two

2.2K 175 44
                                    

P R E V I E W  O N L Y

---

Self-published
Cover © Charlene Arkaina

BOOK DETAILS
• Available in PDF Format
• 51,000+ words
• 23 chapters including extra scenes that haven’t been posted on Wattpad

Price: 139.00 Php
Payment Methods Available:
BPI | GCash | PayMaya | PayPal

Order form link in bio.

---

HALOS manginig si Ylsa habang mag-isang naka-upo sa opisina ng loan officer na may hawak sa application niya. First time naman kasi niya ito at hindi niya sigurado ang proseso.

Isiniksik niya ang mga kamay niya sa ilalim ng mga hita niya dahil nanlalamig ang mga iyon. ‘Yung mga kamay niya, hindi ‘yung mga hita. Well, sige, ‘yung mga hita na rin. Malakas kasi ang aircon at maiksing palda pa ang suot niya.

At kinakabahan talaga siya.

Kahit ano kasi ang mangyari, ke ma-approve o hindi ang loan niya, magbabago ang buhay nilang lahat sa isla.

Huminga siya nang malalim at sinimulan ang breathing exercise na natutunan niya gawin sa tuwing aatakihin siya ng anxiety. Natutunan niya iyon noong mga sumunod na araw matapos mag-collapse ang pinakamamahal niyang lolo nang atakihin ito sa puso.

That horrible day na itinakbo nila ito sa ospital, the following horrible days until his triple bypass operation, kung hindi niya natutunang pakalmahin ang sarili, baka nauna pa siya rito.

Para mabayaran ang hospital bills ng lolo niya, kinailangang isangla nina Ylsa ang negosyo nilang maliit na chain ng grocery stores, but since it was in her grandmother’s name, sinamahan lang niya si Lola Nida na maglakad ng mga papeles noon. Ni hindi nga niya maalala ang mga nangyari.

Pumanaw ang lolo niya matapos ang tatlong buwan sa ospital. At isang buwan matapos niyon, sumunod na ang lola niyang sigurado niyang namatay dahil sa broken heart.

Para mabayaran ang pagkaka-utang, kinailangang tuluyan nang ibenta ni Ylsa ang negosyo nila. Ang nag-iisang natitirang naiwan sa kanya mula sa lolo at lola niya ay ang Isla dela Lune. It was all she had left of her grandparents, her childhood and her life.

Pero hindi niya kayang bayaran ang mga kailangang bayaran para hindi kunin ng bangko o ng gobyerno ang isla niya. In order to keep her island, she had to share it. And she will, but on her own terms.

Kung ang pagpapatayo ng resort lang ang choice niya para magkaroon ng extra income, ipapatayo niya ang resort na iyon na siya lang, walang tulong mula sa iba, walang investors, walang business partners.

Siya lang.

And the bank kasi kailangan niya ng kapital.

Bumuga ng hangin si Ylsa at inis na nilingon ang aircon sa kanto ng opisina. Mahahalata kaya ng loan officer niya kung hinaan niya ‘yun? Kasi halos makita na niya ang hininga niya kapag umiihip siya sa lamig!

Nagbilang siya hanggang sampu, ‘tapos ay tumayo para lumapit sa aircon.

Susko, nasa 18 degrees! Ano ba ‘tong loan officer niya? Polar bear?

Dahil hindi niya abot ang temperature regulator, tumiyad siya.

“You can use the remote control for that, you know.”

Mabilis siyang umikot para harapin si Prince Harry.

Actually, no, hindi si Prince Harry. Kapareho lang ng accent ni Prince Harry, pero my God, puwede itong prinsipe kung porn version ng fairytale ang pag-uusapan dahil hindi nababagay sa children’s books ang mukha at pangangatawan ng lalaking nakatingin sa kanya mula sa pintuan ng opisina.

An Heiress for GeoffreyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon