Yes, I Don't

30 0 0
                                    

Tumutunog ang cellphone niya.

"Love, bakit ayaw mong sagutin 'yang cellphone mo?" sabi ko. Kanina pa kasi tunog ng tunog.

Magkasama kami ngayon sa condo namin. Yes, namin, live in na kasi kami. Nandito kami sa living room at nakasalampak sa carpet habang nanunuod ng 500 Days of Summer. Nakahain ang isang buong manok, lasagna at wine sa center table. Nakapatay ang lahat ng ilaw at ang tanging liwanag lang namin ay 'yung galing sa nakasinding mga kandila sa paligid. May rose petals din. Romatic siya, oo, pero hindi na 'to bago sakin dahil ito na ang nakikita ko sa mga palabas at madalas na ring ganito ang set-up namin.

"Hindi naman importante 'yun. At isa pa, ayaw kong masira ang gabing ito, sweetheart ko. Gusto kong nasa'yo lang nakatuon ang atensyon ko." Ngumiti naman ako.

Napakaswerte ko talaga sa boyfriend kong si Luke. Kahit kailan hindi siya pumalya sa pagpapakilig sa akin. 10 years na kaming magkarelasyon at ngayon namin cinecelebrate ang ika-sampu naming anibersaryo. Mahal na mahal ko siya at alam kong mahal na mahal niya rin ako. Hindi naman kami tatagal ng sampung taon kung hindi, diba?

Nang tumunog muli ang cellphone niya, nakakunot na ang kilay niya. Natawa ako sa naiinis niyang mukha. Ang cute niya kasi kapag naiinis. Para siyang batang may kaaway at parang gusto niya sabihin sa tumatawag na, "Hindi tayo bati, hmpf!".

"Sagutin mo na, love." Kumindat ako na parang 'sige sagutin mo na ayos lang ako dito' ang dating kahit hindi naman talaga. Sa totoo lang, naiirita lang talaga ako kasi tunog ng tunog, hindi tuloy kami makaconcentrate sa pinapanood namin. Istorbo.

Bumuntong hininga siya at kinuha ang cellphone niya, "Excuse me darling." At hinalikan ako sa noo.

-

Natapos na yung palabas pero hindi pa rin bumabalik si Luke. Nasaan na kaya yun? Ganun ba ka-importante yun? Sabi niya ako lang ngayong gabi pero wala na naman  siya. Kung hindi ko na lang sinabi na sagutin niya, o edi sana nasa tabi ko pa rin siya hanggang ngayon.

Nang medyo tumagal pa, inantok na ako. I hate this night. Dahil sa isang phone call lang, nakipagdate ako sa sarili ko. Patayo na sana ako para matulog na ng may narinig akong tugtog ng gitara.

You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just cant compare you with anything in this world. You're all I need to be with forevermore...

Mas lalo akong napaluha nang lumuhod siya sa harap ko at binuksan ang maliit na box na kinuha niya mula sa bulsa niya.

Kinuha niya ang kamay ko gamit ang kanan niyang kamay, at ang kaliwa naman ay nakahawak sa box ng singsing habang nakaluhod siya.

"Simula nang makilala kita, ramdam ko na. Ikaw. Ikaw ang gusto ko makasama habang buhay. Una crush lang kita, hanggang sa naglakas loob akong pumorma sa'yo at nakuha ko sa pinakaunang pagkakataon ang matamis mong oo. Hindi ko alam na tatagal tayo ng ganito. Ang alam ko lang minahal kita mula noon, minamahal kita ngayon at mamahalin kita magpakailan pa man. Nais kong muling marinig ang matamis mong oo sa pangalawang pagkakataon, mahal ko. Will you be my forever?"

Alam niyo naman na siguro ang sagot. Eto na lang naman ang kulang sa amin. Kasal. Mahal na mahal ko siya at handa akong ibigay ang lahat sa kanya. Kasama na ang buhay at kaluluwa ko.

Nang marinig niya ang pangalawang matamis kong oo, muli niya akong niyakap at hinalikan.

"It is the second time that you said yes to my proposal. As my girlfriend, and now, as my wife. But it seems like the first time. I love you so much." At hinalikan niya ako.

Yes, I don'tTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon