Chapter One: The First Meetup

20 5 28
                                    

Year 2013

Aria's POV

"Honey," I can feel his breath on my neck as he said those words.

"H-honey? Sinong honey-"

He pulled me towards his chest, "I love you so much."

Palapit na nang palapit ang mga mukha namin, "Honey, let me--"

*Alarm rings*

Shiiiit. Panaginip lang pala. Lord take two, patayin ko lang 'tong alarm ko, G?

Ugh, ano ba yan Lord, walang response? Anong oras na ba? Ang dami ko atang nainom kagabi, hindi ko na maalala kung anong nangyari.

"Nasaan na ba yung cellphone ko?!" Ay, hawak ko pala.

Tinignan ko kung anong oras na at-- 8:30 na?! First day of class ngayon, 9:00 am ang first class koooo.

Dali-dali akong naghilamos at nagsipilyo, "Aish, P'wede na 'to."

Nagpalit ako ng isang croptop shirt at high waisted pants. First day of school naman, okay lang 'yan.

Palabas na sana ako ng bahay namin nang may maalala ako, "Shit, wala pala akong suot na bra!"

---

Nasa jeep na ako papuntang school, "Saglit lang mga mamser, pa-gas lang tayo."

"KUYA LATE NA AKO!"

"B-bakit parang kasalanan ko? B-bakit-"

"Kuya tatadyakan kita, mamaya ka na magpa-gas!"

"Hindi na aabot 'to miss, sorry."

"Bahala ka d'yan, bababa na lang ako!" Matawa-tawa kong sabi.

"Hoy hindi ka pa nagbabayad! Hoy!"

"Bahala ka d'yan kuya!"

Lumibot ang paningin ko habang naghahanap ng tricycle, buti may nakita ako, "Kuya! Kuya, para po!"

"Saan ang punta mo miss?" Sabay kindat sa'kin. Aba manyak 'to ah.

"Tigilan mo ko kakakindat mo, papapuntahin kitang presinto. Sa Allano University po, dali kuya late na ko."

"Eh? Ang layo nun-"

"AANDAR KA O TATADYAKAN KITA?!"

"Eto na nga eh. Masyado namang galit."

Sumakay na ako sa loob at agad na kinuha yung phone kong Iphone 11 pro- char. Naka-samsung lang pala ako.

"8:48 na, kuya pakibilisa- AAAH! Masyado namang mabilis kuya! Pero kiber lang, go go go!"

Habang naghihintay ay nagscroll-scroll muna ako sa instagram ko habang binabantayan ang oras, o panis naka-ig ako, who you facebook users.

"Kuya 8:53 na! Malapit na ba tayo?"

"Oo miss, makakarating tayo bago mag-alas nuwebe," sabay kindat ulit.

Tinitigan ko s'ya ng masama, "Joke lang eh."

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Allano University, "Sabi ko sa'yo makakaabot tayo bago mag-9:00 eh."

Napatingin ako sa phone ko, nakisilip din siya, 8:59 na.

"O 'di ba, sabi ko sa'yo eh, he he."

"Bwiset. Magkano ba kuya?"

"250."

"Anak ng- anong 250?"

"250 nga! Ang layo-layo neto eh."

Bumunot ako ng singkwenta sa wallet kong chanel- char ulit. Sa tabi-tabi ko lang nabili 'to, 20 pesos.

The Three Word RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon