Chapter 3

85 16 2
                                    

Paikot ikot na lang ba...



Ilang araw pa ba ang kaniyang titiisin sa pag hihirap na ito?



Para siyang tino-torture.



Ang sakit na siya lang makakaramdam,



Mga boses na siya lang makakarinig.



Ang bagyo sa loob ng kanyang utak.



Walang emosyong hawak ni Ciara ang matalim na blade, naisipan niyang hiwain ang kanyang palapulsuhan, gusto niya makita ang sariling dugo... gusto niya makaramdan ng sakit.



Wala ni isang luha ang lumabas sakanyang mga mata. Isang hiwa ang binigay niya sa kanyang palapulsuhan dahilan para sumirit ang dugo.



Hindi niya maramdaman ang hapdi at sakit.



Isang hiwa ulit sakanyang pala pulsuhan. Tumulo ang dugo sa sink ng c.r, walang emosyon niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin sa harap nito.



'Mamatay kana..'



Hindi niya napigiling mainis sa mga naririnig niya, nababaliw na ata siya.



Mahigpit ang hawak niya sa blade na may dugo na sa dulo, pumapatak ang dugo mula sa kanyang palapulsuhan sa lababo.



"Tama na... ayoko na..." Pagod nitong sabi.



Hindi niya maintidihan ang mga boses na sumisigaw sa kanyang utak.



Kailan ba ako mag papahinga? Tanong nito sa sarili.



Isang laslas ang binigay niya malapit sa palapulsuhan, ilang beses niya itong nilaslas hanggang mag labas ito ng masaganang dugo.



Hindi niya maiwasang magalit sa repleksyon niya sa salamin.



"K..." hindi niya mabanggit ang  buong pangalan na iyon.



"K...Ki.." Paulit ulit niyang binabanggit.



Tuwing nakikita niya ang sarili sa salamin, wala na siyang maisip kundi ang nangyari noon.



Ang malansa at mapulang dugo sa sahig...



Bituka, iilang lamang loob.



Wakwak na tiyan ng matanda.



Naiinis siya sa sarili, nagagalit siya,



Sa oras na 'yon ay may plano na siyang kitilin ang sariling buhay gamit ang blade.



Patuloy na nag dudurugo ang mga laslas nito, iniwan niya ang c.r ng lumang kwarto ng pumanaw na ina.



Lumabas siya dito aat tumambad ang kwarto ng kanyang ina, maalikabok ang lugar at puno ng ala-ala.



Pinagmasdan niya ang kama ng ina, kung saan siya dati nakikitulog kapag malungkot ito o natatakot, lumipat naman ang tingin nito sa may ref na naka kadena na ngayon dahil hindi na magamit. At ang mga sofa na naka taklob na ng puting kumot.



Hindi niya na iwasang umiyak.



"Mama... hindi ko po sinasadya..." iyak nito at napa upo nalang sa sahig. Nanginginig ang tuhod ng makita ang batang babae sa sulok ng kwarto.



LoucuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon