Mababaw lang ako

7 0 0
                                    

Madali lang akong patawanin kahit simpleng bagay magugustohan ko.

Mababaw lang ang kaligayahan ko mabilis akong masaktan mabilis din ako mag patawad.

Hindi ako nagtatanim ng galit pero mabilis ako mag tampo. Mabilis akong suyuin.

Mabilis ako ma-distract sa kahit anong bagay. Minsan kahit di ko dapat pakinggan, kapag naririnig ko pinapakinggan ko ng hindi ko sinasadya.

I'm a Sensitive person lalo na sa mga taong mahal ko.
Hindi ko magawang tignan sila kapag nakikita kong umiiyak sila.
At pinipilit kong maging matatag kapag alam kong nahihirapan na sila.

Pinapakita ko sa kanila na hindi ako na hihirapan para di na sila mag isip.

Hindi ako maganda tulad ng isang babaeng nakikita mo sa T.V  hindi ako tulad ng babaeng nababasa mo sa comis or Wattpad.

Hindi ako yong babaeng makikita mo lagi sa kalsada pero pag lumabas ako lahat ng tao sakin nakatingin. Minsan pa sinusundan nila ako ng tingin kahit nasa malayo na ako.

Matagal ako mag decide kasi gusto ko sigurado ako sa magiging disisyon ko. Dahil takot ako magka mali.

Marami akong insecurities sa katawan. Kaya di ko mapigilang ikompara ang sarili ko sa iba.

Insecure ako sa mga taong mababa ang tingin sakin. Selosa ako lalo na kapag nararamdaman kong may nagbabago na.

Pag inis na inis na ko, hindi ako nag sasalita namumula nalang ako bigla at iiyak ng patago.
Lalo na pag nagagalit at nasasaktan hindi ako umiimik at isa to sa ayaw ko sa ugali ko. Kasi hindi ko kayang lumaban or ipaglaban ang sarili ko lalo na sa mga taong mahal ko.

Masaya ako pag nasasabi ko lahat ng gusto ko. Mas masaya ako pag nakakarinig ako ng magagandang comment patungkol sa akin at sang ayon sila sa kong ano ang gusto ko.

Nag pe-pretend ako kapag hindi ko kilala ang kausap ko. Pero pag nararamdaman kong ayaw sakin ng isang tao, kusa na akong lumalayo, pero depende narin sa tao kung sino ang lalayuan ko.

Pag nag kakasakit ako gustong gusto ko si papa ang nagaalaga sakin kasi lahat ng gusto ko gagawin nya.

Hindi ako matalino na laging nag rerecite, hindi ako yong laging palasalita sa harap at mahilig mag report. Isa yon sa kinatatakutan ko

Ang mag explain sa harap, kinakabisado ko ang report ko pag kailangan talaga mag report. Doon mas confident ako.
Na memental block kasi ako pag kinakabahan.

Kapag kinakabahan ako sumasakit tiyan ko, nasusuka, nilalalamig at sinisinok.

Gusto ko maramdaman na proud sila sakin, naa-appreciate ko lahat ng mga bagay maliit man yan o malaki Dahil Mababaw lang ako.
Ako yong taong laging nililibre. kung sa barkada ako lagi ang walang pera, masaya ako sa material na bagay lalo pag may effort.

Maarte akong tao, hindi ako nakakalabas ang walang kasama dahil ligawin ako, di ako palatandain sa lugar.

Hindi ako magaling mag drawing, hirap akong sumayaw at kahit anong sport wala akong hilig, Pero kapag na umpisahan ko na tinutuloy ko kahit mahirapan ako basta makuha ko yong tama at makabisado ko.

Mahilig ako kumanta pero hindi ako magaling, Kapag Stress ako from school or Minsan may problema, Music ang pang Relax ko para kumalma.

Mahilig ako sa Beauty Products, Make ups mga Whitening soap at Skin Care.

Gusto ng Maraming kaibigan pero kunti lang ang kaibigan ko atleast totoo naman. Nang iiwan ako ng kaibigan kapag alam kong Hindi nya ako tinuring na kaibigan.

Hilig kong mang gaya ng Idol at kahit ibang tao ginagagaya basta magustohan ko.

Gusto ko mag patawa ng ibang tao pero Kadalasan talaga ako ang laging Tumatawa.

Masaya ako pag may napapasaya akong tao.
Nasasaktan ako pag Hindi ko masuklian ang pagmamahal na inaalok nila para sakin.

Hindi ko magawang ma-appreciate ang sarili, lalo na pag lagi akong nag kakamali, pag may napupuna sakin. Lagi kong dina-down ang sarili lagi kong kinukompara ang sarili ko sa iba. Then itatanong ko sa sarili ko Bakit heto lang ang kaya ko?.

Lagi akong nahuhuli sa Lesson, slow kong baga, lagi kasi akong kinakabahan pag may iba akong kinakausap lalo na pag nag tatanong sakin. Natatakot ako na magkamali.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko kaya, baka hindi ko kayanin, baka magkamali ako, baka may magawa akong mali. Natatakot kasi akong masisi, Natatakot akong yon nalang ang laging makita sakin.

Masungit ako lalo na pag Hindi ko trip mag salita, tipid ako mag salita pag galit ako at Nagtatampo. Hindi na ako kumikibo pag nag seselos ako, Hindi ako na mamansin pag nasasaktan na ko.

Umiiyak ako tuwing gabi, dun ko inaalala lahat ng nangyari sa sa buong mag hapon, babalikan ko lahat. Uumpisahan ko sa masaya hanggang sa masakit na alaala.

Minsan sa sobrang pag iisip ko kung saan saan na na pupunta ang imahinasyon ko. Nakakagawa ako ng kwento sa isip ko na ako ang main character.

Kapag may kausap ako at Hindi ako interesado, nagkukunwari akong nakikinig, tatawa nalang ako pag nakita ko din syang tumawa.

Showy ako sa kaibigan, malambing, clingy. Pero hindi sa pamilya.

Hindi ako magaling sa English, lalo na sa Math.
Hindi ako matalino pero nakakasabay ako sa mga matatalino.

Big deal sakin ang grado ko simula nong nag Senior at College ako. Kasi dun ako nag simulang mamulat sa katotohanan na maraming mapanghusga sa mundo. Na kapag mababa ang grades mo bobo ka.

Pero ang mas na realize ko hindi ako magiging masaya kapag lagi lang akong nakatingin sa grado ko, hindi ako magiging masaya kapag na pe-preassure ako kapag may mababa akong grades.

Kong noon 74 ang pinaka mababa ko ngayon  85 na na dating pinakamataas ko.

Mga masasayang alaala lang ang mga natatandaan ko pero mas detalyado pag nasasaktan ako. Hindi ako aprochable, mas gusto ko na ako ang unang kakausapin.

Nakikipag debate ako pag masaya ako, lumalaban ako pag masaya ako. Nakikipag talo pag may kakampi ako.

Ilang beses din akong pinakilig ng mga lalaki, hanggang doon lang.

Dalawang beses akong pinagpalit sa iba.
Tatlong beses akong na fall sa maling tao.

At age of 20 marami pa akong gustong malaman na hindi ko pa nalalaman.

To be Continue...

Ganto ka rin ba? Where stories live. Discover now