Prologue

29 3 0
                                    

"Hoy ang iingay niyo ha" sabi ko sa mga pinsan kong sigaw ng sigaw bat ba kase sila sumisigaw?

"Kakasal na si gasul!!" sabi ni Andrene na tinutukoy ang pinsan kong maganda pero maliit na pinaglihi ata sa gasul at pati pangalan niyang Solane ay dun nakuha.

"Ano naman kung ikakasal- omg ikakasal ka na!!!!" Tili ko. Kaya naman pala ang iingay nila pano ba naman e sinubaybayan talaga ng lahat ang lovestory nila ng jowa niyang pogi pero masungit

"Pano ba yan Hiraya Estrelle ikaw nalang ang hindi kinakasal sa ating magpipinsan kala ko pa naman mauuna ka magpakasal kay Sol eh mas nerd yan sayo dati kahit nung college na tayo" sabat ni Riana

"Tanga pano magpapakasal e wala nga yang jowa" sagot ni Acey na nagpatawa sa mga bruhang pinsan ko

"Syempre iniintay pa nya ung ex nyang siya rin naman ang nang iwan kung hindi ba naman yan boba" gatong pa ni Reina na kamba ni Riana

"Tigilan niyo ko hah" asik ko sa kanila at nagpasalamat na tinigilan na talaga nila ko at nagtuloy ang kwentuhan nila sa ibang bagay

Buti nalang talaga at wala lahat ang mga pinsan naming lalaki dahil may trabaho lahat sila ngayong araw. Sa amin kasing magpipinsan silang mga lalaki ang sobrang mapangasar pero pinaka seryso naman sa trabaho.

"Alis na ko at may aaralin pa akong mga cases" istorbo ko sa chismisan ng mga babaeng pinsan ko sabay dampot sa susi ng BWM ko

Pagdating ko sa condo ko naisipan ko ng basahin ang case ng kliyente ng besfriend ko. Corporate Lawyer ako ng kompanya namin pero naghahandle din naman ako ng ganitong cases dahil naging Criminal Lawyer muna ako bago lumipat sa kompanya namin kaya nakasanayan ko ng tulungan sa cases niya si Levi.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang galing sa username na @Evctsechvz ang message

/nabasa mo na ba ung bagong case na sinend ko sayo Elle??/

/Yes po Lawrence Evictus, tapos na/

ayaw niya kasing tinatawag siya sa buong pangalan niya

/Punta ko sa condo mo Hiraya Estrelle ah mamayang hapon/

Pumayag na ko sa gusto ni Levi na tumambay dito at aralin ang case na napunta sa kanya at maya maya lang ay kumatok na sya sa pinto ng condo ko. Pagbukas ko non ay dirediretso syang pumasok at umupo sa couch ko.

"Hello naman sayo Levi ano"

"Ay nandyan ka pala bat ka bumisita sa condo ko?" Sagot niya sakin

"Eh kung sipain kita ngayon"

"Joke lang e, nga pala bumalik na si ex mo dito sa Pinas" natigilan ako sa pagbanggit niya ng lalaking yon "ang ingay nga ng pangalan niyan ngayon dito e pano ba naman sikat na sikat na engineer in demand amp"

"Levi lika rito" sumunod naman sya sakin at pumunta "hanapin mo nga"

"ung ano" sagot niya

"hanapin mo nga ung pake ko" tawa ako ng tawa nang mabusangot na ang mukha nya

"Pero seryoso ko Hiraya" tumigil na 'ko sa kakatawa dahil tinawag niya ko sa pangalan na yun, ibig sabihin seryoso talaga siya

"Anong gagawin mo pag nagkita kayo ulit" tuloy niya

"Wala." simple kong sagot sa kanya

"Wala?? Anong wala??" He replied

"Wala, nothing, I will do nothing" I paused "also its kind of impossible naman na magkita pa kami since malayo naman ang path ng career namin sa isa't isa" dagdag ko pa

"May reunion tayo diba?" Tanong niya napaisip naman ako

"Holy cow!!!! Meron nga pala pero hindi naman yun umaattend ng ganon"

I sat on the couch as I watch him think about what I said

"Pero elle ang tagal niyang nawala, feeling ko aattend yon maghanda ka nalang"

It's been a week already mula ng sabihin saken ni Levi yun. Nasa starbucks ako ngayon nagmamadali dahil malelate na ko sa meeting ko kasama ang architech sa kumpanya namin si Shawntel na tropa ko since highschool.

Tinetext ko si Shawn na malelate na- "ay palaka! Ay sorry po" sabi ko sa nabangga kong lalaki na mukhang pogi at mabango kaso di ko na natignan mabuti ung mukha dahil sa pagmamadali ko.

Mabilis lang na natapos ang meeting namin ni Shawntel at kaagad naman niya kong kinausap

"Oy teh may nakausap na kong engineer para sa bahay na pinapatayo mo dito sa qc" bungad nya sakin "actually pinapunta ko nga sa isang resto malapit dito sabi ko meeting tayo, nako ampogi nun as in matutuwa ka pag nakita mo sya" tuloy nya

"talaga? Sakto dahil kailangan na talagang masimulan ng bahay ko na yan" I replied to her as I sip my coffee

"Andami mo ng bahay ha meron ka pa sa tagaytay tapos sa Cebu, Hiraya Estrelle anong plano mo ba dyan" saad nya na ikinatawa ko

"Rest house ung sa Tagaytay tapos ung sa Cebu naman family property un so etong bahay na 'to lang ang akin" tinaasan naman niya ko ng kilay at sinabing maghanda na ko para sa meeting namin.

Mgkahiwalay kaming byumahe ni Shawntel papuntang restaurant na sinasabi niya. Pagkadating ko dun ay nakita ko na agad siya na mukhang nagpapacute pa sa engineer na yon, kaagad naman nila akong napansin at pinakilala na 'ko ni Shawntel

"Engineer eto nga pala si Atty. Hiraya Estrelle, siya ung may ari ng bahay ung sinasabi ko sayo"

Natigilan ako nang pamilyar na mga mata ang nakita ko ng humarap siya sa akin. Walang nagbago sa itsura niya, mayron pa din syang mata na napakadaming sinasabi, perpektong ilong at labi na napakasarap halikan, ang kinaibahan lang ay nakasuot siya ngayon ng salamin para sa mata niya. His shoulders are broader compared to the last time I saw him at mas lalong gumanda ang katawan niyang mas lalong nadepina dahil sa suot niyang fitted black long sleeves na bukas ang huling tatlong butones.

Nandito siya sa harapan ko ang tanging lalaking inibig ko.

"Staring is rude, attorney" he smirked when he noticed na tinititigan ko siya "Nice to meet you Attorney Hiraya" tuloy niya na naghihintay ng sagot ko

Pilit kong pinatapang ang sarili ko at sinagot siya

"h-hi nice to meet you too Engineer Jacob Hale"

===========================================================

hi guys!!! It's my first time to write here in Wattpad so please be patient with me :))
This story contains many errors and mistakes :))

Wounds Of  The Shattered Hearts {on hold}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon