prologue

5.3K 194 58
                                    

P R E V I E W  O N L Y

---

Self-published
Cover © Charlene Arkaina

BOOK DETAILS
• Available in PDF Format
• 51,000+ words
• 23 chapters including extra scenes that haven’t been posted on Wattpad

Price: 139.00 Php
Payment Methods Available:
BPI | GCash | PayMaya | PayPal

Order form link in bio.

---

GEOFFREY sat at his desk, looking out the wall of windows in his office, as he enjoyed the first free minute he’d had today just to breathe.

May mga araw talaga na ganoon. Sunud-sunod ang meetings, walang humpay ang pagdating ng mga emails, reports, at mga kontratang kailangang basahin at lagdaan, at maya’t-maya ay may kailangan siyang asikasuhin.

He wasn’t going to complain. Trabaho niya ‘yun. It was his responsibility as the CEO of Arellano Group, and his privilege as his mother’s son and heir.

As his mother’s only biological son as he was the eldest of all of the sons of her heart.

Isa si Geoffrey sa mga unico hijos ng walanghiya niyang ama sa apat na magkaka-ibang babae. Si Geoffrey, ang panganay, ay anak nito sa legal nitong asawa na si Josephine. Ang ikalawa, si James, ay anak nito sa matalik na kaibigan ng asawa. Ang ikatlo, si David, ay anak nito sa una nitong naging nobya sa Pilipinas na nakabalikan nito habang kasal ito sa ina ni Geoff. At ang bunso nilang si Renner ay anak nito sa isang British debutante na nakilala nito sa London matapos makipaghiwalay kay Josephine.

Geoff’s mother loved everyone of Dale Eaton’s sons as much as she loved her own. And Geoffrey treated everyone of them as his brothers.

Sa katunayan, si James ang tumatayong COO ng Arellano Group, at si David ay isa sa mga VPs. Si Renner naman ay binigyan na ng kanyang ina ng shares sa kompanya kahit pa tumanggi ang binata dahil nahihiya ito. Kailan lang nila nalaman na kapatid nila ang lalaki. Gayunpaman buong puso agad itong tinanggap ni Josephine.

Hindi naman kasi maikakaila na kapatid nila si Renner. He looked exactly like all of them, from the sharp, dark blue eyes down to the aquiline nose that every one of them thought was a curse.

It made Geoffrey smirk.
Hindi na bale. Their father may be an asshole, but his sons were all good men. They were all raised by amazing women. 

Alas diez na ng gabi kaya nagpatay na siya ng computer at nag-isip kung ano ang ipapasalubong sa nanay niya. He had his own place but he’d decided to come back to live with his mother when they found out that her cancer had returned.

As much as possible, gusto sana ni Geoffrey umuwi nang maaga sa mansyon dahil kahit ilang beses niyang sabihin sa ina na huwag na siyang hintayin, darating siya ng bahay na nasa sala ang babae, nanonood ng TV o kaya ay nagbabasa dahil hindi raw ito makatulog na hindi pa siya dumarating.

It was both sweet and embarrassing as Geoffrey was already thirty-three years old.

Patayo na sana siya mula sa mesa nang mag-ring ang telepono niya. Dahil kanina pa niya pinauwi ang assistant, siya na ang sumagot sa tawag sa pag-aakalang nanay niya o kaya ay isa sa mga kapatid ang tumatawag. Ilan lang naman ang may alam ng numero ng direct line niya.

“Geoffrey!” saad ng tinig ng kanyang ama mula sa kabilang linya.

Bloody hell.

“What do you want?” Hindi niya sinasadyang suminghal pero ‘yun ang default mode niya kapag kausap ang ama.

An Heiress for GeoffreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon