NARRATOR’S POV
“Where are you?”
“nasa bahay. Bakit?” pagkarinig na pagkarinig ni Ross sa sagot na ‘yon ay bigla siyang nainis at nagmadaling pumunta sa bahay nina Emily. Habang naglalakad ay minumura niya sa isipan niya ang kanyang sarili dahil sa naghintay siya sa wala sa park na yun.
Pagkadating niya sa bahay ay nakita niya ito na nakaupo sa sofa na parang walang nangyari at walang nag-aalala sakanya dahil sa late niyang pag-uwi.
“Lili…” agarang tawag niya.
“Buti umuwi ka pa?” sagot niya na nakaupo pa din. Nainis na naman siya sa sinagot ni Emily.
“Bakit mo ako pinapunta sa park when in you’re not even there?”
“Nandoon ako. Sadyang tanga ka lang talaga para itanong kung sang park ang tinutukoy ko.”
“Sh*t” bulong niya sa sarili.
Hindi na nakayanan ni Ross ang sobrang pagkainis sa kinikilos ni Emily. Oo, alam niyang walang pakielam sa mundo si Emily pero hindi niya na kaya ang ginagawa niya. “Fvck! What the heck was that?! Sana palang hindi na ako pumunta dun sa park checking if you’re freaking there edi sana hindi na ako napagtripan ng mga gangsters na muntik ko pang ikamatay.”
Tumayo si Emily mula sa kinauupuan niya at humarap kay Ross na akala mo’y may bumabalot na maitim na aura sakanya, “How dare you, you fvcking bastard! I’ve never asked to go to that park in first place and now you’re blaming me dahil napagtripan ka ng mga gangsters?! It’s not even my fault you jerk! How dare you blame me those things. Fvck you a******!” bulyaw ni Emily na ngayon ay namumula na sa galit.
“Can’t you just thank me? Buti nga ako yung napagtripan at hindi ikaw.”
“And why would I do that?”
“Kasi I’m concerned about you.”
“Go get your bag and pack your concerns coz I don’t freaking need it.” Pagtataboy ni Emily sakanya atsaka pumasok sa kwarto niya.
“Okay fine!” sigaw ni Ross sabay labas ng bahay.
Naglakad siya ng naglakad hanggang sa hindi niya napansin na nasa park na naman pala siya at may kasalukuyang laban. Pumasok siya sa loob ng park at agad niyang nakita si Black Rose. Lalapitan na niya sana ito nang may dalawang maskuladong lalaki na humarang sakanya.
“Anong kailangan mo kay Black Rose?” tanong ng isa.
“Kaibigan ko si Black Rose.”
Tumawa ang dalwang lalaki, “Walang kaibigan si Black Rose lalung lalo na sa mga taga-labas kaya umalis ka na dito kung ayaw mong masaktan.” Sabi ng pangalawa.
“Ano ba?! Mga bobo ba kayo o you’re just blind?! Ako yung niligtas ni Black Rose kanina and kanina lang kami naging magkaibigan kaya papasukin niyo na ako!”
“Ang kulit mo! Sabi ng hindi pwede eh!” nagpumilit siyang pumasok pero ayaw talaga hanggang sa sumuko nalang siya at nagumpisa ng maglakad papalayo. Nagpasalamat naman ang dalawang lalaki dahil umalis na ang makulit pero hindi nila alam ay umakyat si Ross sa malaking puno na malapit lang sa kinauupuan ni Black Rose para makapasok sa court ng park kung saan nagaganap ang madugong labanan ng mga gangsters. Tumalon si Ross mula sa puno papasok sa court na ikinagulat ni Black Rose.
“Araaaaaaaaaaay~” hinaing niya.
“Okay ka lang?” tinulungan siyang tumayo ni Black Rose.
Tumayo siya hawak hawak ang pwet niyang masakit dahil sa pagtalon, “Okay lang. Hi ulit, Black Rose!”
“Okay ka lang talaga? Ba’t ka pumunta ulit dito?” tutulungan na sana ulit siya ni Black Rose pero tinanggihan niya ito.
“Naiinis kasi ako! Hindi naman talaga ako pupunta dito kung hindi niya sinabi na nasa park siya. Kainis! Buti nalang talaga nandyan ka Black Rose. Thank you.” Sabi niya habang dahan-dahang umuupo sa bench.
“Hahaha! Sinabi niya ba kung saang park? Baka naman sabi niya park lang?” nagulat si Ross sa sinabi niyang yon.
“Paano mo nalaman yun?” tanong niya na may pagtataka.
“Hinulaan ko lang? Baka kasi ganun yung nangyari. Sino ba yun? Girlfriend mo?”
“Parang ganun ata yung nangyari pero girlfriend? Not yet.” Napa-oh~ naman si Black Rose sa sagot ni Ross. Halatang mahal niya ang babaeng kinaiinisan niya ngayon.
“Not yet? Good luck to you, boy. You’ll get her soon. Tiwala lang.” Napangiti si Ross. Ang bait talaga ni Black Rose. Kung kaya mas nauna niyang nakilala si Black Rose, siya kaya ang magugustuhan niya at hindi si Emily o si Emily talaga ang nakatakda?
“You know what, swerte ang boyfriend mo sa’yo.” Tumawa nalang si Black Rose at sinabing wala siyang boyfriend. Nagtaka naman si Ross dahil ang ganda at ang bait ni Black Rose pero bakit wala pa siyang boyfriend. Ayon kay Black Rose ay ni minsan ay wala pa siyang naging boyfriend. Lalong nagtaka si Ross sa sinasabi niya dahil sobrang ganda talaga ni Black Rose na halos lahat ng lalaki mahuhumaling sa kagandahan at kabaitan niya. Perfect girl nga siya ika nga.
“Hey, don’t look at me like that. Nagmumukha akong kawawa. Lalaki lang yan.”
“Pero nakakapagtaka talaga. Kahit ako maiinlove sa’yo eh. Imposible naman ata yang sinasabi mo.”
“Wala nga talaga. Ang kulit mo naman. Alam mo ba kung bakit?” tumango nalang siya, “Kasi I’m a gangster. Alam mo naman ang mga tao ngayon at alam mo naman ang mundo namin, sa isang iglap pwede kang mamatay kaya ingat ingat dapat.”
“And so what kung gangster ka? Love comes with acceptance. Kung mahal ka talaga niya, dapat tanggapin niya kung sino ka hindi yung dahil sa ganda mo lang.”
“Ang galing mo naman magpagaan ng loob. Bilib na ako sa’yo.” Ti-nap nito ang balikat ni Ross, “Osya, ako na ang lalaban. Manunuod ka ba?”
“Oo naman! Idol ata kita. Good luck, Idol!” Mabilis niyang sagot at pinanuod na pumunta si Black Rose sa battlefield.
Nagumpisa ang laban at nandoon lang si Ross nakaupo habang pinapanuod kung paano makipaglaban si Black Rose. Hangang hanga siya sa galing niya sa pakikipaglaban na kahit babae siya, kaya niyang makipagsabayan sa mga lalake sa bakbakan. ‘She’s really something’ sabi nga ni Ross sa sarili.
“She may be cold and fierce outside pero pag nakilala mo na siya, she’s just an average girl who has a friendly attitude na willing makihalubilo sa’yo kahit na ano ka pa. She’s the girl every man wishes for. I feel the emptiness in her and I wish that she’ll find the person who can fill the emptiness in her heart. Good luck din sa’yo, Idol." -- Ross
***
A/N: ANNYEONG YEOREOBEUN~
AKO'Y NAGLULUKSA DAHIL AKO'Y NAWALAN NG 2 FAN PERO JOKE LANG YUN SYEMPRE. I KNOW KASALANAN KO KASI ONCE IN A BLUEMOON AKO MAG-UPDATE PERO OKAY LANG IF THAT'S YOUR CHOICE. SUSUPORTAHAN KO KAYO! BE HAPPY NALANG TAYO. SMILE. SMILE. SMILE. :)))
AKO'Y ISANG MASIPAG NA ESTUDYANTE DAHIL MULA KAHAPON AY HINDI PA AKO NAGREREVIEW KAHIT NA MAY EXAMS KAMI NGAYON. HAHAHAHA! GANYAN ANG GRADUATING NA KEMBOT KEMBOT LANG~ :D
BINABASA MO ANG
A Rose For Emily (REVISING)
Teen FictionJust read.. Writing descriptions and introductions are my weakness.. :))