Chapter 2

21 4 0
                                    

~02~ Leila

Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko nung mga oras na iyon. Buong akala ko ay kung sino na ito. Kaya nagpumiglas ako at hinarap ang taong nagpakaba sa akin ng todo.

It was... Vin. Again.

"What the heck, Vin?!" I yelled into his face nang tanggalin nito ang kamay sa bibig ko.

Ngunit tahimik ito at mariin na nakatitig sa akin.

"What are you doing with that, Albez? Leila?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito. Galit siya.

Ngunit bakit siya nagagalit? At ano nanaman ang ginagawa niya? Bakit niya ba ako sinusundan?

"Wala ka na don, at... bakit kaba sunod ng sunod sa akin? Are you my stalker?!" Halos pagalit ko'ng tanong.

He crossed his arms aroung his chest. While his brow furrowed. Then suddenly he cornered me with both of his hands in each side of my head. Sobrang lapit ng mukha nito at madilim ang tingin sa akin.

"So what if I am? I never saw you for almost three years, Leila! I said we just need some space... but... you were nowhere to be found!" I saw a glimpse of emotion in his eyes. Ayokong mag-assume na meron pa. Kung meron nga ba? Tsk.

I was so dumb. So dumb that I didn't see him. I was so blind. I thought he loves me cuz he's always around me when I needed him the most... but no... pabago-bago ito! And he just wants me around... to play with him. Tsk.

And, I got a hunch na siya ang tinutukoy ni Inspector Albez. Nababahala ako.

"Ang kapal ng mukha mo! Space? G*g* ka ba?! That night, Vin! I asked you to take me home but you insisted! Instead? Naghanap ka pa nga ng iba'ng babae mo hindi ba? At siya ang sinayaw mo, and probably! Dinala mo sa condo mo! I needed you then!" I screamed into his face. Tumutulo na ang luha ko at hindi na ako nag-abala para punasan iyon. Dinuduro-duro kopa siya. At nang magsalita ako ay biglang bumigat lalo ang pakiramdam ko. "Mommy... mommy keeps calling me... I needed you then, Vin... kaso nasaan ka?! Alam mo ang nangyari diba? You know d*mn well, Vin!" Tinulak ko siya.

Nakayuko na lamang ito at hinahayaan ako.

"Space? Space ka pa'ng g*g* ka eh isang buwan kang hindi nagpakita sa akin bago kami lumipat! So, stop messing around, Vin! Hinintay kita noon pero talagang nagbago ka nanaman. Iba ka nanaman! Dahil yan palagi ang sinasabi mo sakin tuwing hindi kita maintindihan!" Hinampas ko ang dibdib niya sa sobrang galit ko. Tumutulo ang luha at nangangarag na din ang boses ko.

Bakit... ang sakit Vin?

Ilang taon ang lumipas, at ngayon ko lamang nailabas ang hinanakit ko sakaniya. Sobra'ng sakit pala. Ngayon lamang nanuot ang sakit ng nakaraan. Dahil masyado ako'ng naghinagpis sa pagkawala ni Daddy.

I loved him. I know, I loved him. That's why I waited, alright? Umaasa ako na babalik siya at sasabihin ko sakaniya ang balita.

But, dang it... it was hopeless. I hoped for nothing. Tapos magpapakita siya ngayon? For what? Because I came back?

Not anymore Vin... You can't hurt me and my son.

Hindi ko kasi ito dinamdam noon... inisip ko na kakayanin kong alagaan si Logan, kahit di siya tanggap ni mommy. Titigil ako at magta-trabaho para sakaniya. At nung mga oras din na iyon... umaasa ako'ng magpapakita sa akin si Vin bago kami lumipat.

Pero nasaan siya?

Space ba?

Isang buwan na space kulang pa sakaniya?

Nang tignan ko ang reaksyon niya ay gulat ito at tila natulala lamang sa akin. Siguro ay hindi niya inaasahan na susumbatan ko siya.

Sa tagal na naging kami, kailanman ay hindi ko siya sinigawan. At ngayon, ngayon ko lamang nagawa ito sakaniya dahil ngayon lamang siya nagkamali sa akin.

Black Masquerade (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon