"Ate Tess pwede ho bang paki tignan tignan si lola? may pupuntahan lang ho ako." Tumingin sakin si ate Tess at ngumiti.
"Pupuntahan mo nanaman ba ang lugar na 'yon Mayu?" Ngumiti ako at tumango. Napabuntong hininga na lamang siya at tinanguan ako. Nagpapahayag ng kanyang pagpayag.
Malaki ang ngiti ko habang naglalakad papunta sa open stage na katabi lamang ng basketball court. Ilang araw na din akong hindi nakakapunta sa lugar na ito. Na miss ko mga tugtugan dito, ang makita ang mga iba't ibang uri ng mga gitara at iba pang instrumento.
Kumuha ako ng maiinom sa isang vending machine at naupo sa isa sa mga bench na malapit sa harapan para makita kong mabuti ang mga member ng isang banda na mag pe-perform ngayon.
Nagulat ako nang biglang may umakbay sakin at inagaw ang iniinom ko. Malaki ang ngisi.
"Hey. Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya at ibinalik sakin ang inumin. Nangalahati na. Tumingin ako kay Warren, Bestfriend ko. Tumutugtog din siya at isa siyang bass player.
"Walang mag aalaga kay inang e. Busy si kuya sa practice malapit na kasi ang semi finals. Si Tita naman ay lumuwas ng Manila para bumili ng mga kakailanganing gamot ni lola." Tumingin ako sa stage nang narinig ko ang tunog ng drum sticks.
"So kelan ang balik ni tita?" Tanong niya.
"Bukas."
"Pag bumalik na si tita edi mapapadalas kana uli dito? Ang boring pag wala ka dito, walang nanonood sakin tch." Nag pout pa ang loko. Natawa ako.
"Monggoloid kaba? anong walang nanonood? tumingin ka nga sa paligid. Ang daming babaeng nakatingin sayo oh. Kulang nalang ay saksakin nila ako gamit ang kanilang mga mata dahil ako ang katabi mo." Napatingin ako kay Lizel na matalim ang tingin sakin. Kung di ako nag kakamali siya ang pinaka nakakatakot sa mga nagkakandarapa kay Warren dahil sa pagiging obsessed niya ay napagkakamalan na siyang stalker. O baka stalker talaga siya.
Bigla akong inakbayan ni Warren. Hindi ko alam kung bakit napatingin ako kay Lizel, nakita kong napitpit ng kanyang palad ang isang bottled water.
"Oy anong ginagawa mo? ang daming nakatingin oh baka kung ano ano isipin nila." pilit kong inalis ang kamay niya pero hindi siya nag patinag.
"Tch. Hayaan mo silang mag isip ng kung ano ano. Mas mabuti kung isipin nilang tayo para lubayan na nila ko." Sabi niya at tinaas taas ang dalawang kilay.
"Don't worry walang malisya okay? We're bestfriends for fucks sake." Tumingin siya sa stage at humalakhak. Napailing nalang ako at hinayaan siya. We've been friends since lumipat kami dito sa Nueva Ecija. I'm 10 years old back then, 11 naman siya.
Halos lahat ng instrument ay kaya niyang tugtugin. Siya ang nagturo sakin kung paano mag play ng piano. Magaling siya kumanta at tunay na napakaganda ng boses niya, marunong akong kumanta pero hindi ako sanay na may ibang nakikinig bukod sa kanya, sa kapatid, tita, at lola ko.
YOU ARE READING
Stairway to Heaven (ON GOING)
Teen FictionSometimes when I close my eyes, I wish that I can end the pain and just fell asleep. If pain and tears can build a stairway, Then I'm going to build a Stairway to Heaven and bring Him back again. ㅡ gwyzalora