KATELYNNE POV
Kakagising ko lang at sobrang sakit ng ulo ko parang mabibiyak na kumakalam din ang sikmura ko shet! Nalalasahan ko pa ngayon sa lalamonan ko ang mga ininom namin kagabi.
"Kate! Ano? Di ka ba gigising diyan?!" Sigaw ng kuya kong si Kian.
"Eto na!" Bumangon na ako dahan dahang naglakad dahil nahihilo din ako tangina to oh! Yan kate magpakalasing ka pa!
Dinahan dahan ko ang pagbaba sa hagdan namin dahil baka mahulog ako pagtawanan pa ako ng mokong kong kuya.
"Halaaa! Ate nandito ka na pala?!" Sigaw ng kapatid ko! Dahil sa gulat ko bigla akong natumba at gumulong sa hagdan! Shet ang sakit!
Halos maiyak na ako sa sakit ng likod ko. Humanda ka sakin keanah! Agad agad akong dinaluhan ni mama at tinulungan makabangon.
"Jusko po! Napano ka katelynne?!" Malakas na boses na tanong ni mama. Amputek kita na ngang nahulog nagtatanong pa.
"Hindi ba obvious ma? Edi nahulog sa hagdan!" Mataray na sagot ko sa kaniya agad namang tumaas ang kilay niya at kinutongan ako.
"Ikaw talaga! Yang bibig mo nako!" Umirap lang ako at hindi na sumagot baka makutongan na naman ang sakit kaya hmp!
Nakatungo lang sa gilid si keanah at natatakot ng mabungangaan ko humanda ka talaga saking bruha ka tangina mo! Lintek lang ang walang ganti
"Haplos haplosin mo yang likod ng ate mo keanah, nagluluto pa ako" utos ni mama nag aalangan pa siyang sumunod.
"A-ate sorry ah... di ko naman kasalanan eh di kaya kita tinulak" sabi niya habang hinahaplos yung likod ko. Kinurot ko ng malakas ang binti niya haha.
"A-araaaay!!" Sigaw niya. Yan bagay yan sayo haha . Tinawanan ko siyang ng malakas, sobrang pula ng binti niya nagmarka pa yung kuko kong mataas.
"Ayan nagdadahilan ka pa kase, alam mo naman kapag matagal akong nakakauwi ganito nangyayari. Taena mo ha!" Umalis na ako sa tabi nya at dali daling pumunta sa lababo para sumuka.
"Buntis ka ba kate?" Tanong ni kuya dito sa tani ko na nag-iislice ng karne. Nagsuka lang buntis na?! Di ba pwedeng sa hang over lang?
"Bobo mo naman! Alam mong lasing ang ako kagabi.. edi shempre sa hang over" mataray na sagot ko habang pinupunasan ang bibig ko ng tubig. Nakakabobo talaga sa bahay na to hays!
Mabuti nalang at nahimasmasan na ako ngayon dahil sa pinainom ni mama sakin, ewan ko kung ano ba yon basta mawala lang tong hang over ko.
Kumakain na kami ngayon ng umagahan at pinag-uusapan ni mama at kuya na dapat mag part time job nalang muna si kuya para pangdag dag dito sa gastosin namin sa bahay.
"Maghahanap ako mamaya ma" sabi ni kuya habang kumakain. Parang gusto ko ding magtrabaho ah pero di ko muna yon sasabihin kay mama baka umasa haha paiba iba pa naman tong isip ko.
Nandito ako sa maliit kong kwarto nakahiga dahil medyo masakit pa din tong likod ko sa pagkakahulog kanina lintek talaga! Bigla namang nagring ang cellphone ko kaya agad ko yong kinuha.
LindzeyMaRupok ringing...
"Ano? Manghihingi ka na naman ng advice tapos sa susunod na araw nagkabalikan na pala kayo ni Carlo. Mga gago din kayo e no?!" Bungad ko sa kaniya. Bestfriend ko itong si Lindzey noong unang panahon pa chos haha. Lagi nalang kasing pag uusapan namin pag tumatawag sya ay ang problema niya kay Carlo kesyo daw hihiwalayan na niya pero taena sa susunod na araw konting suyo lang ayos na.
YOU ARE READING
Tamed by A playboy
Teen FictionKatelynne Amore Hernandez is a tough kind of girl she has a bad habbits and behavior but she has a golden heart. Naniniwala siya na walang makakapaamo sa kaniya but then one day she met Zandrech Elias Fuentavilla isang sikat na playboy sa school nil...