one

2.3K 165 24
                                    

P R E V I E W  O N L Y

---

Self-published
Cover © Charlene Arkaina

BOOK DETAILS
• Available in PDF Format
• 51,000+ words
• 23 chapters including extra scenes that haven’t been posted on Wattpad

Price: 139.00 Php
Payment Methods Available:
BPI | GCash | PayMaya | PayPal

Order form link in bio.

---

“MR. EATON?” sabi ng tinig ng assistant ni Geoff na si Seth mula sa speaker. “Nandito na po si Mr. Aquino.”

“Let him in.”

“Yes, sir.”

Pinatay ni Geoff ang monitor niya at humarap sa pinto ng opisina niya nang bumukas iyon at pumasok si Gage Aquino, ang private investigator na in-assign ng security agency na tinawagan niya para mangalap ng impormasyon tungkol kay Ylsa.

Matangkad ang lalaki, matipuno ang pangangatawan at tuwid ang tindig na parang ex-military. As far as he knew, most of the employees in the agency were ex-military.

Tumayo siya at sinalubong si Gage.

“Good morning, Mr. Eaton,” bati nito nang makipagkamay ito sa kanya.

“Good morning. Please.” Sumenyas siya sa isa sa mga sofa para doon sila maupo. “How was your trip?”

“Productive,” sabi ng lalaki na binuhay ang dalang laptop.

Nanatiling tahimik si Geoff habang naghihintay. Nahirapan kasi siyang kumalap ng impormasyon tungkol kay Ylsa Victoria Everson. Bukod sa wala yata itong social network accounts, halos wala ring social media presence ang babae. Nabanggit lang na naging COO ito ng isang maliit na chain ng grocery stores sa Subic pero nang i-research niya ang mga tindahan, hindi naman na ito ang nakalistang may-ari.

He would have loved to go to Subic to look for her himself, pero bakit pa, kung puwede naman siyang magbayad ng iba para gawin iyon para sa kanya?

Muling pumasok si Seth ng opisina niya na may dalang tray ng kape. Tumango ito nang tahimik siyang magpasalamat pagkatapos ay muli na itong lumabas.

Iniharap sa kanya ni Gage ang laptop nito kung saan naroon ang larawan ng isang babae.

Hindi na nagtaka si Geoff kung bakit gan’un na lang ang kagustuhan ng tatay niya na “tulungan” ito.

She was pretty, with large, dark eyes, a small, straight nose, and a beautifully-shaped mouth that was currently stretched into a happy smile as she talked to the tall teenaged guy who was with her in the picture.

Naka-ponytail ang mahaba nitong buhok at wala itong suot na makeup. She wore a dark green shirt, a pair of cutoff shorts that showed tanned, toned legs, and slippers. Mukha itong nakapambahay lang at may dala pang ecobag na parang galing sa palengke.

She was beautiful. She radiated light and sweetness and innocence.

His bastard father had a weakness for innocence.

Hindi sinasadya na nagkuyom ng mga kamao niya si Geoffrey.

“This is Ylsa Victoria Everson,” simula ni Gage na inaabot sa kanya ang isang file folder. “She’s twenty-six years old, born and raised in Isla dela Lune in Zambales. Her father is Arthur Everson, a British national, and her mother is Felicidad Luna Everson, currently Norton. She married Miss Everson’s father to attain citizenship, and divorced him two years after Miss Everson was born. They’re both currently married to other people. Miss Everson has two half-siblings from her father, and one from her mother.”

An Heiress for GeoffreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon