaga siya
"May dinaanan lang kami ni Florence" sabi ko sakaniya, at walang ka warning warning ay tinulak niya na agad ako papasok sa shutgun seat, giatay muntik na akong mabunggo don.
Umikot naman siya at sumakay na sa driver seat, hindi panga ako nakapag paalam kay Florence ihh...
"Put your seatbelt on"
"Huh?" tanong ko sakaniya, instead na sagutin ako ay bigla siyang lumapit sakin at isang dangkal nalang ang layo ng mukha niya sakin at amoy na amoy ko ang kaniyang hininga.
Pinagpawisan na ako akmang lalapit niya na sana ang mukha niya sakin ng biglang mag ring ang phone niya, salamat naman muntik. Naikabit na niya pala ang seatbelt ko.
---
A/NBoring update, ahmm so maybe next update ako babawi like bawing bawi talaga no like something like that hahahaha d ko gets...Basta see you sa next update guys!! And lablotsss!! Always wear your mask and God bless!!
BINABASA MO ANG
El Primer Amor
Ficção AdolescenteIsang Scholar si Kezrah sa Brent International University possibly ngaba magkagusto ang isang mayaman na lalaki sa isang mahirap na katulad ni Kezrah at kong OO ano kayang mga obstacles ang maari nilang haharapin sa storyang ito?