5.TBAPB(Mall)

1 0 0
                                    

KATELYNNE POV

Naglalakad kami ni Ford ngayon papuntang mall dahil nagpapasama siya sakin, may bibilhin daw siya. Sumama naman ako dahil day off ko ngayon at nakuha ko na ang sweldo ko. Isang buwan na din pala akong magtatrabaho doon.

Binigyan ko na din si mama sa sweldong natanggap ko at nagtira ng konti para panggastos ko at nagsimula ng konti pang ipon.

"Ano kate? Ayos ba to?" Pinakita ni Ford sakin ang isang kwentas na ang pendant heart na gold.

"Ayos yan ah? Sino nga ba bibigyan mo niyan?" Takang tanong ko.

"Basta. Malalaman mo din sa susunod" sagot niya at tumango tango nalang ako.

Binayadan na niya yun at umalis na kami don sa shop at nandito kami sa isang fast food chain para magsnack.

Habang kumakain kami ng burger may biglang umingay don banda sa entrance at bigla ding nagkumpolan ang mga tao.

"Ano meron don?" Tanong ko. May nagsisigawan na din kasi at nagsusuntokan.

"Tignan natin" dahil tsismosa nga kami pinuntahan namin ni ford.

Siniksik ko ang sarili ko sa mga nagkumpolang mga tao para makapunta sa pinakaharap at kitang kita ko na duguan ang bibig ni Zandrech, hinahawakan niya ito na nakatungo. Susuntokin na naman siya nung lalake kaya agad kong hinawakan ng napakahigpit ang kamay niya.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako" nagpupumiglas niyang sabi. Tinignana ko yung babaeng nasa gilid ni zandrech na umiiyak.

Nakatingin din si zandrech samin ngayon pati yung babae.

"Subukan mo uling suntokin 'yan" tingin ko kay zandrech " ako makakaharap mo" agad naman siyang natawa sa sinabi ko. Aba! Akala siguro nito nagjojoke ako! Di niya lang alam na marunong din to ng martial arts.

Tinignan niya ako ng mabuti, taas baba. Tingin na nanunuri. "Tapang mo ah? E kung ikaw kaya suntokin ko ano?" He said while laughing but i can still see anger on his eyes.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, kaya, umayos ka" I said in a calm voice.

"Katelynne!!" Tawag ni ford sakin. Ngayon lang siya nakasuot sa kumpolan ng tao. Binalewala ko lang siya at tinitignan pa din itong lalakeng susuntok kay zandrech.

"Hindi ako natatakot sayo! Bitawan moko! Kung matapang ka nga, subokan natin" panghahamon niya. Binitawan ko agad siya. Akala niya siguro di ko siya papatulan kahit nandito kami at maraming taong nakatingin.

"Katelynne! Tumigil ka nga!" Hinawakan ako ni ford pero inalis ko ang kamay ko. Tinignan ko si zandrech  at nakatingin din siya sakin.

Aamba na sana yung lalake pero nagsidatingan ang mga security guards at ang ibang staffs. Agad nila kaming nilapitan.

"Ano bang nangyayari dito?" Tanong ng head yata ng security guards.

"Eto kasing gungong nato, sinuntok yung kaibigan ko. Yan oh" turo ko kay zandrech na pulang pula pa din ang pisnge.

"Umalis na ho kayo dito kasi nakakagulo lang kayo" sabi ng isang staff dito. "Kuya ilabas nyo sila" utos niya doon sa guards.

"Ops! Huwag mokong mahawak hawakan. Wala akong ginawa no! Kaya ko ding lumabas mag isa."Sabi ko sa guards na hahawakan na sana ako.

Lumapit kaagad si ford sakin " kate naman! Bat ka ba nakikisali sa gulo ng iba?!" Galit niyang tanong. Hindi ko lang siya pinansin at nilapitan ko si zandrech at hinawakan ang palapulsohan niya at sinama palabas ng mall, hindi na siya nagreklamo pati din yung babaeng kasama niya.

"Okay ka lang ba? Masakit ba?" Tanong ko sakanya ng makalabas na kami. Nakabuntot lang samin si Ford.

"Uhh.. it hurts a bit. But I can manage" sagot niya. Klarong klaro sa mukha nya sobrang lakas ng pagkakasapak kaya sobrang sakit talaga non, nagsinungaling pa to! Nasuntok na din ako noon kaya alam ko kung gano kasakit.

"Anong it hurts a bit ka diyan? Woy klarong klaro sa mukha mo na sobrang sakit"ani ko.

"Yeah okay it hurts so bad. Can you please treat it?" He asked unconciously.

"Sige, sa bahay tayo. Hindi naman bukas yung tea house. Tsaka may kotse ka bang dala?"

"Unfortunately I didn't bring my car." Sagot niya

"Pa date date ka pa tapos wala kang dalang kotse"

"She just picked me up in my house okay? That's how handsome I am that girls would just pick me up in our house" mayabang niyang sabi. Loko talaga to! E kung sapakin ko kaya to? Haha huwag na baka mahimatay na to.

"Hey nakapara na ako ng taxi" sabi ni ford. Hindi ko man lang namalayan na umalis pala siya dito.

Pumasok agad kami sa taxi at naupo kaming dalawa ni zandrech sa likod at si ford naman sa harap.

Sinabi ni ford kung saan yung samin at agad di naman kaming nakarating dahil mabilis ang padri-drive ni manong.

"Salamat ho" sabi ko sa taxi driver. Nakasanayan ko na nalagi magpasalamat sa mga drivers tuwing bumababa ako dahil safe nila akong nadadala sa mga pinupuntahan ko. Tumango lang si manong. Si zandrech na din pala yung nagbayad ng pamasahe namin.

"Una nako kate, usap nalang tayo mamaya" ani ni ford na nasa loob ng taxi, doon pa kase sa unahan yung sakanila. Sali na din siya sa binayarang pamasahe ni zandrech.

"Sige, ingat ka." Yun lang at umalis na sila.

Pumasok na kami ni zandrech sa bahay at sumalubong samin si keanah na gulat na gulat. Ngayon lang kasi ako nagdala ng lalake maliban kay ford.

"Sino yan ate? Boyfriend mo ba yan?" Mama!! Kuya!!" Taena talaga tong batang to! Kinurot ko kagad siya.

"Hindi ah! Boss ko to. Gaga!"

Pinaupo ko si zandrech sa sofa at kinuha ang first aid kit namin at yelo.

"Wait! Wait! Dahan dahan lang. " aniya, habang hinahawakan ang palapulsohan ko.

"Ang duwag mo naman" tawang sabi ko. Kumunot din ang noo niya..

"Ofcourse not! Masakit lang talaga. E kung ikaw kaya masuntok tas pag ginamot ko lakasan ko pagkadiin" hindi ko nalang siya pinansin at tinapos na ang pag gamot..

Dito na siya pinaghaponan ni mama. Sabay sabay kaming kumain at pagkatapos non tinawagan ko siya ng taxi at pinauwi na.

"Thanks katelynne" sabi niya bago pumasok sa taxi.

"Walang problema" sagot ko at tumango. Tinapik ko din ang taas ng taxi at umalis na sila..

PikachuFord calling...

Pikachu dahil sobrang hilig niya kay pikachu haha. Halos nasa kwarto niya makakakita ka ng pikachu..

"Hmm?" Bungad ko..

"Umalis na ba si zandrech?" Tanong niya at sobrang cold ng boses niya ngayon hindi tulad ng dati na halatang masaya..

"Ahh oo.. ang cold mo naman ata" takang tanong ko..

"Bakit mo ba siya pinagtanggol kanina? Akala ko ba nayayabangan ka don? Di ko alam na close na pala kayo?" Sunod sunod niyang tanong..

"Hindi naman sa close na kami pero syempre boss ko din yun... pamapa impress lang woy... para lakihan yung sweldo ko haha" paliwanag ko.. eto na naman ang seloso kong bestfriend na may gusto sakin..

"Di nga?" Aba! Nagdududa pa haha.

"Oo nga.. wag ka na magselos ha?" Tawang sabi ko..

"Hoy! Hindi ako nagseselos ano! Gusto ko lang malaman kase sabi mo nabibwesit ka dun dahil mayabang" palusot pa more pikachu!! Alam na alam na kita haha...

"Ah talaga ba? Haha.. sge na matutulog na ako maaga pa ako bukas.. pakyoo pikachuu!! Sweet dreams.."

"Pakyo din amore... sabay tayo bukas umalis. Puntahan na kita diyan sainyo.. hindi ko nga pala nasabi sayo kanina na nagpapart time din ako"

"O sya sige.. babush!!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tamed by A playboyWhere stories live. Discover now