Chapter One: Today my life begins

41 1 1
                                    

"Hoy Garnet! Gumising ka na! Unang klase late ka nanaman! Ano ba yan, kundi pa gigisingin di magigising. Puro kase facebook! Puro pakikipagwar sa clash of clans ang inaatupag eh." Ang maagang sermon ng mommy ko mula sa kusina. Habang ako ay chineck muna ang progress ng inaupgrade kong town hall.

"8 hours pa. Sakto mamayang uwian."
"Garnettttt!"
"Maliligo na pooooo. Magandang araw mama! Loveyou!" :* Sabay pasok sa cr para maligo.
"Ayan na baon mo sa ibabaw ng ref, kumain ka na at pumasok na." Habang ako hawak ang iPad at sabay post ng picture sa Instagram with the caption "First day of school. 😂😂😂"
"Alis na ko ma!" Sabay para ng tricycle papuntang school.

*first class*
"Good morning class! I'm Ms. Elyza. Your Physics instructor." Bati ni Ms. Elyza na good mood ang aura. Natatandaan ko taga SV Subd din s'ya. Sa bandang Australia.
"Since di ko pa kayo kilala kindly introduce yourself?"
"Sure mam!" Masiglang response ng mga classmates ko na halatang gustong gusto si Ms. Elyza. While me? (Introduce nanaman. Haaaaay) Pabulong kong sabi.
"I'm Shekinah Anne Vista, you can call me Shek." Nakangiting pakilala ng isang babaeng nakapalda, mahaba ang buhok at mukhang korning mag-joke. Mehehehehe. Charot. I think it's too early to judge her. She's pretty, anyways.

"I'm Kryzza Sevilla, Kyung Soo's fiance." Pabirong pakilala naman nitong babaeng patpatin na sa pananalita pa lamang ay KPop lover na. Hahaha. Well. Tama naman ako. Inlove na inlove sya sa Girls Generation at kay Kyung Soo her lovebabe.

"I'm Raneth Layos, the oh so only child of the family." Maarteng pakilala naman nitong meztisa at may highlight ang buhok na si Raneth daw. Infairness, maganda s'ya at mukhang famous. Kilala agad s'ya ng mga classmate ko. Siguro sikat sa facebook. Hmmm. We'll see.

"I'm Devine Llona." Mahiyaing sabi naman ng isang babaeng mukhang Math genius.
"I'm Roche Tolentino." Pakilala naman ng isang malaking lalaki. "I'm 16 years old." Dugtong naman ulit nya.

"Weeeeee?" Namamanghang tanong ng mga classmate kong di makapaniwala. Pati instructor namin nagtaka.

"Ows? 16?! Seryoso? Baka 21?" Pabirong sabi ni Ms. Elyza.

"Ma'am, totoo po. Dalhin ko pa sa inyo birth certificate ko."
"Ohwell. Okay, wag na. Baka ipa-recto mo pa yun." Pabiro ulit na saad ng palabiro din palang instructor namin.

"I'm Garnet. Garnet Cepeda." Matipid kong pakilala. Nakakahiya. Nakatingin sakin lahat. Well. Expected na yun pag gantong first day of class.

Nakapagpakilala na ang lahat. Ang iba, may mga group narin sa pakikipagkwentuhan. Habang ako, na nananahimik sa isang tabi ay nilapitan ni Shek. Yeah. Si Shek s'ya. Natandaan ko sya.

"Hi! :))) Masigla nyang bati sakin.
"Hello! Matipid kong reply sa kanya.
"You seem so quiet. You're Garnet right?"
"Yep."

Sya agad ang nakaclose ko. And consider as my friend. Madaldal sya. Madami agad kwento. Nagkapalagayan agad kami ng loob. Maya maya nakita namin sila Raneth. Dati na pala silang magkakakilala ni Divine at Kryzza. Pero may kasama sila. Jane daw name as I've heard Kryzza calling her "Ate Jane"

"Hiiiii!" Bati ni Kryzza samin.
"Hello!" Sabay na bati rin namin.

Nagkalapit agad ang mga loob namin sa isa't isa. At nagkasundong sabay sabay kumain ng lunch. Magkakatabi agad sa mga bawat class. Nagkakalayo lang pag seating arrangement. Masaya silang kausap. Lalo na si Kryzza kahit lageng waley yung mga jokes nya.

Natapos na ang lahat ng klase for that day. Masaya naman dahil sa mga bagong kakilala. Naguwian narin kami. Dumiretso agad ako sa bahay. Bigla ko kaseng naalala yung COC ko. Baka naraid na. Haha. Well.

"Manong tabi nalang po." Sabay abot ng bayad.
"Maaaaa! I'm homeee!"
"Aga naman 'nak. Tapos agad klase?"
"Wala pa po masyadong ginagawa. By next week pa siguro."
"Ah."

Agad kong binuksan ang COC ko. Oh shocks! Raided and -25 trophies. Haaayyy. Upgrade ulit. Chineck ko rin kong may bagong clan war. Wala pa naman. Out sa COC. Open naman ng facebook. Andaming friend request. Mga classmate ko 'to for sure.

Inadd din ako nila Shek at Raneth. At nagmessage agad sakin pagka-accept ko. Ang clingy nila pero nakakatuwa. Cheneck ko timeline ni Raneth. Famous nga. 1K likes per post. Ohwell. Deserved naman nya sa ganda nya.

Maya maya may biglang nagmessage. Matagal ko na syang friend dito sa facebook pero di ko sya kilala personally.

Sya: "Hi. 😊"
Me: "Hello."
Sya: "BSIT ka diba?"
Me: "Opo"
Sya: "Anong assignment sa English?"
Me: "Huh? English? Di pa po kami nagmemeeting sa English eh."
Sya: "Ay. Sorry. Section B ka ba?
Me: "A po ako."
Sya: "Ay sige pasensya na."
*end of conversation*

Nagkamali lang ata ng pagtatanungan si Kuya. Hehe. Pagkatapos magfb kumain na ko at nagsimula ng gumawa ng assignment. Puro research kaya sisiw lang. No need pa ng support ng utak ko. XD

Kinabukasan. Nagkita kita nanaman kami nitong mga clingy girlfriends ko. As usual walang katapusang kwentuhan nanaman. Ay naku.

"Guys, let's have some pizza. Treat ko." Sabi ni Shek na mukhang gutom na.
"Yown! Pizzaaaaaa! 😃 Sabay naman na sabi ni Kryzza at Raneth.
Umorder ng pepperoni at hawaiian si Shek. Obviously, gutom na nga. Hahaha.

"Sarap Shek. Saraaaap!" Si Kyzza na tuwang tuwa.
"Sana lage kang gutom." Pabiro ko namang sabi sa kanya. Sabay tawanan.
"Hay naku. Gutom lang talaga ako guys. At tsaka malaki pa ipon from vacation. Kaya may pang pizza pa."
"Sana lageng bakasyon para lage kang may ipon." Dagdag naman nitong si Divine na love na love ang pepperoni flavored pizza.
"Oy. Bilis! Magt'time na. Lagot namaman tayo. Math nanaman. Huhu."

"Ay naku Garn sobrang advance naman nyang relo mo. 10:15 palang. 11am pa tayo dun." Sabi naman ni Shek.
"Ay? Wala na palang battery yung relo ko." Nagtawanan lahat sila. Ay naku. Epic. Di nga pala ako nagsusuot ng may battery na relo. Kase gusto ko lang syang isuot as bracelet.

Natapos na ang Math. Tambay lang sa study area. Maya maya. Naalala ko yung conversation ko with that guy last night. Naikwento ko sa kanila. Para lang may topic kami. Sobrang tahimik eh. Puro busy sa mga cellphone nila.

Once Upon a PizzaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon