Una at Huli

36 2 4
                                    

Dear Hiraya,

Hindi ko alam kung mababasa mo pa ito. Sana mabasa mo pa, pero kung hindi ay okay lang din.

Sorry ngayon lang kita sinulatan at sorry ito na rin ang huli. Gusto ko lang malaman mo na naaawa ako sa iyo.

Sorry wala akong nagawa, sorry wala akong ginawa. Sorry talaga.

Siya nga pala, tanda mo pa ba noong bata pa tayo? 'Yung nakita natin si papa pauwi. Tumakbo tayo nun palapit diba kaso may nauna na siyang niyakap na ibang bata, kaso wala naman tayong kapatid. Hinawakan din niya sa kamay 'yung sumunod na babae kaya nauna na lang tayo umuwi.

Tinanong natin siya kinagabihan pagka-uwi niya. Ang sabi niya pasyente niya raw iyon sa ospital, tinulungan niya lang. Pero kinabukasan wala na siya. Hindi na siya bumalik.

Simula noon tuwing gabi naiyak si mama sa kwarto. Sabi natin sa kaniya babalik din si papa, kasi ganun naman lagi eh. Minsan 'di umuuwi si papa dahil sa sobrang pagka-busy sa ospital. Nung narinig ni mama lalo siyang umiyak.

Ilang araw na si mama hindi lumalabas sa kuwarto, 'yung mga juice lang na bawal daw inumin ng bata 'yung iniinom niya buong araw.

Birthday na natin bukas, pero naiyak pa rin si mama. Pupuntahan na ulit dapat natin siya nang tumawag si papa sa telepono. Sinubukan kong sumigaw para ipaalam kay mama pero ayaw niya ata lumabas. Binati tayo ni papa ng happy birthday kahit na bukas pa ang birthday natin kasi 12 na raw.

Excited naman tayong tumakbo sa kwarto nang maputol 'yung tawag. Ang saya-saya ko noon kasi sa wakas 6 na tayo tapos tumawag pa si papa. Kukunin ko na 'yung cake na promise ni mama dati baka nasa kwarto niya lang itinago, last year kasi nagulat ako nasa kuwarto na sila dala 'yung cake.

Kumatok tayo sa pinto ngunit walang nasagot. Idinikit din natin 'yung mga tenga natin sa pinto. Napangiti ako, hindi na umiiyak si mama. Siguro tumawag na sa kaniya si papa tapos pupunta na ulit kami ng SM tulad ng dati.

Pilit tayong tumitingkayad kasi nakasarado ang pinto at mas mataas ng onti sa atin 'yung doorknob. Nabuksan natin 'yung pinto kaso hindi natin mahanap si mama.

Hinanap pa natin kung saan-saan si mama habang tumatakbo dahil sa sobrang excitement. Nadulas pa nga tayo kasi may basa sa sahig tapos pagkatumba natin nakita ko si mama lumilipad.

Dahan-dahan akong tumayo. Pilit na inaabot si mama kaso hindi siya nababa. Hindi na rin siya nasagot... baka nakatulog na siya roon.

Inantok na tayo kakatalon noon kaya natulog na tayo.

Paggising natin ang daming tao tapos nasa baba na si mama nakataklob ng kumot habang natutulog. Nakita natin si tita Lourdes. Umiiyak siya habang niyayakap tayo. Sabi niya sa kanila raw muna tayo titira kasi umalis sila mama sumama kay papa.

Tinuro ko si mama kay tita sapagkat nakita ko siyang natutulog kaso lalong umiyak si tita.

Walang nagbigay sa atin ng cake nung birthday natin kaya umiyak ako tapos umalis din si mama at papa kahit sabi nila magpupunta kami ng SM.

Hiraya, tanda mo ba si tito Ramil? Nung seven na tayo, sabi niya bibigyan niya raw tayo ng regalo. Umalis kasi sila tita pati sila Jennie-pinsan natin. Bumili sila sa labas ng cake kaya ngayon na raw ibibigay ni tito Ramil 'yung regalo niya.

Unsaid Dissention: Hiraya Where stories live. Discover now